Shy's PoV:
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng Alarm ko. Ay! Oo nga pala, ngayon kami papuntang Ilocos.
Tinignan ko ang orasan at 5:30 na 6:30 kami aalis dito sa Manila, mag-e-eroplano kami papunta doon.
At naayos ko na kagabi ang gamit ko, tinawagan kase ako ni Yassi kase hindi ko daw alam na ngayin ang alis kase nakalimutan niya akong tawagan kahapon ng umaga, base sa boses ni Yassi kagabi na nag-usap kami malungkot siya, ano kaya ang nangayri? Gusto ko sana siyang tanungin pero di ko nalang tinuloy, kaya mamaya ko nalang tatanungin.^_^_^_^_^
"Nadz! Bilisan mo nga." Sigaw ko kay Nadine ng makarating na siya sa Airport siya nalang kase hinihintay.
"Sorry, traffic ehh. Si Yassi asan?" Tanong niya ng makalapit siya.
"Nagpunta pa ng CR, ewan ko nga ba dun, ang tamlay niya tignan. Namumutla pa." Kwento ko kay Nadine.
"Ganun ba?" -Nadine.
"Matamlay rin ang boses niya kagabi, ng mag-usap kami sa Phone, para dito ngayon." Sabi ko.
"Ano kaya nangyari?" Tanong ni Nadine.
"Ewan, o' yung Sinigang mo, nabigay mo ba kay James?" pag-che-change topic ko.
"Hindi ehh." Malungkot na sabi ni Nadine.
"Bakit naman ?" Tanong ko, sakto naman dating ni Yassi mula sa CR.
"Waka siya sa Manila kahapon ehh. Oh' Yas ok ka lang? You look pale ." Sabi ni Nadine sabay hawak sa braso ni Nadine.
"Yes, I'm ok. Tara na? Magcheck in na tayo." Sabi ni Yassi at naglakad na.
Nagkatinginan naman kami pareho ni Nadine, at nagkabit balikat kami pareho.
^_^_^_^_^_^
(Bale ang time nito kahapon ng umaga, kung kailan nagluluto ng si Nadz ng Sinigang for James)
Yassi's PoV:
Napamulat ako ng magising ako mula sa pagkakatulog dahil ginutom ako, tinignan ko ang orasan at 10:47am na pala, kaya pala nagugutom na ako. Mga ilang sandali pa ay bumangon na ako, pumunta muna ako ng CR at naligo sandali.
Pagkalabas ko ay, pinupunasan ko ang buhok ko ng may tumunog ang doorbell ko, teka? Wala naman akong inaasahan na bisita. Kaya habang nagsusuklay ako ng buhok nilabas ko na.
Pagbukas ko wala namang tao, pero may naiwang lunchbox? Tinignan ko ang paligid ko, wala namang tao. Kaya kinuha ko, I'm sure hindi naman ito bomba diba?
Pumunta ako sa kusina at umupo sa dining table at binuksan ang lunchbox, sa loob ng lunchbox may dalwang maliliit na tupprerware may card rin, kaya kinuha ko't binasa ang nakasulat.
Hey :) I know your still on your room kase inaabangan kita kanina pero hindi ka pa lumalabas, alam kong hindi ka pa kumakain, I can feel you. So I ordered you some food alam mo rin naman na di ako magaling magluto so yan. Hehehe. Nagising ako kanina wala ka na.
By the way, have a nice day Hon.
Naabuntong hininga ako pagkatapos kong mabasa ang nakasulat sa Card, so Bret did these? Tinignan ko ulit ang card pero di ko na binasa, napatingin ako sa huling salitang nakasulat sa Card.
Hon.
Hon.
Hon.
Haist! Yassi mag-city blend ka na nga lang para magising ka na sa katotohanan.
Yung nangyari kagabi, mali yun. Mali lahat. Maling-maling-mali. Kaya tama na. Pero wala akong pinagsisisihan, mali lang talaga.
Dahil nagugutom narin ako, kinain ko nalang yung inorder sa'kin ni Bret. Wala ako sa mood magluto. Feeling ko ang bigat-bigat-bigat ng katawan ko.
Kaya pagkatapos kong kumain natulog na naman ako.
Nagising ako mga bandang 7pm, nagugutom na naman ako, kaya pumunta ako sa kusina, at sakto may naiwan pa pala akong pagkain na inorder ni Bret kanina kaya ininit ko nalang at naghapunan ako.
Habang kumakain ako, parang may naramdaman akong hindi magandang amoy, kaya inamoy ko ang sarili ko, hindi naman ako mabaho, kaya inamoy ko ang pagkain, at yun pala. Agad-agad akong pumunta sa may lababo ng maramdaman kong nasusuka na ako.
^_^_^_^_^
Nadine's PoV:
"Here we are Ilocos!" Pasigaw na sabi ni Shy ng makalabas kami ng eroplano.
"Hinaan mo nga yang boses mo, nakakahiya ka Shy." Natatawang sabi ko.
Ngayon lang ako nakabalik dito sa Ilocos, pagkatapos nung engagement namin ni James. I'm sure marami na ang nagbago sa lugar na ito.
"Yassi, ok ka lang?" Tanong ni Shy, kaya napalingon ako kay Yassi, maputla siya.
"Hindi, ok lang ako. Tara na." Sabi niya kaya sumakay nalang kami sa Van na susundo sa'min papuntang resort.
Tag-iisa kami ng kwarto tatlo. Kaya dumiretso na ako sa kwarto ko, medyo malaki nga siya, at paglabas mo sa balkunahe, makikita mo ang napakagandang tanawin.
Ano kaya ang magandang gagawin? Medyo boring kase eh. Wala naman akong makukulit, kase for sure si Shy at Yassi, nagpapahinga yun. Natulog lang kase ako buong byahe kaya, hindi na ako inaantok ngayon.
Sa susunod na araw pa ang dating nilang James. Kaya wala talaga akong magawa, gusto ko siyang tawagan, kaso baka napaka-Feeling Close ko lang o di kaya Busy siya.. Haaaaay! Ewan ko nalang. Hindi ko alam anong gagawin, kaya sa huli pinilit ko nalang ang sarili kong makatulog.
^_^_^_^_^
Third Person's PoV:
The number you have dialed is out of coverage area.. Please try again later..
The number you have dialed is out of coverage area.. Please try again later..
"Ba't ayaw niyang sagutin?" Kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang patayin nalang ang tawag.
_________________________________
CUT! sorry sa walang kwentang Upadate :) pero thank you nalang binasa mo parin xD
Don't forget to Vote.. Vote lang naman ehhh. PLEASE
Sorry pala sa Grammatical Errors and Wrong Spelling, UNEDITED kase ehh.
BINABASA MO ANG
Win Mr. Reid's Heart Again- COMPLETED [UNEDITED]
FanfictionSagrado ang kasal kaya dapat kung sino ang mahal mong totoo ay siyang dapat mong pakasalan.. "Oo nagkamali ako na hindi pagsipot sa kasal, at pinagsisisihan ko ang ginawa ko araw-araw habang ako'y nabubuhay. Kung pwede ko lang ulitin ang lahat gagaw...