This is the NEWLY revised version.
__________THECOLD_ONE___________
Tatlong linggo ng nagre-review sila Jayce sa bahay namin at syempre dahil napaka-supportive kong girlfriend, nagpapaluto ako kay Yaya Lanie ng makakain nila.
Jusme, madaming hiwaga ang nangyari sa loob ng apat na araw na pagre-review nila Jayce sa bahay, pero syempre di pa din niya ako pinapansin. Ngayon ay nakapangalumbaba ako habang nagche-check na naman ng test paper si Mrs. Ong.
Lagi na lang nagpapa-test, kada lesson may test pagkatapos. Isang buwan na makaraan ang first day of school, jusme. Pero alam niyo ba ang mga nakukuha ko? Nakaka-one point naman ako minsan zero pero atleast hindi ako ang pinakamababa sa Business Math dito samin--
"Miss Alcayde?", tawag sakin ni Mrs. Ong at kagaad naman akong tumayo.
"Yes, Mam?", kinakabahang tanong ko habanag nakatingin sa kanya. Inayos niya muna ang suot niyang reading glass sabay tingin sakin ng masama.
"Ikaw ang pinakamababa sa klase ko. Anong klaseng business woman ka kung hindi ka marunong, especially sa Math. Mataas ka naman daw sa ibang subject pero bakit dito bumabagsak ka?", seryosong tanong niya sakin sabay masahe sa batok niya.
"Mrs. Ong, mahirap na nga po ang numbers tapos sinamahan pa ng letters.", Nakasimangot na sagot ko sa kanya, tinignan na naman niya ko ng masama.
"Sinasabi mo bang panget ako magturo?", hinampas niya ang dalawa niyang kamay niya sa desk at napatalon ang iba kong kaklase at napa-cringed naman ako. Tumingin ako kina Zia, Joanna at Alexa at wala silang magagawa ngayon.
"Magaling po kayong magturo kaso--", pinigil ko ang kung ano mang sasabihin ko dahil napatayo agad si Mrs. Ong.
"Ako ang Top notcher sa Teachers Licensure examination nung 2005! Walang reklamo ang mga naging estudyante ko at nakakatanggap ako ng iba't-ibang recognition dahil sa galing ko sa pagtuturo!", sabi niya sabay taas ng dalawa ng kamay. Bumuntong hininga ako, it's not you, it's me, gusto ko sanang sabihin sa kanya kaso baka lalong magalit. Parang ilang minuto na lang lalabas na ang usok sa mga tenga at ilong niya. Defensive much si Mrs. Ong.
"Nahihirapan po ako sumabay sa lesson niyo po eh," simpleng paliwanag ko sa kanya sabay ayos ng buhok ko at nakita kong pinipigilan tumawa nila Zia.
"Sige, naintindihan ko. Kailangan may mag-tutor sayo para makahabol ka sa mga lessons natin.", kalmadong sabi niya sabay upo ulit at tumitingin sa paligid na parang may hinahanap. Tutor? Papagalitan ako ni kuya neto eh!
"Okay po, Mam.", sabi ko habang nakayuko. Kapag nalaman ni kuya to baka akalain niyang di ako nag-aaral.
"Ayaw kitang makitang mag-retake o bumagsak sa subject na to, Arania. You are a very intelligent lady, but when it comes to Math nawawala ang talino.", sabi ni Mrs. Ong sabay buntong hininga. Nanatili lang akong tahimik at nakayuko pero sa loob loob ko natatawa na talaga ako sa itsura ni Mrs. Ong.
"Mr. De Los Santos, can you be her tutor?", biglang sabi ni Mrs. Ong at napatingin ako agad sa kanya.
"Yesyesyes!", di ko napigilang isigaw at bigla naman akong tinignan ng masama ni Mrs. Ong. Tumahimik ako at yumuko ulit.
"I don't like tutoring, Mam.", simpleng sagot ni Jayce. Napasimangot naman ako dun at magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Mrs. Ong.
"I know that you are reviewing for the quiz bee in her house. I see no deal in denying to tutor her, pwede mo namang isabay na i-tutor siya dahil na din advance na ang nire-review niyo.", seryosong sabi ni Mrs. Ong sabay suot ulit ng reading glass niya.
BINABASA MO ANG
THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]
AcakAng mga tao ay may kanya kanyang dahilan kung bakit sila naglilihim. Wag basta basta huhusgahan kasi ang dila ay parang sasakyan kapag nawalan ng preno makakasakit at makakasakit pa din ng tao. ~Arania Jane Alcayde
![THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/5323806-64-k358173.jpg)