Find time to Read, Enjoy, Vote, Comment!
~the Cold One~
CHAPTER 15~ December 24 pt. 2
ARANIA'S POV
"Wala kasing sinasabi sakin si Jayce na may kapatid siya! hahaha!", sabi ko sabay kurot saglit sa pisngi niya, pero saglit lang baka magalit at iwan ako bigla dito eh.
"tigilan mo nga yung pagkurot sakin! nakakabwiset na ah!", sumigaw siya nun kaya medyo may tumingin na ibang tao samin tapos nasa hagdan pa din kami! XD
"Sorry na! kyutt mo kasi eh! hihi! ^___^ "
"Saka anu ka ba ni Jayce ha!", tanong niya sakin. ihhhh~ shashabihin ke ne be? hihihi!
"ihh.. girlfriend niya."
"Seriously? Baliw ka talaga. Utak talangka, tss.", Ouch ha! Maka utak talangka kala mo ang talino talino! Baka nga di niya alam yung ibig sabihin ng utak talangka eh. Pero syempre di ko sinabi sa kanya yun kasi alam niyo na... hehe.. brother in law ko eh.
"well, nililigawan kasi ako ni Jayce so ang balak ko ay sagutin siya ngayon. haha!"
"Kakaiba! HUH. Di mo alam na may mahal na iba si Jayce?", tanong niya sakin. Oo, alam ko yun, napag usapan na namin yun nung mga unang linggo siya nagttutor sakin.
"yeah, alam ko bakit ba bata?"
" Kasi gumising gising ka na sa katotohanan 'ate' kasi di lahat ng mahal mo mamahalin ka din pabalik!", may pinanghuhugutan ata tong batang to? XD BWAHAHAH!
"Saka si Lara yung Ex niya na mahal na mahal niya? they are perfect for each other. Walang babaeng nararapat at nagugustuhan ni kuya kundi si Lara lang! Siya lang! Bata pa lang sila nakatakda na silang dalawa, so walang wala ka na talagang pag asa pa! Para di ka na masaktan pa layuan mo na si kuya. Kasi only Lara is the best for him.", shet, naiiyak ako. haha!
"Eh bakit iniwan nung 'Lara' si Jayce kung mahal naman niya? Mas utak talangka yung lara na yun! Mahal na nga nila yung isa't isa tapos sinayang pa nila? oh diba anung say mo? ", tinatry kong ilight yung mood masyadong G na G si bata eh! XD
"Wala kang alam, saka di mo maiintindihan."
"Saka baka di na mahal ni Jayce yung ' Lara ' na yun! EX na nga eh! Ibig sabihin tapos na, lumipas na, nakaraan na! Kailangan na ng bago kasi luma na!", sabi ko naman.
"Kilala mo ba yung 'LARA' na tinutukoy ko?", bigla niyang tanong, isa lang naman yung Larang kilala ko eh yung bestfriend ko, si Lara Credo imposible namang siya yung 'the great and powerful Lara' diba? HAHAHAHAH!
"Hindi eh, sino ba yun?", tanong ko sabay kamot ng braso ko, nilalamig na kasi ako eh. xD
"Si Lara Sellena Credo, nandito siya sa party ngayon. At kung ikukumpara kita sa kanya? Malabo. Ibang iba si Lara kesa sayo, halata mo na agad na lamang na lamang si Lara. Walang wala ka sakanya Ate Arania Alcayde kung ikukumpara, para ka lang Dust na dumaan sa harap niya! At lalong walang wala ka sa puso ng kuya ko dahil sa kanya!", bigla naman akong parang napadpad sa Antartica sa lamig na naramdaman ko. Biglang akong humiga sa may staircase na tinatayuan ko kanina mukhang nagulat si Bata. Kapag kaya Nagpagulong ako dito pababa lalamang man lang ako kahit kunti kay Lara? Nagawa na din ba niya to para kay Jayce? Si Lara ko yung 'the great and powerful Lara'! WALANG WALA NGA AKO KUMPARA SA KANYA! huhu!
"HUHUHUHU! ayoko na! yoko na!", iyak ka sa hagdan habang nakahiga at pinapadyak padyak ko yung mga paa ko.huhu!
"Hoy! Tumayo ka nga dyan! Nakakahiya ka kasama!", sabi ni Jeno bata sakin habang nakatingin ng masama.

BINABASA MO ANG
THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]
RandomAng mga tao ay may kanya kanyang dahilan kung bakit sila naglilihim. Wag basta basta huhusgahan kasi ang dila ay parang sasakyan kapag nawalan ng preno makakasakit at makakasakit pa din ng tao. ~Arania Jane Alcayde