Chapter 5: Doubts

2.9K 91 5
                                    

Nadine's PoV:

Kanina pa nagsimula ang signing, natapos narin ang pagpirma, at kanina parin ako hindi mapakali kase ewan ko kung namamalikmata lang ba ako o ano, panay ang tingin kase sakin ni James.

"Nadz, I guess someone wants to melt you by his eyes." bulong sa'kin ni Yassi. At ngumiti ng nakakaloko si Shy sa'kin. Napansin rin pala nila.

"Ok, friends from the press, magsisimula na tayo sa presscon. Ok let's start with you." Sabi ng MC.

Being as the most popular actor in the industry, may hihingin ka pa bang iba? - Reporter

"Well for me, konteneto na ako sa kung ano ako ngayon." Sagot ni James.

Maraming kumakalat na balita, na your dating someone na, may mga pictures, in one of the restobar. Kase we all knew na nung pumasok ka sa industry wala talaga kaming nababalitaan na you're dating so, we get interested if kung sino yung girl.- Reporter

Nakita kong napalunok si James sa sabi ng reporter, at bago niya sagutin, sinulyapan na naman niya ako.

"Well, yes. Yung pictures totoo yun. Actually last week lang yun, I see na kumakalat talaga kase may mga fans na nagta-tag sa'kin about dun. Pero I won't lie o ano, but I'm not dating anyone." Sagot ni James.

So, who's the girl?- Reporter

Kulit ng reporter huh? Infairness.

"It's just a friend from the past. Nothing important" Sabi ni James sabay tingin sa'kin. Naramdaman kong hinawakan ni Yassi at Shy ang braso ko.

Alam ko sa sarili ko na ako ang tinutukoy ng reporter. Kase nakita ko rin ang mga pictures na yun pero nakatalikod ako si James lang yung nakikita.

Nothing important. Ang sakit. Wala na ba talagang pag-asa? Do I have to stop?

Pero nagsisimula pa lang naman ako diba? Pero bakit nafe-feel ko na nilalayuan na niya ako kahit hindi pa nagsisimula. Pero think positive Nadine. Laban lang.

^-^~

Madaling natapos ang interview kase pagkatapos ng mga tanong tungkol sa personal na buhay ni James ay about na sa contrata na.

Pagkatapos ng event umalis na ang nga reporters sa room. Lumabas na rin si James at ang team niya.Naiwan ako, si Yassi at Shy.

"Nadz? Are you ok?" Tanong sakin ni Yassi at tumabi sa'kin. Hapon na rin at malapit ng matapos ang trabaho namin for today.

Tumango naman ako bilang sagot. "Kanina ka pa kase tulala. Ang lalim ng iniisip mo." Paliwanag ni Yassi.

"Napakalalim akala ko nga malulunod na ako." Dagdag pa ni Shy.Nakaupo kaming tatlo ngayon, pinag-gutnaan ako ng dalawa.Nakaharap sa bintana ng room. Bale glass lang kaya kitang-kita namin ang paglubog ng araw.

"Sa tingin niyo, ipaglalaban ko pa ba to'? Mukhang wala na talagang pag-asa." Tanong ko out of no where, naramdaman kong napatingin sila sa'kin ng pareho.

"Akala ko ba mahal mo?" Sabi ni Shy.

"Sobra." Sagot ko.

"Oh' bakit ka susuko? Ikaw pa nga itong mapilit sa'kin na magpaparty talaga ako sa birthday ko kahit ayaw ko, diba?" Sabi ni Shy.

"Eh, parang wala na siyang nararamdaman sa'kin. Ayaw ko ng ipilit yung sarili ko." Sabi ko at sabay yuko. Nararamdaman ko na kase ang mga luha ko na nagbabadya ng tumulo.

"No. You have to fight for this." Sabi ni Yassi.

"Ayan kase, dati sayong-sayo na tapos, inindyan mo kase sa kasal. Tapos ngayon-----" napatigil si Shy sa gusto niyang sabihin kase binatukan siya ni Yassi. "What? Tsk. Ok, Fine. Ano ba kase ang dahilan mo't di ka sumipot sa kasal. Kaya nga tutol na tutol ako dyan sa kabaliwan mong paghahabol kay James eh. Kase alam kong masasaktan ka lang. Ano ba kaseng dahilan mo't hindi ka sumipot. Alam mo ba yassi ?" Sabi ni Shy.

------

CUT MUNA!! hehhehe ;)) hello Readers ! Sorry ngayon lang. Nagpromise ako sa post ko nung 31 na dapat mag-a-update ako eh kase birthday ni Bangsie. Kaso sa kasamaang palad. Hiniram ng pinsan ko tong phone ko. ( sa phone ko lang kase akk nag-ta-type eh) tapos ayun, na-unistall ang wattpad.. kaya dinownload ko pa ulit :) Sumabay pa tong Internet Connection ayaw e-publish .. kainis !

Win Mr. Reid's Heart Again- COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon