Chapter 16

2.8K 89 13
                                    

Nadine's PoV:

Napamulat ako sa lakas ng tunog ng phone ko. Kaya napabangon ako kinuha ko ito at pag-open ko andaming nag-greet ng Happy Birthday.

Birthday? Birthday ko pala. Psh.

Matapos kong mabasa at pagreply sa lahat ng nag-greet sa'kin ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo para makaligo at magwili-wili sa labas. Pagtingin ko sa salamin, tsaka ko lang nakita ang mukha ko, tch. Namamaga ang mga mata ko.

Matagal rin pala akong nakatulog kagabi. Umiiyak kase ako. Ewan ko ba.

Ginawa ko nalang ang morning rituals ko. Then bumaba nalang ako sa lobby. Pagtingin ko sa relos ko, 7:34am pa pala, I'm sure tulog pa si Shy ngayon gusto ko sana siyang isama lumabas. Si Yassi naman ayaw ko muna makita. Niiyak kase ako. Si James siguro umalis na sila ng squad niya.

Pumunta ako sa may dalampasigan ng resort at kumuha ng mga pictures, hindi pa kase masayadong mataas ang sikat ng araw kaya ang ganda ng shot.

"Ehem." Muntikan ko ng mabitawan ang phone ko ng may umubo malapit sa'kin paglingon ko si James pala yun. Akala ko umalis na siya, sila.

"Nagpaiwan ako dito. I want break." Sabi nito na parang nababasa ang iniisip ko. Tinanguan ko lang naman siya. Tinalikuran ko na siya ulit at pinagpatuloy ang pagkuha ng Picture .

"Pwede mo ba akong samahan? Ikot-ikot lang." Sabi niya at napalingon ako sa kanya. Tinignan ko siya ng may halong pagtataka. Seryoso ba siya?

"Tulog pa kase si Yassi, tutal ikaw gising naman tara libutin natin ang Ilocos." Sabi niya. Ok na sana eh. Yassi na naman. Ano ba to' pinagseselosan ko Bestfriend ko.. your such a bad friend Nadine.

Tinanguan ko nalang si James at naglakad na kami papuntang parking lot kung nasaan ang kotse na gagamitin namin ni James.

"So, san mo gustong mauna?" Tanong niya sakin ng makasakay kami pareho, si James nagda-drive ako naman nasa tabi niya.

"Ikaw bahala, ikaw naman nang-imbita ehh. " sabi ko at nginitian siya, nginitian niya rin ako at tumingin na sa daan kase nagsimula na siyang magmaneho. Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse, masyadong tahimik, ang akward kase dati ang ingay namin pagpareho kaming magkasama.

"Tapos ka na bang magbreakfast?" Tanong niya sa'kin kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa'kin pero minsan tumitingin siya sa daan.

"Hindi pa. Wala kase akong kasama kanina." Sabi ko.

"Good, ako kase hindi pa din. I'm craving for some pansit. Aha! I know where to go. Matulog ka muna. Medyo malayo ehh. Mga one hour and 30 minutes pa." Sabi niya kaya natulog nalang ako, inaantok rin ako ehh.. kase nga sa nangyari kagabi.

^_^_^_^_^

Napadilat ako ng may parang tumatapik sa mukha ko. Pagmulat ko si James ang nakita ko.

Teka? Parang nangyari na'to.

"Gising na, nandito na tayo." Sabi niya kaya tuminhin ako sa paligid. Nandto kami.

Kung saan ko sine-lebrate yung birthday ko 2 years ago.

"What are we doing here?" Tanong ko ng pateho kaming makababa ng kotse.

"Dito ko gustong kumain ng Pansit." Sabi niya kaya, naglakad kami papasok.

Napatigil kaming pareho ng may tumawag sa'min ni James. Si Joseph.

"James? Nadine!" Sigaw niya at tumakbo papalapit sa'min.

Win Mr. Reid's Heart Again- COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon