Chapter 14

2.7K 81 0
                                    

Nadine's PoV:

Nandito na kami ngayon sa location ng photoshoot ni James, marami-ami narin ang mga nakunan kung saan suot-suot ni James ang mga damit ng companya namin.

Wala akong masabi sa mga damit na sinuot niya kase una, bagay sa kanya, pangalawa marunong siya magdala at pangatlo ang gwapo niya Pramis! Peksman!

Meron isang nakasimpleng sando lang siya tapos suot-suot niya ang Jeans na parang 'wala lang pose' pero ang gwapo niya pari'ng tignan.

"Hoy! Bilisan niyo nga?! Next location pa tayo, ang bagal niyong kumilos!" Galit na sigaw ni Shy, beastmode siya ngayon. Pano' nakulong siya sa loob ng elevator kanina kasama ang out of this world na lalaking teenager na obsessed sa Color Black.

"Shy, Relax lang, mas hindi mapapadali ang trabaho kung tatalak ka, ok? Chillax lang." Pag-aawat ko kay Shy.

"Ang bagal kase kumilos ehh." Naiinis niyang sabi.

"Doon ka na nga, tulungan mo si Yassi sa pag-aacomodate kila James ako na bahala dito." Sabi ko kaya tinulungan ko nalang ang mga staff sa paglilinis ng location, lilipat na kase kami sa next naman and last location na yun.Na kung SAAN, hindi ko alam.

Nakasakay na kami sa Van ngayon, si James dun sa kabilang Van, at Yassi, ako at si Shy naman ang magkasama ngayon na nakabusangot parin ang mukha. Ano ba kaseng meron sa batang yun? at kay Shy kanina sa loob ng Elevator? Ahahaha xD kukulitin ko ito mamaya.

Napatingin ako sa may bintana, at kinakabahan ako, dalawang taon na akong hindi nakakapunta dito. Walang tigil ang pagbuntong hininga ko.

Sana makapagtrabaho ako ng maayos mamaya.

^_^_^_^_^

Yassi's PoV:

Medyo Ok narin ang pakiramdam ko ngayon, hindi na kase ako nahihilo. Si Bret tumigil narin sa pagtawag sa'kin.

"So James, ok lang ba na dito yung isang location natin? Ito kase napili ng Photographer na perfect place para kunan ang sa Cover ehh. At sila Boss rin ang nag-suggest." Mahina kong sabi. Napatingin naman siya sakin saglit at tumingin ulit sa daanan.

"It's Ok with me. What are we doing here is pure business, and I'm not affected anymore." Sabi naman niya kaya tumahimik narin ako.

Mga ilang minuto ay nakarating narin kami, mga alas-tres narin ng hapon, sa wakas malapit ng matapos ang trabaho namin. Nandito kami ngayon sa may mga windmills, yung kung saan nagpro-prose dti si James kay Nadz..

Una akong bumaba mula sa van at naglakad-lakad pero di masyadong malayo. Nakita ko ring naglakd-lakad si James t Palayo siya ng palayo. Yan pala Ng hindi affected huh?

Napalingon aKo ng dumating narin ang Van na sinakyan nila Nadz t Shy. Si Shy ang unang bumaba. As usual nakabusangot parin. Asar siya sa batang yun na nakablack. Sinisi pa ako kase di ako sumabay sa kanya kanina.

Sumunod na bumaba si Nadine, at kung titignan siya ngayon ay parang kinkabahan nga siya.

Sorry Nadz, trabaho lang.

Ng dumating na ang mga staff ay nagsimula ng bihisan si James ng damit na kakailanganin niya.

Si Shy at Nadz naman ay kinakausap ang photographer for concerns and suggestions.

Ng ma-ready na lahat ay lumabas na si James nakaJeans as usual ehh company namin ay Bench pero kami ang nasa Jeans department. Naka dark blue na polka dots ang suot ng at ang lahat ng ito ay hindi nakabotones, kaya kitang-kita ang napakagandang katawan niya.

Pumwesto na si James sa kung anong gusto ng photographer na gawin niya, ngayon ay parang nakatingin lang siya sa malayo. Bale side view yung kinukuha sa kanya, at ngayon nakapamulsa na si James at tumingin sa dagat at isang click, perfect.

Sinubukan naman yung nakaharap siya sa'min pero nakatalikod nagyon nakatalikod na siya sa dagat.

"James with this shot, I want you to put some emotions, na parang nawalan ka ng isang bagay na gusto mong makamit ulit pero hindi mo alam kung paano makukuha." Paliwanag ng photographer.

Hindi maipagsisinungaling ng matapos sabihin iyon, ay ginawa na nga ang posing habang nakatingin kay Nadine na katabi ko ngayon. Si Nadine naman hindi mapakali, kaya nakayukonsiya ngayon.

"Perfect." Sabi ng photographer.

"It's a WRAP!" masiglang sabi ko. At nakipagshake kami/Nadz/Shy sa photographer. At syempre kay James.

"James :)" nakangiti sabi ni Shy at kinamayan siya. Aba! Good mood!

"James." Sabi ko at kinamayan siya pero hinila ako ni James kaya napa-akap ako sa kanya.

"I know your secrets." Nakangiying bulong ni James.

"WTF!" sabi ko.

"Talk tayo mamaya." Sabi niya at kumalas na kami sa pagkaakap. Ng Lumingon ako sa kanan nakita kong nashock at nakanganga si Shy, si Nadine naman shock rin pero hindi siya ngumanga. Tinignan muna ako ni Nadine bago siya magsalita.

"James." Sabi niya at inabot kay James ang isang mineral water. Tinanggap naman iyon ni James.

"Thanks." Maikling sagot ni James at tinalikuran na kaming tatlo, at pumunta sa may tent niya upang magbihis.

May isang araw pa kaming natira dito sa Ilocos. At birthday na ni Nadz bukas.

^_^_^_^_^

Nadine's PoV:

Hindi ko alam kung anong nararamdamn ko.

Pinagseselosan ko ba ang kaibigan ko?

Hindi ako matahimik dahil una, magkasama sila sa Van, pangalawa nung sinabi ng photographer ng,

"James with this shot, I want you to put some emotions, na parang nawalan ka ng isang bagay na gusto mong makamit ulit pero hindi mo alam kung paano makukuha."

Tumingin sa gawi namin si James at katabi ko si Yassi, tapos yung nung natapos na ang work namin nung yakapin siya ni James.

Haaaaaaist! NADINE! wag' mo nga'ng pagselosan ang kaibigan mo!

Tinignan ko ang orasan 5:15pm at aga naman ata lumubog ng araw? Oh' well, pinicturan ko nalang perfect sunset. Nagsisimula ng magdilim kaya mas binilisan a namin ang pagliligpit.

Ng matapos kami sa pagliligpit ay saktong labas rin ni James sa tent, naka-gray na v-neck shirt at shorts at naka-tsinelas siya.

"Guys! Una na kami sa inyo." Sabi ng manager ni James at nagpaalam kami.

Hindi mawala ang tingin ko kay James, hanggang makarating siya sa kotse, sasakay na ata siya ng lumngon siya ulit at tinwag si Yassi.

"Yassi!? Later ok? Bye." Sabi ni James at hindi na hinintay ang sagot ni Yassi, kase pumasok na siya sa Van.

Nadine? Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

_________________________________
Cut! Hello. Pasensya sa mga mali-mali. Unedited kase.

Vote pls.

Win Mr. Reid's Heart Again- COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon