NEW VERSION.
__________THECOLD_ONE___________
Naalimpungatan ako sa ingay na nagmumula sa kusina at dahil na din sa mabangong amoy na humahalimuyak sa paligid. Kaagad akong bumangon at nakita ko si Yaya Lanie na nagluluto ng umagahan. Gantong mga umaga ang gusto ko kahit na unang araw ng pasukan ko ngayon bilang isang 1st year college student taking up business course, of course. Mwehehe.
"Good morning Yaya Lanie!", sigaw ko sa kanya habang patalon-talon ako pababa. Halatang nagulat siya dahil sa maaga akong nagising which is napaka-rare lang talaga mangyari kaya napangiti siya sakin. Mwehehe.
"Aba! Ganyan ka ba ka-excited pumasok?", natatawang sabi sakin ni Yaya Lanie at inismiran ko lang siya sabay hagalpak ng tawa. Talagang MATAAS lang ang energy ko dati pa noh. Mwehehe.
"Oo naman!", sagot ko habang nakangisi sa kanya.
"Umalis na pala ang kuya mo papuntang London.", sabi sakin ni Yaya Lanie habang nakatalikod at inaasikaso ang niluluto niya.
"As usual.", mahina kong bulong pero okay lang naman talaga para sakin na umaalis si kuya kasi para naman sa aming dalawa yun at sa kompanya.
10 years old pa lamang ako ng pumunta ang mga magulang ko sa ibang bansa para magpatakbo ng kompanya namin ataintindihan ko kaagad yun, si Yaya Lanie ay parang mama ko na at siya na ang nag-alaga samin ng kuya ko simula noong bata pa lamang kami, 18 years old pa lang siya nun. Hindi problema ang pera na pangtustos samin kasi nagpapadala naman sila at umuuwi tuwing pasko at new year. Si Akihiro John Alcayde ang kuya ko, ang namumuno at nagpapatakbo sa kompanya namin sa Pilipinas ngayon at minsan tinutulungan ko siya dahil I just turned 18, pero sabi niya focus daw muna sa pag-aaral.
Matapos kong kumain kaagad akong umakyat sa kwarto ko at pumunta sa CR, of course para maligo, hindi pwedeng mabaho ako sa first day ko. I shampooed my waist length hair while I soaped my tanned skin, after kong maligo nag-tooth brush na ako at nagbihis ng uniform ko sa Clarity University. One of the Big Five Universities, Arania Jane Alcayde, kuha ko sa pin ko na may pangalan ko, obviously, na dapat daw ilagay bukod sa identification card.
Sa loob ng van:
Nakita kong natutulog pa si Yaya Lanie, papunta na kasi kami ngayon sa university ko at malapit din dun ang university kung saan currently nag-aaral ngayon si Yaya Lanie. Nag-aaral ngayon si Yaya Lanie at ang kursong kinukuha niya ay medicine, 28 years old pa lang naman siya at huling taon na niya sa college pagkatapos nun magbo-board exam na siya para maging license doctor. Nakakalungkot lang na walang lovelife si Yaya Lanie, madami akong nirereto sa kanya pero lagi siyang walang interes, No boyfriend since birth si Yaya Lanie pero maganda naman siya, maganda din ang katawan, mabait, at maalaga kaso bigla kong naalala na mag-aaral daw muna siya at syempre aalagaan daw muna niya kami. Pero malaki na kaya kami, mwehehe.
"Yaya Lanie! MAY SUNOG! ", sigaw ko sa kanya kasi nasa tapat na kami ng university ko. Biglang napatayo si Yaya Lanie kaya nauntog siya sa roof ng van at humagalpak ako ng tawa dahil dun, ang epic! That was priceless! Bwahahahah!
"Asan sunog?!", Sigaw niya pero nung nakita niya kong tinatawanan siya nahimasmasan na siya. Puro kasi kape manung mag-gatas para naman wag masyadong paranoid.
"Abnormal ka talagang bata ka! Hala sige kunin mo na nga bag mo at umalis ka, pumasok ka na!", sabi sakin ni Yaya Lanie sabay hagis sakin ng bag ko habang masama pa din ang tingin niya. Di ko kasalanang magiging ganun ang reaksyon niya, pero nakakatawa si Yaya Lanie talaga, lagi kasing nagkakape eh.
" I love you, bye Yaya Lanie! HAHAHAHAH!", sabi ko sa kanya pagkababa ko at inirapan niya lang ako pero alam kong di naman talaga siya galit sakin.
Tumatawa pa din ako hanggang sa makalampas ako sa security ng university, yung iba tinitignan ako ng parang nababaliw na ako, walang pakielamanan buhay ko to. Nararamdaman ko na ang excitement sa katawan ko sa ideyang makikita ko uli ang long time crush ko na si Jayce De Los Santos, parehas kasi kami ng university at course, oh diba meant to be kami? HAHAHA.
Excited din ako ngayon kasi magkikita-kita na naman kami ng mga best friends ko, si Zia, Alexa at Joanna. Magkaklase kaming apat at alam kong magiging masaya ang college life ko. Hohoho.
Kaagad kong nakita ang mga nakahilerang lalaki sa harap ko na may dalang kung anu-ano, mga nanliligaw sakin pero sabi ko ayoko sa kanila pero hindi pa din sila nagpatinag. Haaay. Nung nalaman nung iba kong manliligaw na dito ako mag-aaral na si-transfer ang mga ugok.
"Good morning Arania.", sabay sabay nilang bati sakin.
"Good morning din!", masiglang bati ko sa kanila habang nakangiti ng malapad.
"A-arania, eto p-para sayo.", sabi ng lalaking blonde ang buhok habang iniaabot sakin ang box na mamahaking cookies, nanlaki kaagad ang mata ko sa saya.
"Thank you!", sabi ko sa kanya sabay ngiti ng malapad ulit at kuha sa box ng chocolate cookies. Magugustuhan ito nina Zia, Alexa at Joanna! Hihihi!
"Eto din para sayo Arania!", sabi ng lalaking may tattoo sa braso na ahas sabay abot sakin ng Chanel na bag na nakalagay sa exclusive box niya. Omo!
Pagtanggap ko nun ay sunod-sunod ng nagbigay sila ng kung anu-ano; Candies, flowers, chocolates, bags, necklaces, bracelets at foods. At madami na kong dala, bigat pa naman.
"Salamat sa mga regalo niyo guys pero 'Sorry' pa din ang sagot.", masaya kong sabi sa kanila habang patalon-talon ako palayo sa kanila. Nakita ko ang malulungkot na mukha nila pero si Jayce lang talaga ang nasa puso ko. Kung itatanong niyo sa akin kung may nagagalit sa akin dahil sa dami ng lalaki kong manliligaw, syempre meron pero ginagawan ko ng paraan. Kung may nakikita akong bagay sa mga babae na nagagalit sakin mina-match ko sa kanila at gumagana naman ito. So, I'm a little match maker.
Dumaan muna ako sa locker ko at inilagay lahat sa loob yung ibinigay nila sakin pero bitbit ko ang box ng chocolate cookies. Habang naglalakad na ako papunta sa building ng college namin.
Holyshitwhatthepack.
Asdfghjkl.
__________THECOLD_ONE___________
I'M BACK BTCHS. =>

BINABASA MO ANG
THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]
AcakAng mga tao ay may kanya kanyang dahilan kung bakit sila naglilihim. Wag basta basta huhusgahan kasi ang dila ay parang sasakyan kapag nawalan ng preno makakasakit at makakasakit pa din ng tao. ~Arania Jane Alcayde