Apat

568 8 10
                                        

NEW VERSION.

__________THECOLD_ONE___________

"Bawal ka lumabas hangga't hindi pa tapos ang second semester mo. No gadgets. No wifi. Deducted allowance. I need to see your grades in Business Math afterwards.", kausap ko ngayon si Kuya Aki sa cellphone at nakarating agad sa kanya yung balita na may tutor ako. Nagalit siya kasi alam niyang matalino ako at well-- di niya akalaing magkakaroon ako ng tutor.

"Yes, kuya. Kamusta na dyan sa London?", sabi ko habang iniikot ikot ko sa isang daliri ko ang buhok ko papunta sa sala.

"Busy as always. I gotta go Arania, I'll see you soon my princess. Love you."

"Okay kuya, mag-ingat ka dyan. Love you too, see you.", sabi ko at narinig kong patay na sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako. Ayokong nadi-disappoint si Kuya kaya ganun na lang ang pagkalungkot ko ng sinabi ni Mrs. Ong yun pero bawing bawi naman sa Happiness kasi si Jayce mylabs ang tutor ko. Hihihihi.

_________

Nakatayo ako ngayon sa harap ng pinto kasi kakarating lang ni Jayce. Emerghed. Ang pogi niya talaga kahit naka-simple dark blue button up shirt lang siya. Yung kilay niya magkasalubong na naman, lalo lang siyang pumupogi.

"Hindi mo ba ako papapasukin?", sabi ni Jayce habang nakatingin sakin ng seryoso.

"Saan kita papapasukin?", naguguluhang tanong ko sa kanya. Oh gosh, di pa ko handa sa mga ganung bagay! Grabe naman si Jayce! Mag-tutor lang siya sakin hindi mag-ganun, hindi pa nga kaming dalawa. Masyado naman siyang nagmamadali. Pere enebe kenekeleg eke.

"Inside your house, idiot.", naiiritang sabi niya sakin kaagad naman niya akong itinulak para makapasok siya. Sus, kunwari pa si Jayce alam ko namang gusto niya ko.

Pumunta kami sa study room ko at naupo ako nasa harapan ko si Jayce na walang emosyon ang mukha. Inilabas ko na ang mga libro at notes ko at kaagad namang kinuha ni Jayce ito at tinignan.

"Do you purposely keep getting zero so that I could tutor you?", sabi niya bigla at masama ang tingin niya sakin ngayon. Napalunok ako bigla.

"Hindi noh! Assuming ka!", depensa ko naman. Kasi hindi ko naman talaga sinasadyang puro zero nakukuha ko kung alam ko lang na siya ang tutor edi sana matagal ko ng ginawa.

"Whatever let you sleeps at night. Let's start.", sabi niya sabay irap sakin at buklat sa libro ng Business Math.

So, 2 weeks after, yun nga tinuturuan ako ni Jayce, minsan kapag uwian sa library tapos sa bahay namin tuwing weekends. Halos dun na nga tumira si Jayce eh! At kilala na siya nila yaya Lanie at mang Romy yung driver ko, kasi nga diba lagi siyang nandun! AT… ehem! Napag-alaman kong malapit lang bahay nila sa amin kaya I'm so happy!

Pero may iku-kwento ako sa inyo nung mga first to second week ng pagtuturo niya sakin, palagi siyang inis na inis sakin AT naku jusko po! LAGI SIYANG PMS!

Nasa bahay ko kami ngayon ni Jayce, sa study room. As usual sobrang pogi na naman ni Jayce di ako maka-concentrate dahil sa mukha niya saka yung puso ko parang nababaliw, magpapa-check up nga ako kasi parang may sakit ata ako sa puso.

 
“Jayce,  paano nga ulit ito?”, tanong ko ulit sa kanya kasi di ko ma gets saka nalimutan ko na kung paano ulit gawin! Masyado na ata akong makakalimutin, kailangan ko ng uminom ng enervon.

“FOR THE NTH TIME! ARANIA JANE!-----“, sigaw sakin ni Jayce na halata mong galit na galit.

 
“Teka Jayce! Anung oras ba yung ‘Nth time’?”, tanung ko sa kanya. Bigla namang napasabunot sa sarili si Jayce at napa-facepalm. Anyare sa kanya? Hala, nababaliw na din ata. Bagay talaga kaming dalawa. Hihihi.

THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon