This is the NEWLY revised version.
__________THECOLD_ONE___________
Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang suntukan na naganap kasama si Jayce ay hindi ko pa din makalimutan kung bakit ang dali-dali lang para kay Jayce makipaglaban ng ganun. Hindi ko naman ma-open ang topic na iyon dahil nagsusungit na siya kaagad. Gusto ko lang naman kasing magpaturo.
"Arania paabot naman ng coke!," Sabi sakin ni Alexa. Nasa canteen kami ngayon dahil lunch break na namin. Naikwento ko naman sa kanila yung nangyari pero ayaw maniwala nila Zia at Joanna sakin tanging si Alexa lang ang masayang nakinig sa kwento ko.
Kakakita ko lang kay Jayce kanina at saka lagi na kaming sabay pumasok ngayon sa school. Masasabi kong mas napalapit kami sa isa't- isa dahil sa nangyari. Kinilig tuloy ako. May pag-asa na ba ako sa kanya?
"Hi girls!", Napalingon kaming lahat ng lumapit sa amin si Lara, ex ni Jayce. Napatigil naman sa pagkain si Joanna habang si Zia naman ay walang pake at patuloy sa pagkain.
Wala naman akong bad blood kay Lara kasi pinakopya niya ako noon isang beses sa statistics na exam, kahit na bawal ay nagawan niya ng paraan. Sorry Lord. Saka nakasama ko na din siya sa ibang group activities at napakabait niya kahit medyo maldita kapag hindi niya gusto ang mga nangyayari. Pero mas maldita si Mhia Korrine. Hehe. Wala na naman daw siyang nararamdaman kay Jayce so, keri lang.
"Oh Lara! Upo ka dali! Bakit?", Masiglang sigaw ni Alexa kay Lara, na kaagad namang umupo.
"Well, this will not be long--", pagsisimula niya.
"Oo na, bilisan mo. Ayokong iniistorbo sa pagkain.", Iritang sinabi ni Zia.
"..As I was saying, Arania and Alexa are both assigned to the marriage booth while Joanna and Zia are assigned to Horror booth. Later ay may meeting kada booths sa gymnasium. So, see you there!", Masiglang sinabi samin ni Lara at kaagad din naman siyang umalis.
Oo nga pala kasabay nang nalalapit na Christmas party ay foundation day ng University namin kaya sa tatlong araw ay mag aayos kami ng booth. Isang araw lang naman yung foundation day pero kasi kinabukasan ay Christmas party ng buong University naman namin.
"Nakakatamad naman um-attend sa mga ganyan.", Bored na sabi ni Zia habang pinapaikot ikot lang ang straw sa inumin niya.
"Ano ka ba! Excited na akong mag-gown sa Christmas ball natin pagkatapos ng Christmas party!", Masayang sabi ni Joanna sabay kagat sa burger na hawak niya.
"Totoo! Grabe ang bilis ng panahon! Excited na akong rumampa sa red carpet.", Masiglang sabi din ni Alexa habang yung mata niya nakatingin sa taas na halatang pinagpapantasyahan na amg mga maaring mangyari sa dalawang araw na iyon. Pagkatapos kasi ng Christmas party bawat class ay kinagabihan ay Christmas ball naman.
"Humanda sila dahil rarampa na ang mga tunay na reyna.", Determinadong sabi ko at nagtalikuran naman kami ni Alexa habang kunwari nagpapapaypay habang humahalakhak.
"Timang.", Mahinang bulong lang ni Zia sa amin habang umiiling iling.
______
"Kainit jusko!", Kanina pa reklamo ni Alexa.
Nagbabantay na kami ngayon ni Alexa sa marriage booth at mukhang hindi siya masyadong patok sa mga estudyante dito kaya nasa labas kami ng booth para manghakot ng students.
"Oh ito! Si Pau saka si Harry sa marriage booth!", Kaagad na sigaw nung head ng marriage booth sa amin sabay tulak sa babae at lalake na nakaposas ang kamay.
BINABASA MO ANG
THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]
RandomAng mga tao ay may kanya kanyang dahilan kung bakit sila naglilihim. Wag basta basta huhusgahan kasi ang dila ay parang sasakyan kapag nawalan ng preno makakasakit at makakasakit pa din ng tao. ~Arania Jane Alcayde
![THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/5323806-64-k358173.jpg)