17. { stories at dawn }

14 1 0
                                    

Chaehyun's POV

1:35 AM

Bumaba na naman ako, di kasi ako makatulog eh. Kainis, sana di ako sumamang nanuod ng horror movie kasama sina Luhan, 'yan tuloy di na maka-get over sa aswang ang lola ninyo. Bv.

Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Kris, nakatalikod. Naaaks, gising pa rin pala. Destiny? HAHAHA.

At kahit ala-una na, malakas pa'rin ang trip ko kaya nagtago ako sa likod ng bar sa kusina. Hindi kasi ako makikita dito kasi si Kris, nakaharap sa granite na table na nasa gitna ng kusina at nakatingin sa labas habang umiinom ng tubig. Eh eto namang bar ka-cheverhan, nasa likod ni Krisus.

Plano ko sanang takutin, hihi. Kung matakot ko 'yan. Gumapang ako papunta sa likod niya, at hahablutin ko na sana ang malaking paa niya ng bigla siyang nagsalita.

"Tayo ka nga jan." Huh? Nakita niya ako? Papano, eh ala-Charlie's Angel na nga ako dito eh. "Kitang-kita kita." Naaaaaks, may mata na pala siya sa paa niya? Galing ah.

"Paano--" sabi ko saka tumayo nang pinutol na niya naman ako. Para namang di ako sanay te, master na ito ng lola niyo HAHAHA.

"Lika dito," hinila niya ang kamay ko at iniharap sa kung saan siya nakatingin. Ay yun pala, boba ka talaga Chae. Adik ka!

"Kita mo 'yang salamin sa ibaba ng hugasan? Di ka naman kitang-kita jan eh, lalo pa't kaharap ko." Sus, ang arte. Sabihin mo Krisus, talo ka lang kanina sa jack en poy na'tin!

Sumimangot ako at inakbayan siya. Hihi, galawang Chaehyun. De joke. Pero oo nga hehehe. Minsan nga lang ako nakakada-moves sa kanya, palagi kasi kaming asaran kaya di ako makasingit ng mga moves hehe.

Kababaeng tao, siya pa talaga nangu-nguna. Aba aba konsensya, sexist ka ata? Walang gender roles tol! Hehehe. Eh kasi naman, kahit na isang buwan na simula nung sinabi ng asungot na'to na gusto niya rin ako, para naman kasi kaming mag-barkada lang :(

Minsan nga, gusto kong batukan ng napakalakas para matauhan at ligawan na'ko hehehe.

"Hoy, Chaehyun. Ba't gising ka pa ha?" Tanong niya habang umiinom ng tubig.

"Di ako makatulog eh."

"Bakit?"

"Aba, Krisus, kung alam ko oh edi sana tulog na ako ngayon." Pamimilisopo ko. Kainis naman huhu. Ayaw naman kitang pilosopohin my labs, kaso minsan nakakalimutan mo rin ang silbi ng utak mo eh. Hehehe, labyu.

"Wow, you're improving. Gumagaling na ang skills mo ah." Sabi niya tapos kinindatan pa ako. Abaaaa, kung di lang ako nagtitigas-tigasan dito, baka isa na akong nalanay na kandila. Orayt, Chae, control.

"Aber, kelan ba ako naging loser?"

"Bago ka nag-joke ng joke mo ngayon."

"Sinong may sabing joke 'yun, Krisus ha?" Banat ko.

"Ako, di mo narinig?" Sagot naman niya. Hays ewaaaan. Rak n roll nalang.

"Arte neto. Ikaw? Ba't gising ka pa?" Ako naman ang nagtanong. May feeling ako kung bakit eh, pero baka naman mali. O tama. O mali. EWAN.

"Nightmares." Tama nga hinala ko. Si Jessica na naman ba? Nako, great love talaga ata ni Krisus eh, napapaginipan niya hanggang ngayon.

Di ko talaga alam kung anong nangyari kina Jessica tsaka Kris eh, nag-try akong magtanong sa iba, pero ayaw na nilang umimik. Bakit kayaaa, hmm.

Kaya ngayon, kakapalan ko na mukha ko.

"Krisus," panimula ko. Omg omg omg.

"Oh?"

"Ano ba ang nangyari sa inyo ni Jessica?"

Silence. Sabi ko nga eh, sana di ko nalang tinanong. Pero kasi namaaan, friends na kami eh di ba pwedeng sabihin na niya?

Matagal siyang di nakasagot kaya inunahan ko nalang siya.

"Ah, eh kung ayaw mo pang sabihin, okay lang. Di ko pipilitin, baka kasi di ka pa comportable eh." Sabi ko. Awkward na ng atmosphere, akyat na nga ako.

Tinanggal ko ang akbay ko sa kanya at pumunta sa pantry, tapos kumuha ng malaking Chippy dun tapos inalok ko sa kanya. "Kain tayo?" Tanong ko.

Di siya umimik, pero tumango siya. Kumuha ako ng stool tapos tinabihan siya. Binuksan ko ang Chippy tapos sinimulan na naming papakin.

ANG TAHIMIK. Chae naman kasiii, dahil sa'yo 'toh eh. Try ko na nga lang mag-open ng ibang topic.

"Umm, nakita--"

"Fine, I'll tell you what happened between me and Jess."

OMG.

Magical [KRIS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon