Chapter 9: Ex

2.9K 86 0
                                    

Nadine's PoV:

Malakas na tugtog. At Iba't ibang kulay ng ilaw.

Kung tutu-usin hindi ito ang traditional way para i-celebrate ang birthday, yung tahihimik lang kasama ang pamilya at malalapit sa buhay mo.

Pero ang nagaganap ngayon hindi, parang nasa isang Bar kami ngayon.. Pano' yung planong birthday party para kay Shy,last minute tri-nash out niya. Kilala niyo naman.Ewan ko nalang.

Madami ang tao ngayon dito, nakakapagtaka nga eh. Konti lang naman yung inin-vite namin ni Yassi, yun pala ang birthday girl, bri-noadcast na may party. Lol. Ayaw daw ng party pero kulang nalang ata ang presidente dito ehh.

Naka-upo lang ako sa may sulok. Tinignan ko ang relos na kung anong oras na, 9pm na pala. Nilagok ko nalang ang pineapple juice na iniinom ko. Tapos tumayo ako at pumunta nalang sa may mga pagkain. Mag-isa lang ako kase si Yassi, lumabas muna kase may tumawag sa kanya. Si Shy, ayun mukhang lasing na kase nasa gitna na ng dancefloor nakikipagsayaw na kung kanino-nino. Mabuti nalang sa dito lang ang party sa bahay nila para hindi na hassle sa'kin ang pauwiin sya.

Busy ako sa pagkuha ng pagkain ng may lumapit sa'kin pagtingin ko kung sino, yung dati ko palang ka-klase na si Josh.

"Nadz?" Josh.

"Yeah."

"Remember me? Josh Padilla, classmate tayo nung High school. Long time no see ahh." Sabi ni Josh pero wala sa kanya yung atensyon ko kase nakita ko mula sa malayo, si James papasok kasama si Bret.

"Ahh. Oo. Excuse me ahh." Sabi ko at tinulikuran na siya.

"Wait.." tawag sa'kin ni Josh pero hindi ko na siya nilingon pa. Sorry for being rude. Wala ako sa mood umin-tertain ng ibang bisita. Si James lang.

Abot kamay ko na sana si James ng may humila sa'kin pagtingin ko, si Yassi pala, at dinala ako sa labas ng Restaurant nina Shy.

"Oh' bakit? Wrong timing ka naman Yas, malapit na ako kay James ehh." Pagmamaktol ko.

"Haaaaaaist! Maya na yan' may sasabihin ako." Sabi ni Yassi.

"Ano? Siguraduhin mong importante pa yan kesa sa lovelife ko, kundi naku!" Sabi ko naman.

"Ayh! Wag nalang." Sabi naman niya.

"Gusto mo maging death anniversary ang birthday ni Shy? hila-hila mo pa ako tapos ayaw mo nalang sabihin? Ayos ka rin no'." Sabi ko.

"Joke! Di ka naman mabiro." Sabi niya naman sabay tawa.

"Ano ba kase yun? Nagmamadali ako. Gusto ko ng puntahan si James." Sabi ko pa.

"Atsaka andun din si Ex sinama ni James." Dagdag ko pa. Yung tawa ni Yassi nawala.

"Si Bret?" Nakita kong bumuntong hininga siya.

"Are you ok na nandito siya?" Tanong ko.

"Ok lang :) last year pa yun. Nakamove on na ako, siya rin nakamove on na, halata naman. May Ella na ehh." Sabi niya.

"Ang bitter ng pagkakasabi ahh." Tukso ko sa kanya.

"Haaaaaaist! As I was saying----" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Uyyy! Change topic, halatang affected parin.." tukso ko sa kanyan. Nakita kong bumusangot yung mukha niya.

"Haaaaay! Ewan, basta yung sasabihin ko eto na, binigyan tayo ng one day pahinga ni sir." Napangiti ako sa sinabi niya. "Pero in thr next day, tayong tatlo fly tayo papuntang Ilocos."  Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya ..

Win Mr. Reid's Heart Again- COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon