Walo

273 9 2
                                    

This is the NEWLY revised version.

__________THECOLD_ONE___________

After that incident hatid sundo na ako ni Jayce sa bahay, hindi ko alam kung gusto ba nya ako pero feeling ko gusto nya talaga ako. Ngayon naman ay nasa labas ako ng classroom dahil pinalabas ako ng professor ko dahil nakita nya akong inaantok.

Hindi naman kulang tulog ko, sadyang napaka-boring ng subject na trigonometry. Habang nagmumuni-muni ako nakita ko si Jayce na naglalakad papuntang exit. Huh? Eh may klase sya ngayon ah!

"Jayce!", Sigaw ko sa kanya habang tumatabok ako palapit sa kanya. Natigilan naman sya at kumunot ang noo, halatang irita na kaagad ang lolo nyo.

"Can you keep quiet?! Bakit ba?", Inis na tanong nya sakin habang kinakamot ko naman leeg ko sa hiya.

"Saan ka ba pupunta? Hindi pa tapos ang klase mo ah!", Akusa ko sa kanya. Alam ko kaya buong schedule nya!

"The same goes to you! Uuwi na 'ko!", Sabi nya at nagpatuloy na sya sa paglalakad palabas. Sumunod naman ako sa kanya habang patalon-talon.

"Sama ako!", Masayang sabi ko sa kanya sabay ngiti na kita lahat ng ngipin ko. Hindi na sya umimik pa at lalong binilisan ang paglalakad nya. Bigla siyang nagtago sa isang poste kaya tumabi din ako sa kanya.

"Ano ba yun, Jayce?," Mahina kong bulong sa kanya habang nag 'shh' lang sya sa akin. Sumilip ako at may nakita akong van na itim na nakabantay sa exit na dadaanan namin. Ohmygosh! Baka ito yung mga kidnappers sa University namin!

"Tara dito tayo dadaan.", Sabi ni Jayce sabay hila sa kamay ko papunta sa fence ng University namin na maraming dahon na nakapaligid. Keleg eke. Tamang holding hands lang bago magcutting classes ang peg namin!

"Jayce wala namang daan dyan eh!", Sabi ko sa kanya ng makarating kami kasi imposibleng maakyat namin yan eh ang taas! Dire-diretso lang ng lakad si Jayce habang may kinakapa kapa sya sa mga dahon. Hanggang sa may hinila sya at nabuksan yung fence! Wow amazing!

"Paano mo alam yan?", Tanong ko habang gina-guide nya ako palabas.

"Ako gumawa nyan.", Tanging sagot nya lang sakin. Nakalabas na kami ng University, patuloy pa din kaming naglalakad at magka-holding hands habang papunta kung saan.

"Hindi pwedeng umuwi ako kaagad. Mauna ka ng umuwi sa inyo.", Sabi nya sakin. Yun na yun eh! Akala ko may moment na kami!

"Wag na! Sasama ako sayo!", Sinabi ko sa kanya at huminto kami sa tapat ng 7/11.

"Hindi ko alam kung saan ako pupunta okay! Umuwi ka na!", Inis na sabi nya sakin.

Pero dahil matigas ulo ko hinila ko sya at alam ko kung saan kami pupunta. Sa motel. Charot lang! Pupunta kaming perya dahil kakabukas lang at magpa-Pasko na kasi din.

"Ang dumi naman dito.", Kanina pa sya reklamo ng reklamo kesyo ang baho daw dito, madumi, hindi safe mga rides at kung ano-ano pa!

Lumaki din naman akong may pera at maginhawa ang buhay pero sanay ako sa mga ganito dahil pumupunta kami dito nila Zia dati pa.

"Ngayon ka lang ba nakapunta ng perya?", Matapos ang paglilibot namin sa perya; ayaw nya din kasing sumakay sa rides dahil hindi daw safe, ay bumili na lang kami ng makakain na tusok-tusok. Ayaw pa nga nya nung una kasi madumi sabi ko naman hindi kaya napapayag ko naman syang bumili kami.

Naupo na lang muna kami sa isang bench doon habang kumakain ako at sya naman ay umiinom lang ng bottled softdrinks.

"Where are your parents?", Biglang tanong nya sakin kaya na-choked ako sa kinakain ko.

"Hindi ko alam eh, nawala sila nung nasa barko sila papuntang Cebu noon.", Tipid kong sagot sa kanya sabay ngiti.

"And?", Pagpilit nya sakin, habang tinititigan nya ako na para bang may binubuo syang puzzle piece.

"And.. hindi na sila nakita pa hanggang ngayon kaya kaming dalawa na lang ng kuya ko kasama ang Yaya namin. Ikaw ba hindi ko nakikita mama mo eh?", Sabi ko habang ngumunguya ng squidballs. Nakilala ko na Papa nya, mabait naman kaya pasado daw akong maging 'daughter-in-law' nya. Kailangan ko na lang ng basbas ng mama nya.

"Wala na din.", Tipid na sagot ni Jayce.

"Okay.", Tanging sabi ko lang at napataas naman ang kilay nya sa akin nung sinabi ko yun.

"Mostly yung iba magsasabi ng 'sorry' tapos ikaw 'okay' lang? You are so weird.", Sabi nya habang nakangisi sya. Wow. Ang pogi talaga.

"Eh ganun naman talaga, hindi maiiwasan yun. Parte yun ng buhay.", Kibit balikat kong sagot sa kanya.

"So, okay lang na mamatay ka ngayon ganun? Hindi ka man lang lalaban?", Seryosong tanong nya sakin. Bakit ba ang seryoso nya? Kinabahan tuloy ako, magjo-joke pa naman sana ako.

"Kapag oras mo na, oras mo na. Alam ko namang lumaban ako sa buhay.", Simpleng sagot ko sa kanya. Tinignan nya ako ngayon na para bang tatlo ulo ko sabay ngisi. Isang bagay lang ang pagsisisihan ko kapag namatay ako ngayon, 'yun ay hindi naging tayo Jayce. Wow. Ang drama ko, kainis.

Iniiwas ko na lang ang tingin ko kay Jayce at inilibot sa perya hanggang sa may makita akong carousel.

"Jayce tara! Samahan mo 'ko!", Masiglang sigaw ko sa kanya na siyang kinagulat nya.

"Saan ba?", Bored na sagot nya. Hinila ko na lang sya papunta sa carousel habang sya naman bored na bored at hindi nya ata mahulaan kung saan kami pupunta dahil nakatingala lang sya.

"Yes!", Sigaw ko ng makapasok na kami sa carousel ni Ajyce at napansin kong tahimik lang sya.

"Bakit? Ayos ka lang ba?", Tanong ko sa kanya. Tumango lang sya at bigla namang umaandar yung carousel. Kaunti lang ang tao dahil weekday ngayon kaya palipat lipat lang ako ng uupuan na kabayo.

Paglingon ko naman kay Jayce nandoon siya sa loob ng karawahe ni Cinderella at nakatungo lang sya. Kinabahan ako at nagtataka kaya dali-dali akong pumunta sa kanya.

"Huy, Jayce. Okay ka lang ba? Jayce!", Nakaupo na ako sa tabi nya pero nakatakip siya sa dalawang tenga nya at nanginginig. Hindi nya ata ako naririnig.

"Jayce, anong nangyayari sayo? Please Jayce?", Mahinahon kong tawag sa kanya.

"Mama.. mama.. mama..", lang ang tanging naririnig ko sa kanya.

Hinawakan ko na ang magkabilang kamay nya na nakatakip sa tenga nya at iniharap ko sya sakin. Nagulat ako dahil nakapikit ng madiin si Jayce at pinagpapawisan. Nakakita na ako ng ganito, yung kuya ko. Ganito sya sa tuwing may bagay o lugar na magpapaalala sa magulang namin. Sabi ng mga doctor na-trauma daw sya. Baka si Jayce din..

"Jayce. Jayce, nandito lang ako. Jayce, hindi ka nag-iisa. Jayce.", Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya. Ang bilis nang paghinga ni Jayce at kapag nagtuloy-tuloy na ganun ay baka hindi sya makahinga at mahimatay sya.

"Jayce dahan-dahan lang. Breathe in. Breathe out.", Sabi ko kay Jayce at ipinagdikit ko ang mga noo namin habang gina-guide si Jayce sa paghinga nya.

Mga ilang minuto din ang tinagal ni Jayce na nakaganun lang siya at 'di namin namalayan na tumigil na carousel sa pagikot. Kaagad na tumayo si Jayce at naglakad palayo habang hawak ang kamay ko.

__________thecold_one___________

THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon