Chapter 7: Flashback

2.7K 100 3
                                    

Nadine's PoV:

Pagod akong umuwi ngayong araw na to'. Birthday na ni Shy bukas, di oa tumatawag si James. Should I stop fighting? It make me insane. I know, kung sumipot lang ako sa kasal hindi magiging ganito.

"Nadz? Is there any problem? Hindi mo tina-touch yung food mo." Sabi ni mommy.Ngumiti namam ako.

"Wala naman po ma, busog lang ako. Dami kaseng pagkain kanina sa office, kaya napadami ang kain. Wala na po akong gana. Ma pwede na po ba ako umakyat sa itaas? Magpapahinga narin po ako, daming trabaho kanina, alam mo naman Ma weekend ngayon." Sabi ko.

"Ok. Ok. I understand." Sabi ni Mommy. Tumayo na ako tapos humalik sa may noo niya.

"Good night Ma." Sabi ko at tuluyang umakyat na ng kwarto. Wala si Daddy ngayon kase may Out of the country business siya.

Humiga agad ako sa kama. Di ko namamalayan umiiyak na naman ako. Naalala ko na naman ang araw na yun. Yung katangahan ko, na paghindi ko makuha ulit si James , pagsisisihan ko habang ako'y nabubuhay.

Flashback:

"Happy birthday!" Sabi ni James ng matanggal yung mga piring ko sa mata. Dinala niya pala ako sa isang kainan papunta ng Ilocos. Kung saan kami unang nagkita.

Napatingin ako sa harap ko at nakita ko ang napakaraming cupcakes, bawat cupcake may tag-iisang letter. Kung bubuohin ay H-A-P-P-Y B-I-R-T-H-D-A-Y. Kaya napatingin ako kay James na nasa likuran ko. Pero wala na siya.

"James?" Tawag ko sa kanya habang papalabas, at nakita ko siya sa labas may dala-dalang cake.

"Daming cake ah? Hahaha ^_^" sabi ko at nilapitan siya, sa cake may nakasulat na Nadine . Hindi talaga ako binigo ni James sa pagpapakilig.. kase epiktibo parin. Ahahaha ^_^

Hinila niya ulit ako papasok sa kainan, at napakarami ng tao doon, pamilya ko at pamilya niya, mga malalapit naming kaibigan, nandun din sila Yassi, Shy at Bret.

"Happy birthday Nadine!" Sigaw nilang lahat. Napatingin ako kay James at ngumiti lang siya.

"You did all of this?" Tanong ko.

"Yes, I want to see a smile from you today because it's your birthday :)" nakangiting sabi niya. Kaya nilapitan ko siya, niyakap ng mahigpit at sinabi ang magic words.

"Thank you for this James, I love you Bii." Sabi ko. "BII" kase ang tawagan namin.

"You're welcome, I love you More." Sabi niya sabay halik sa may tuktok ng ulo ko.

After ng yakapan moments, kumain na ang lahat, malayo kase ang byahe ginutom ata. Ahaha.

End of Flashback:

Ano ba Nadine? Umiiyak ka na naman. :'(

Tumayo na ako mula sa pagkahiga, Binuksan ko ang cabinet ko, pero napatigil ako ng makita ko ang mga pictures namin ni James nakapaskil sa Cabinet ko. Yung pictures namin sa Prenup. Tumulo na naman ang mga luha ko. Tsk. Bakit ang babaw ng luha mo ngayon Nadine ?

Hindi ko nalang pinansin pa ang mga pictures at kumuha nalang ako ng damit sabay punta ng banyo ko para makagpalit.

Ilang minuto lamang ay lumabas na ako sa banyo at tumungo sa may study table ko. Nandun kase nakalagay ang mga file ko, inayos ko muna kase medyo magulo. Habang nag-aayos ako, hindi ko sinasadyang nataabig yung nakalagay sa isang folder dahilan para ito'y mahulog.

Wala sa sarili akong yumuko at pinulot ang mga papeles. Napatingin ako sa ilalim ng kama ko kung may naiwan pa bang papel. Nahagip ng mga mata ko ang isang maliit na kahon. Kulay pula ang kahon na ito, kaya't kinuha ko ito at nilapag sa kama ko. Halatang matagal ng nandun ang kahon na ito kase inaalikabok na. Hinihipan ko ang kahon para mawala yung alikabok at binuksan ito.

Nakita ko sa loob ng kahon yung mga singsing na binigay ni James sakin, nung First Weeksary, First Monthsary, First 100 days, First Anniversary at ang singsing na magpapatunay sa lahat na siya ang mapapangasawa ko, which is our engagement ring.

Kinuha ko yung engagement ring namin at sinuot ko yun. How I miss wearing this, pero wala ako sa posisyon.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko na nasa may study table, kaya pinunasan ko ang luha ko. Umiyak na naman pala ako. Pagkatapos punasan ang mga luha tumayo na ako at tinungo ang study table.

Unknown Number
Calling...

Wala sa sarili kong kinuha ang phone siguro dala narin sa pagod ko.

"Hello? Who's this?" Tanong ko ng sagutin ang tumatawag.

"Nadine..." Yung kaninang mga luha kong kakapunas palang, tumulo na naman.

--------------

CUT !! AHAHAHAHA . Pasensya na guys ;) kailangan munang putulin.. This is my last update for today. Sisikapin ko pong makapag-upadte bukas.

Pasensya na po sa mga wrong grammar at wrong spelling words ;) minadali ko kase tong update na to' para sa inyo :*

Don't forget to vote and comment naman kayo, para ganahan akong mag-update kahit ganito lang ang comment oh:

<3

:)

;)

^_^

Win Mr. Reid's Heart Again- COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon