Nadine's PoV:
"James?" Sagot ko sa tumawag. Sana siya to' sana siya.
"Yeah." Para akong nabunutan ng tinik ng nakumpirmado kong si James nga itong tumawag.
"Uhm.. teka.. uhm.. pano ba to? Hmmm?" Hindi ako mapakali.
"Nadz, relax." Sabi ni James.
"Ok.ok." sabi ko.
"So, pupunta ka ba bukas ? Free ka ba?" Tanong ko. Sana. Sana.
"Uhm, I'm having a photoshoot tomorrow for one of my endorsments." Sabi niya. Ying kaninang saya nawala bigla.
"Ahh.. ganun ba?" Sabi ko ng may malungkot na boses.
"Pero pwede namang humabol diba?" Biglang nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
^_^_^_^_^
Madali lang natapos ang tawagan namin ni James kase magpaahinga pa daw siya, kase sa sobrang pagod. Kawawa naman si James babad sa trabaho.
Ow, well. Nandito ako ngayon sa family restuarant nina Shy, tignan mo to' sabi niya di uso sa kanya ang party, pero mismong pamilya na niya ang nagsabi na magkakaroon siya ng handaan siya lang ang hindi gusto.
Kase nga daw sa loob ng isang taon, isang beses lang rin daw makakapagcelebrate.
"Shy?!" Sigaw na tanong ni Yassi, ng may babaeng bumaba galing sa taas, bale ang second floor kase ng reastuarant nilang Shy ay bahay narin nila. Bumaba kase siya ng nakapajamas pa, t-shirt na maluwang, tsinelas, hindi pa sinuklay ang buhok, at malala may panis na laway pa sa mukha.
"Oh?! Ano? Ngayon lang ba kayo nakakita ng bagong gising ? Try niyo tignan yung mukha niyo sa salamin pag-umaga para hindi ganyan yung reaction niyo. Ang OA." Sabi ni Shy sabay kamot sa ulo. Napailing kami pareho ni Yassi.
"Happy birthday to me ahh?" Sabi ni shy. Nagising kami sa realidad ni Yassi.
"HAPPY BIRTHDAY!" sabay na sni namin ni Yassi. Akamang yayakap si Shy samin ng lumayo kami pareho ni Yassi.
"Maligo ka muna." Sabi ni Yassi.
"Ang aarte!" Sabi ni Shy tapos umakyat na naman sa itaas, napakamot nalang ako ng ulo. Uyy! Wala akong kuto. Ahahaha.
"Nadz..?" Tawag sakin ni Yassi.
"Next week narin birthday mo. Anong plano mo?" Tanong ni Yassi.
"Work. May trabaho tayo nyan sa Ilocos diba? Para sa Photoshoot ni James." Sabi ko.
"Hindi ka ba magcecelebrate? One day live? o ano?" Tanong ni Yassi.
"Wag' na. Magtatrabaho nalang ako, kasama ko naman kayo Yassi at Shy doon. Tapos si James. Buo na Birthday ko." Sabi ko. "Tapos napagplanuhan na namin ni Mama na pag-uwi ko nalang kami magcecelebrate kasama si Papa at Ate Arcie kasama ni Baby Ace." Dugtong ko pa.
"ahh, ok." Sabi ni Yassi.
Birthday.?
Flashback: (After Nadine's Birthday)
Pagkatapos ng party, dumiretso kami ng Ilocos ni James. Pinigilan pa sana kami nila mama, kaso sabi ni James gusto niya daw ibigay ang birthday gift niya sa'kin kulag pa pala ito?
"Ano ba kase ibibigay mo Bii? Akala ko yun na yung birthday gift mo sa'kin ehh." Sabi ko. Nagda-drive si James ngayon nasa tabi niya lang ako. Mga alas tres narin ng hapon. At dalawang oras ang papunta doon sa Ilocos.
BINABASA MO ANG
Win Mr. Reid's Heart Again- COMPLETED [UNEDITED]
FanfictionSagrado ang kasal kaya dapat kung sino ang mahal mong totoo ay siyang dapat mong pakasalan.. "Oo nagkamali ako na hindi pagsipot sa kasal, at pinagsisisihan ko ang ginawa ko araw-araw habang ako'y nabubuhay. Kung pwede ko lang ulitin ang lahat gagaw...