Anim

421 8 4
                                        

NEW VERSION.

__________THECOLD_ONE___________

Arania's POV

Ilang araw nang hindi pumapasok si Jayce at ilang araw na din na wala akong tutor sa math. Actually, dalawang araw na akong pinapagalitan ni Ma'am kasi hinahanap niya si Jayce at dahil na din puro zero nakukuha ko. Wala namang pinagbago kahit nandito si Jayce kasi puro zero pa din nakukuha ko. Hindi ba pwedeng bigyan niya ko ng gantimpala kasi consistent na zero ang nakukuha ko? Hay buhay.

Last time na nag-usap kami ni Jayce ay nung nagpaalam siya na 'di niya ko matuturuan dahil may kikitain siya. OMG. Hindi kaya na-kidnap si Jayce? Tapos tinapon sa isang remote area at pinatay? Ano ka ba, Arania. O baka naman sobrang layo ng lugar na kitaan nila at naligaw siya? Ano ka ba, Arania. Baka sa gubat nakipagkita sa kanya tapos naligaw siya sa gubat at di na muling makakabalik pa? Ano ka ba, Arania. O baka nung pauwi na siya ng gabi may bampirang dumating at kinuha siya dahil naguwapuhan sa kanya? O baka nung gabi na kabilugan ng buwan naging werewolf siya? OMG. Ano ka ba, Arania. Sino ba yung kinita niya? Babae ba? Oh my, baka mamaya sobrang ganda nung babae tapos nagtanan na sila kasi tutol yung tatay niya? O baka yung babae ay pinatay siya-- hay. Tama na, Arania. Kailangan ko siyang puntahan sa bahay nila para malaman kung ano bang nangyari sa kanya.

Bumaba na 'ko ng sasakyan at lumakad papunta sa pinto nila Jayce. Malaki yung bahay nila, maganda ang mga halaman sa bakuran, mataas yung bakod na kulay ginto, at puti ang pintura ng buong bahay na nagmumukhang 'cityhall' tuloy. Joke. Mabilis akong pinapasok sa loob kasi kilala na ako ng guard sa kanila. Bilang girlfriend ni Jayce, sabi ko kasi sa kanila yan dati nung unang punta ko para samahan si Jayce kunin ang mga libro niya na gagamitin pangturo sa akin. Hihi.

"Yaya, asan po si Jayce?", tanong ko sa matandang babae na lagi kong nakikita sa bahay nila.

"Ay, buti ay nandito ka iha! Nag-away ba kayo ng Jayce?", nag-aalalang tanong nito sakin habang nakakunot ang noo.

"Po? Hindi po kami magkaaway.", Sabi ko.

"Ah sige, Iha puntahan mo na lang siya sa kwarto niya kasi di pa siya lumalabas. Kapag dinadalan ko ng pagkain, eh ayaw naman niya, nag-aalala ako. Baka mamatay na yun sa gutom.", sabi nito at sinamahan ako paakyat sa kwarto ni Jayce. Laki talaga ng bahay nila Jayce, tumigil kami sa pintuang kulay dark brown.

"Sige iha," pagpapaalam sakin sabay talikod. Ano nga ulit gagawin ko? Ano nga ba ulit ginagawa ko dito? Jayce. Ah, oo!

Kumatok ako ng 5 magkakasunod na katok, yung katulad sa Frozen nung 'Do you wanna build a snowman?' na part. Hihi. Naghintay ako ng sagot pero wala. Hindi kaya namatay si Jayce sa gutom? Hindi pwede ikakasal pa kami!

Ngayon sunod sunod na katok na ang ginawa ko na parang nababaliw na ako. Jayce open up please, kinakabahan na ako. Sinubukan kong ipihit ang doorknob at umikot ito. Di naman pala sarado. Dahan dahan kong binukas ang pintuan ni Jayce, wala akong makita kasi madilim sa loob dahil na din sa mga kurtina na nakaharang sa bintana, hanggang sa may natapakan ako at may umungol. OMG. Dali-dali kong hinanap ang switch at binuksan ang ilaw.

"Jayce!", Sigaw ko habang tumakbo papunta sa kanya. Nakahiga kasi siya sa sahig na punong-puno ng dugo, joke, unting dugo lang naman. Pero mukhang gusgusin si Jayce, sinubukan ko siyang buhatin patayo pero di ko kaya. Hindi kaya yung taong kinita niya nung araw na yun hinold-up siya at iniwan sa tabi ng kalsada pagkatapos bugbugin? Makakatikim sakin yun naku.

"Jayce! Jayce! Jayce!", Sigaw ko habang pinagsasampal ko ang pisngi niya ng magising siya kasi di ko siya kayang buhatin.

"Ma-masakit!", daing ni Jayce ng magising saka ko lang napansin na yung mukha niya may mga sugat na akala mo nakipagsuntukan kay Pacquiao, joke, unti lang naman pero gwapo kasi si Jayce kaya di bagay yung mga sugat.

THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon