NEW VERSION
___________THECOLD_ONE___________
"Hoy, alam mo ba may nawala na namang student?"
"Gusto ko nang lumipat ng university."
"Kahit lumipat ka walang magagawa yun kasi balita din sa ibang universities na may mga nawawala ding students."
"Bakit hindi lumalabas sa TV?"
"Ano ka ba syempre masisira reputasyon ng mga university kapag may lumabas na ganung balita tapos hindi pa nalalaman kung sino ang nangunguha."
" Grabe ang dami nang nawawala na students. Nakakatakot.", rinig kong bulungan ng mga estudyante na dumadaan sa room namin habang nagsusulat kami sa World Literature na subject namin. Ano bang meron at madaming nawawala? Malapit na Christmas eh, kawawa naman mga pamilya nila.
"Sa tingin niyo ano yung nagunguha ng mga students?", Bulong sakin ni Joanna.
"Hala, baka ito na ang panahon na babangon ang mga bampira!", sigaw ko at pinagalitan ako ni Ma'am habang hinampas naman ako ni Zia. Suggestion lang naman, baka naman diba? Hala, masaya siguro kung ganun. Joke lang, ayoko pala sa dugo.
"Hindi kaya serial killer yun o kaya may isang psychopath sa university tapos pinapatay niya isa-isa yung mga nangapi sa kanya?", masiglang bulong ni Alexa. Mahilig siya sa ganyang genre ng libro, napailing na lang kami.
"Baka naman mga kidnapper talaga, yung nagbebenta ng lamang loob.", simpleng sabi ni Zia habang nakangalumbaba.
"Alam ko na! Baka Mafia yun o gang! Cool pero nakakatakot.", sabi ni Joanna habang nakasimangot. Nagkibit balikat na lang kami kasi di kami magkasundo kung sino ba talaga ang may kagagawan ng pagkawala ng ilang mga estudyante sa iba't-ibang universities.
Nauna na sila Zia papunta sa classroom habang ako naman ay dumaan saglit sa canteen kasi bumili ako ng chuckie, nauhaw ako bigla. Pabalik na sana ako ng may nakita akong pusa na color black.
Kagandang pusa, mukhang hindi palaboy kaya ang ginawa ko ngayon ay sinundan ko yung pusa hanggang makarating ako sa madaming puno na side sa aming university.
"Ikaw ha, asan ba may-ari mo at pinapabayaan ka lang?", Sabi ko sa pusa habang buhat ko ito at umupo naman ako sa nakatumbang puno.
Tumingi ako sa paligid at nasa dulo na ako ng campus namin dail puno na ng mga halaman at puno. Kinilabutan ako kasi madaming kwento dito na nakakatakot at ngayon nagsisisi ako kung bakit ko sinundan 'tong pusa na ito. Jusko.
Tumayo na ako at pinagpag ang dumi sa palda ko. Paalis na sana ako ng may narinig akong humihingi ng tulong. Sinundan ko ang boses na pinanggagalingan at nakita ko ang isang lalaki na ka-schoolmate ko habang pinapaligiran siya ng mga naka-itim na balot na balot ang buong mukha.
"Wala kayong makukuha sakin! Tigilan nyo na ako!",sigaw nung lalaki na halatang takot. Pinapalibutan yung lalaki ng mga naka-black at nagsitawanan lang ang mga ito.
Aba! Hindi naman ata tama na isa laban sa anim?! Tumingin ako sa paligid ko at may nakita akong kahoy na pwede ng pamalo. Kailangan nya ng tulong, sa isip-isip ko. Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanila habang nakataas ang pamalo ko. Gulat naman silang lahat nung pinagpapalo ko sila habang yung lalaki nakikipagsuntukan na din.
"Ay sorry!", Sigaw ko nang mahataw ko ng malakas yung isa. Hinawakan nya yung pamalo ko at inaagaw nya sakin. Mama, bakit ba ako sumugod?
"Joke lang po! Sorry po! Tulong!", Sigaw ko dahil wala na akong pamalo ngayon at nakaabang sila sakin sa kung ano gagawin ko. Ang creepy lang dahil natatakpan buong mukha nila paano nila ako nakikita?!
"Takbo dali!", Sigaw sakin nung lalaki at takbo naman ako kaagad sa direksyon palabas sa lugar na ito. Nagtatakbo ako hangga't sa may mabangga ako at napaupo ako.
"Arania?"
"Jayce! Tulungan mo 'ko may mga tao doon binubugbog nila yung lalaki!", Sabi ko sa kanya habang hinihingal ako. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa na para bang naguguluhan siya. Slow naman n'ya!
"Ayun yung babae!", Sigaw nung lalaki na nakaitim na humahabol sakin. Shems. Bigla namang napatingin si Jayce at kaagad akong hinila patakbo at palayo sa kanila.
"Teka Jayce! May lalaki kasi dun baka---", naputol ang sasabihin ko nang nagtago kami sa tapunan ng mga tuyong dahon.
"Keep quiet.", Sabi n'ya habang nakadapa kagaya ko.
Nangangati na ako ng dumaan ang mga nakaitim sa harap mismo namin pero hindi nila kami nakikita kasi nasa ilalim kami ng mga dahon.
"Bumalik na tayo.", Sabi nung isa at sunod-sunod naman silang nagsialisan.
Hindi pa din kami lumalabas ni Jayce kahit na feeling ko nakalipas na ang 30 minutes pagkatapos nilang umalis.
"Ack--", hindi ko na matiis kaya tumayo na ako. Sobrang kati na ng buong katawan ko. Ang daming pagtataguan ito pa naisip ni Jayce, lumabas na din naman sya at nagpagpag.
"Why are they chasing you?", Seryosong tanong sakin ni Jayce. Hindi ko alam pero kinilig ako sa boses nya.
"Huh? Hindi nila ako hinahabol! Yung lalaki nga yun tinulungan ko--"
"Wala akong nakitang ibang tao maliban sayo at yung mga nakaitim. Anong kailangan nila sa iyo, Arania?", Lumapit na sya sa akin at seryosong tinignan ako. Ganda ng mata ni Jayce, hay.
"Wala nga! Hindi naman ako may kasalanan!", Inis na sagot ko sa kanya kasi ayaw nya maniwala sakin. Mukha bang kilala ko yung mga yun? Duh. Tinignan nya ko ng matagal na para bang tinatansya kung totoo ba sinasabi ko at napabuntong hininga na lang sya sabay iling.
"Ihahatid na kita pauwi sa inyo.", Sabi nya sabay lakad palayo. Oh my gosh.
"Nanaginip ba ako, Jayce?", Masayang sigaw ko sa kanya habang patalon-talon nakasunod sa kanya paalis. Hindi nya ako sinagot at nagpatuloy lang sya sa paglalakad.
"Mahal mo na ba ako Jayce?", Masayang bulong ko sa kanya habang nakasimangot lang sya.
"Hindi, may pinipigilan lang akong hindi magandang pangyayari. Mahirap na ma-issue na naman ang school natin.", Walang emosyong sagot nya habang naglalakad kami palabas ng school. Uwian na pala.
Sus, concern sya sakin. Yun lang 'yon!
__________thecold_one___________

BINABASA MO ANG
THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]
DiversosAng mga tao ay may kanya kanyang dahilan kung bakit sila naglilihim. Wag basta basta huhusgahan kasi ang dila ay parang sasakyan kapag nawalan ng preno makakasakit at makakasakit pa din ng tao. ~Arania Jane Alcayde