This is the NEWLY revised version.
__________THECOLD_ONE___________
Nakaupo na kami ngayong dalawa sa isang parke kanina pa tahimik si Jayce. Pinabayaan ko lang na maghari ang katahimikan samin dahil ayokong mabulabog siya, baka magbreak down siya ulit kapag pinilit ko siyang sabihin sakin ang nangyari sa kanya. Ayaw kong layuan niya ulit ako.
Nakatingin si Jayce sa malayo habang nililipad ang ilang piraso ng itim niyang buhok. Hindi ko maiwasang titigan pa siya; ang mga mata niya na matalim kung tumingin, ang mukha niyang laging nakakunot ang noo at nakasimangot na para bang may inaalala siya lagi, at ang medyo mapulang labi niya na nagpadadag sa iritadong mukha niya na lagi mong makikita na isang diretsong linya lang.
Ngunit ngayon iba siya, maaliwalas ang mukha niya pero nakakunot pa din ang noo niya.
"Thanks.", Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. Hindi pa siya tumitingin sakin.
"Para saan?", Naguguluhang tanong ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan si Jayce paminsan minsan.
"My m-mom always takes me on a carousel.", Pagsisimula niya, sasagot na sana ako na anong kinalaman ng 'thanks' niya dun nang tignan niya ako ng masama na para bang alam niyang may sasabihin na naman akong kashungahan.
"And my last memory of her was on a carousel also, before she left me there. Alone.", Bumuntong hininga si Jayce at umiiling iling habang nakangiti ng bahagya na tila bang gustong burahin ang mga alaala na iyon. Ayaw ko ng ngiti niya ngayon, ngiti ito ng taong nagsasaktan.
"Come on, I'll take you home.", Bigla na lamang siyang tumayo at dismayadong sumunod na lang ako ng hindi umiimik. Akala ko pa naman mas makakausap ko siya ng matagal ngayong araw.
Nagsimula na kaming maglakad pauwi, kahit medyo malayo pa ang bahay namin sa parkeng ito ay mas magandang naglalakad lang kami. Para mas matagal ko pang makasama si Jayce, hokage moves na maituturing ba itong ginagawa ko? Hay.
Ano kayang nangyari sa mama niya? Mga limang taon na din ata simula nung iniwan sila ng mama niya. Yun ang usap-usapan sa village namin, iniwan sila ng mama niya. Nakaka-relate naman ako kay Jayce pero ang pagkakaiba lang ay yung akin ay nawala sa isang aksidente sa dagat.
"Wag kang magtanong pa.", Seryosong sabi sakin ni Jayce ng bigla niya akong hinawakan sa braso at mabilis na hinila sa isang street na hindi naman yun ang daan pauwi.
"B-bakit?", Naguguluhang tanong ko sa kanya. Ngayon ay parang halos tumatakbo na kaming dalawa pero yung mukha ni Jayce nakakunot noo pa din at tila may binibilang siya.
"Kanina pa nila tayo sinusundan.", Tanging sinabi niya lang sa akin hanggang sa may marinig akong mga yapak na humahabol sa amin.
Hindi ko na nagawang tumingin pa sa likod ko nang hawakan na ako ni Jayce sa kamay at mabilis kaming kumaripas ng takbo. Buti na lang ay nakakain ako ngayong araw kung hindi bibigay kaagad ang tuhod ko sa mga ganitong patakbo takbo na gianagwa namin. Lumiko kami ni Jayce sa isang makipot na daan at nakalabas sa isang highway ngunit nagpatuloy pa din kami sa pagtakbo pero ngayon ay hindi ko na naririnig ang mga humahabol sa amin. Hinila ako ni Jayce sa isang drum na nakatumba sa paligid na isang talyer na pinasukan namin at tinulak niya ako papasok. Nagkasya naman ako doon dahil medyo maliit lang naman ako.
"Wag kang lalabas hangga't hindi kita sinusundo dito.", Seryosong sabi niya sa akin, bigla naman akong nakaramdam ng matinding takot dahil doon.
"J-jayce bakit? Anong meron?", Mangiyak ngiyak kong tanong sa kanya.
"Basta. Wag kang gagawa nang kahit na anong ingay, please.", Bago pa ako makasagot ay tumayo siya sa pagkakayuko at may itinapal na plywood sa butas ng drum kung saan naroon ako pero may butas pa din naman at kitang kita ko ng magsidatingan ang mga humahabol sa amin kanina. Normal lang naman ang mga suot nila pero nararamdaman kong mapanganib sila dala na din siguro ng mga tattoo's na parang lahat sila ay mayroon. Isang lion ang mga naka-tattoo sa mga braso nila at lahat sila naka-sleeveless. Ano sila sasayaw?
"Finally, tapusin na natin 'to.", Sabi nung nauunang lalaki na kulay abo ang buhok, anim sila at isa lang si Jayce. Napakadaya naman nila kung ganun!
Umatake na ang parang lider ng grupo at mabilis namang naiwasan ni Jayce ang mga paparating na suntok nito habang ang limang lalaki ay nanatiling nanonood sa laban na nagaganap sa harap nila. Go Jayce! Para lang akong nanonood ng isang action film sa pinapamalas na galaw ni Jayce!
Biglang nasuntok ni Jayce ang ilong ng lider at kaagad nawalan ng balanse ito na siyang ginawang hudyat ni Jayce para tamaan pa ito sa sikmura. Kaagad na bumagsak ang lider at tinadyakan siya ni Jayce, akmang tatayo ito ulit ngunit tuluyan na siyang napatulog ni Jayce. Kaagad naman kumilos ang tatlong lalaki papunta kay Jayce at mabilis namang nakakaiwas ito sa mga paparating na suntok nila. Mukhang bored pa ata si Jayce sa mga ginagawa nila ng matamaan si Jayce sa pisngi ng suntok nung isa at napangisi ito. Impit naman akong sumigaw at nanigas ang katawam ko ng mapatingin sila sa kinaroroonan ko. Kaagad namang sumugod si Jayce sa lalaking napatingin at pinagsusuntok ang mukha nito. Aatakihin na sana siya sa likod ng baliin niya ang braso na sinuntok niya kanina sa mukha at ihinampas sa isang lalaki na paparating sa likod niya, kaagad naman niyang tinadyakan ang pangatlong lalaki. Natumba silang tatlo kasama si Jayce pero kaagad na napaluhod si Jayce at pinuntahan ang patayong lalaki at sinapak ang mukha nito dahilan para mawalan ito ng malay. Nasuntok naman si Jayce sa kanyang likuran kaya hindi siya nakatayo kaagad at sinapa pa siya ng isang lalaki. Wala akong magawa, pero alam ko din naman na kapag lumabas ako dito ay mas llong mapapahamak si Jayce.
Muli siyang sinapa ng lalaki pero hinawakan niya ang binti nito at gamit ang siko itinusok dito na para bang babaliin niya ito. Napasigaw ang lalaki hanggang sa mapahiga ito at doon siya pinagsusuntok at kalaunay nawalan din ito ng malay. Susukod naman ang isang lalaki pa pero kaagad din itong sinalubong ni Jayce ng suntok. Natamaan si Jayce sa mukha at sa kanyang sikmura, tumutulo na din ang dugo sa putok niyang kanang mata at labi at alam kong may mga pasa na siya sa binti at braso. Bumawi ng suntok si Jayce bandang leeg nung lalaki at nawala ang balanse nito at wala ng inaksayang oras si Jayce. Paulit-ulit niya itong sinuntok sa sikmura hanggang sa dumudura na ito ng dugo at napaluhod sa kanya. Walang emosyong sinapak ni Jayce ang lalaki sa mukha at nawalan na ito ng malay. Napatingin ako sa pwesto ng dalawang natirang lalaki kanina nang mapagtantong wala na ang mga ito.
Paika-ika namang lumapit si Jayce kung saan ako nagtatago at hinila palabas.
"We need to get out of here now.",
__________thecold_one___________
BINABASA MO ANG
THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]
DiversosAng mga tao ay may kanya kanyang dahilan kung bakit sila naglilihim. Wag basta basta huhusgahan kasi ang dila ay parang sasakyan kapag nawalan ng preno makakasakit at makakasakit pa din ng tao. ~Arania Jane Alcayde