CHAPTER 14~

100 3 0
                                        

Find time to Read, Enjoy, Vote, Comment!

~the Cold One~

CHAPTER 14~ December 24~ pt. 1

ARANIA's POV

"Omo. Ang sexy natin ngayon Zia ah! WAHAHAHAH!", sabi ko kay Zia pagpasok namin sa haaaaaaallwaaaaaay, haba kasi eh, naglelead to sa Ball room. Ang suot kasi ni Zia ngayon ay parang halos lahat ng parts niya see through pero may white na mga designs kaya di mo pa din siya masisilipan! XDD

"Shattap.", sabi ni Zia sabay pout? Ewan ko ha kasi saglit lang yung pagpout niya eh saka di marunong magpout si Zia! WAHAHAHAHAH!

"Nakuuu! Tara na nga Arania iwanan na natin si Zia kasama si kuya Aki, hanapin na natin yung chocolate fountain!", sabi sakin ni Joanna habang nakangisi kay Zia. Si kuya kasi saka si Zia parehas sila ng theme sa damit nila ngayon, kaya we smell something fishy sabi nga ni Joanna. May something talaga--

"Tara na! Nagugutom na kooooo~!", sabi ni Alexa na ang suot ngayon ay color baby blue na ang ganda ganda ng tela, backless siya na tube na long long long gown na may flower designs sa harap. Si Joanna naman ang suot ngayon ay isang yellow na gown na patube din pero parang may manipis na tela tapos mga naggiglitter na designs! Ang gaganda ng suot nila, syempre papahuli ba ko? NO. XD Kahit walang nagtatanong ang suot ko ngayon ay isang looooooong red seductive elegant night dress, taray noh? xD

"Bagal niyo! Geh, mauuna na muna ako dun sa pagkain! Babussshhh!", sabi ni alexa sabay liko. Woah! Ang ganda ng loob! Taray ng chandelier sa taas nakakalula, tapos kahit saan ata ako tumingin kumikinang lahat eh! Saka ang gaganda din ng mga suot ng mga nandito, iba iba ang kulay!

"Hihihih~! Solo flight ka muna Arania ha? May poging fafa kasi dun oh! Lalapitan ko lang baka hinahanap ako eh! hihih!", sabi ni Joanna at iniwan din ako mag isa. Anu na gagawin ko? Ah! Asan nga pala si Jayce? Kanina pang 8:30 nagsimula yung party eh, bale 2 hours at mahigit kaming late! WAHAHAHAH! ^_______^

"Uhmm.. excuse me ate nasaan po si Jayce?", tanong ko dun sa isa sa mga maid na nag aayos ng utensils.

"Ahh si Jayce ba kamo? Di ko pa siya nakikita eh! Baka nandyan lang yan sa tabi tabi! Hayaan mo at kapag nakita ko sasabihin kong hinahanap mo siya. Anu ka ba niya? ", sabi niya. Mehehe! Sasabihin ko na ba? ihhh! Ayaw ko Ispoil agad eh! Ihh! Sige na nga! XD

"Ahh anu po.. anu.. uhmm.. girlfriend niya po.", nagaalangang sabi ko kay ate, at mukhang gulat siya.

" ahh.. sige.", sabi niya sabay alis. Bastusan lang teh! Naku!--

"Arania my dear!", may tumawag sa pangalan ko, paglingon ko si Lara lang pala!

"Wow! Ang ganda mo ngayon ha!", sabi ko sa kanya at nagbeso beso kami, namiss ko si Lara. Suot ni Lara gold na gown na fit na fit sa katawan niya, pinapakita tuloy kung gaano siya kasexy! witweee~

"Haha! Thank you! You look stunning tonight Arania.", sabi ni Lara, sabay cling ng braso niya sakin at hinatak na niya ko.

"Saan tayo pupunta?", tanong ko sa kanya. Nadaan namin si Alexa na akala ko sa talaga sa pagkain nagpunta pero makita kita ko may kausap ng lalaki. :3

"Diba your alone? Tara ipapakilala kita sa mga Gangmates ko!", sabi niya napatigil ako kaya napatigil din siya sa paglalakad across the ballroom.

"GANG? AS IN GANGSTERS?", gulat na tanong ko sa kanya, mukhang natauhan siya at biglang ngumiti.

"No! Your so silly! haha! Gang as in FRIENDS! BARKADA!", masayang sabi niya kaya tuloy ang hila niya sakin.

THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon