Labing Isa

253 4 0
                                    

This is the NEWLY revised version.

__________THECOLD_ONE___________

Nakababa at nakalabas na kami ng mga kaibigan ko sa building na kinaroroonan namin at ngayon kailangan naming lumabas na sa University bago pa may mangyayaring kung ano. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang dumadaan kami sa mga abandonadong mga classroom sa first floor.

Nauuna samin si Zia habang tinitignan niya kada classroom kung may tao na makakasakit sa amin. Maingat naman kaming sumusunod sa kanya. Ganito ang ginagawa namin kanina pababa, kapag may ingay o kahit kaluskos man lang ay nagtatago kami sa isang classroom. Mukhang kanina pa may nangyayaring ganito at hindi lang namin napansin dahil nakasarado ang classroom namin nung mga oras na yun.

Napapikit ako ng maalala ang nangyari sa amin kanina. Nagtataka din ako kung saan nagpunta ang mga estudyante dahil ang bilis nila magtago.

"Pasok dali!", Mahinang sabi ni Zia habang hawak niya ang pinto ng Laboratory at kaagad naman kaming pumasok tatlo.

Nagulat kaming apat ng may makita din kaming estudyanteng lalaki na sugatan habang nagtatago sa ilalim ng lamesa at halatang nagulat din siya sa amin. Magsasalita sana siya kaso sinenyasan siya ni Zia na manahimik at kaagad naman kaming sumandal sa pader na iwas na matanaw ng bintana.

Sabi ni Zia kanina habang bumaba kami ay walang dapat pagkatiwalaan dahil hindi namin alam kung sino ang kalaban namin at kung anong nangyayari. Ang malinaw lang sa akin ay ang daming pagsabog na nangyari at yung kalaban namin ay hindi basta-basta dahil may mga baril sila.

Natigilan kami kahit sa paghinga nang makarinig kami ng mga yabag at tawanan sa labas.

"Uubusin ko 'yang mga lintek na yan!", Sigaw nung boses ng lalaki sa labas habang yung mga kasama naman niya nagtawanan. Sinilip ko ito pero nahagip lang ng mata ko ay mga mahahabang baril na bitbit nila. Nanlamig ako sa nakita ko pero nakahinga ako ng maluwag nang lumampas sila sa amin.

Ilang minuto na ang nakalipas ay tahimik pa din kaming lima at nakikiramdam sa paligid. Gusto kong umiyak dahil baka hindi na kami makalabas ng buhay dito pero kailangan kong maging malakas para makalabas dito. Tinignan ko si Alexa at tumabi siya sa akin, tahimik siyang umiiyak habang hinahagod ko ang likod niya. Si Zia at Joanna naman ay may tahimik na pinaguusapan, hindi man lang iniinda ni Joanna ang sugat niya sa pisngi na daplis ng bala.

"Alam mo ba kung anong nangyayari?", Walang emosyong tanong ni Zia sa lalaki na nasa ilalim ng lamesa. Bumuntong hininga ito at dahan-dahan na lumabas sa lamesa at sumandal siya dito.

"Dalawang malaking fraternity sa University nag-away dahil sa isang babae. Narinig ko lang na yung babae ay nabuntis nung leader nung fraternity na APO at gusto nilang magsama. Pero yung babae ay kapatid nung leader ng kabilang fraternity na CROWN at ayaw pumayag.", Nanghihinang kwento niya sa amin.

"Walang mangyayaring ganito sana dahil suntukan lang ang ganap nung nagpangabot ang dalawang grupo. Pero lahat ay nagulat nung may bumaril sa member ng APO kaya nagalit ang leader ng CROWN dahil hindi daw ito lumalaban nang patas. Hangga't sa may nagpaulan ng bala sa CROWN.", Naiiling na kwento pa niya sa amin at umubo ito.

"Akala naming nakikinood ay sa APO talaga galing yun pero kahit ang APO ay pinaulanan din ng bala. Tumingin kami sa buong paligid pero hindi namin malaman kung saan nanggagaling yung mga bala. Tumakas ang dalawang grupo na akala nila nagdala ng baril ang kabilang grupo, hindi nila namalayan na may nakikisali lamang.", Huminga siya nang malalim at pumikit saglit.

"So, technically, wala sa dalawang grupo ang nagpaputok ng baril at may kalaban na hindi kilala.", Sabi ni Zia habang tumatango-tango at sumang-ayon naman yung lalaki.

"Eh sino naman kaya yun?", Tanong ni Joanna habang palapit samin at nakaupo na kami pabilog sa lalaki.

"Hindi ko alam. Baka isang gang na kalaban ng APO at CROWN.", Kibit-balikat niyang sabi.

"Wala na sila, tara na", mahinang sabi ni Joanna habang nakatanaw sa bintana. Kaagad naman kaming tumayo pero yung lalaki nanatili lang nakasalampak sa sahig.

Nakita niya akong nakatingin at nagkibit-balikat lang siya.

"Susunduin ako ng mga kaibigan ko, mauna na kayo hindi pwedeng maiwan pa kayo dito sa university," sabi niya sa amin.

Kaagad naman kaming kumilos palabas ng silid. Nauuna sa Zia na may pinulot na baril sa nadaanan namin. Alam ba ni Zia kung paano gamitin yun?

Pinagmasdan ko siya habang patuloy ang paglalakad namin palabas ng university.




__________thecold_one___________

THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon