Nadine's POV :
(Continuation po ito)
"Ate...?" Agad na tanong ko sa babaeng may dala-dalang maleta at umiiyak pa.
"Naddie...*sob *sob" sabi ni ate Arcie . Ang ate ko , mas matanda siya sa'kin ng 3 taon .
"Ate what happened ? Bakit ka umiiyak ? Bakit dala-dala mo ang mga gamit mo ? Asan si kuya ?" Sunod-sunod na tanong ko .
"May *sob... huhuhuhu ... i-iba a-ang a-a-asawa k-ko..." para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig , Hindi ko inaasahan ito , ang asawa ni ate ang napaka-lambing at mapagmahal na lalaki , maliban kay James at kay daddy . Sa katunayan botong-boto ako para sa kanila .. Kaso sa narinig ko . ugh !
"Nadi-----.. Arcie ? A-anong nangyari ?" Sabi ni mama , habang papalapit sa'min ni ate. Kumalas ako sa yakap dahil si mommy naman ang yumakap kay ate . Sinubsob ni ate ang mukha niya sa leeg ni mommy at tuluyan ng humagolgol ..
"Nadine? Are you even listening ?huy !" nagising ako sa katotohanan ng tinapik ako nilang Yassi at Shy.
"Ok ka lang ba Nadz? Kanina ok ka lang ha', pinag-uusapan lang natin yung bagong model, ganyan ka na agad." Paliwanag ni Shy. Magsasalita pa sana ako kaso pinapatawag na kami ni boss, kase dumating na daw yung bagong model.
Habang papunta sa conference room, naalala ko na naman si James at yung nangyari bago ang kasal namin ni James. Such a big mess!
Lakad lang ako ng lakad habang nag-iisip parin about dun ng napahinto ako sa may pintuan ng conference nakasunod lang kase ako kanila Shy, di ko namalayan na huminto pala sila.
Napatinhin ako sa loob, andaming mga photographers, press at kung anu-ano pa. Mukhang sikat nga itong bagong model.
"Sino ang nagdadala ng contract?" Tanong ni boss agad-agad namang napatingin sa'kin si Yassi at Shy.
"Nasa akin po sir, wait lang i'll check it ulit, baka may kulang o may nahalo." Sabi ko at tinignan ang loob ng folder na dala-dala ko. Habang nagsa-scan ako, di ko maiwasan ang hindi marinig yung mga usapan ng mga reporters.
Grabe talaga to ano'? Sino kaya ang bagong model?
Oo nga, sino kaya? I'm sure sikat to' kase tong company na ito ay ang isa sa pinaka-sikat na clothing line sa bansa.
Asensado talaga.
Tama naman sila, i'm sure sikat rin ang kukunin.
"Nadz,dito mo na yan tapusin sa loob." Napatingin ako sa nagsasalita, si Yassi pala tinatawag ako para papasukin.
Kaya sumunod ako sa kanila at patuloy parin sa pagsa-scan.
Nandito kami sa may sulok at patuloy parin ako. Hindi ko binabasa kung ano ang sa may contract, pero napatigil ako.
Actually ang mundo ko.James Reid
"Nadz! Hoooy?!" Napatingin ako kay Yassi at Shy.
"Yung kontrata daw, nandyam na yung model." Kaya wala sa katinuan kong iniabot ang contract. Hindi ma absorb ng utak ko. Si James ang bago naming model, siya ang makakatrabaho ko? Diba dapat maging masaya ako? Tadhana na ang gumagawa ng paraan para mapalapit kami. Pero bakit may kaba parin ako? Guilty parin kase ako sa kasalan naming di natuloy dahil sa'kin.
"And let's welcome the hunk actor and the most rising star of his generation the one and only Mr. James Reid." Sigaw ng MC kung saan umalingaw-ngaw sa buong room.
At di nagtagal may lalaking pumasok sa pintuan, naka-simple Dark blue long sleeves, naka maong na pants at naka rubber shoes, may cap rin siyang suot.
Wala parin siyang pinagbabago, gwapo parin siya.
At sa pagkakataong ito, habang papasom siya ay ewan ko parang may mga music akong naririg.
Ang hot niya tuloy tignan.
--------
Wazzup' guys? Miss me ? Ahahaha ! Sorry po natagalan ng pag-update medyo dinalaw kase si Author ng pagka-Lazy (sorry huh? Hindi pumapasok sa isip ko ang tagalog ng Lazy ehh)
Kinailangan ko pang basahin ang huling update kase nahirapan ako sa pagdugtong.
Thank you sa lahat ng bumoto, at naghinatay ng update ;)
Love you all.
BINABASA MO ANG
Win Mr. Reid's Heart Again- COMPLETED [UNEDITED]
FanfictionSagrado ang kasal kaya dapat kung sino ang mahal mong totoo ay siyang dapat mong pakasalan.. "Oo nagkamali ako na hindi pagsipot sa kasal, at pinagsisisihan ko ang ginawa ko araw-araw habang ako'y nabubuhay. Kung pwede ko lang ulitin ang lahat gagaw...