(FROM THIS CHAPTER ONWARDS, ALL ARE UNEDITED)
"Noooooo!" malakas na tili ang kumawala sa aking bibig kasabay nang biglaan kong pagbangon. Basang basa ng pawis ang aking likod at namumuo rin ang luha sa aking mga mata. I was crying to my heart's content. My face buried on my hands. I hugged my trembling body. Why, why it doesn't go away after after all these years.
Suddenly, there was an abrupt opening of the door. Kuya Lawrence's worried face appeared in front of me at mabilis ako nitong dinaluhan.
"What's wrong, Veronica?" he asked as he gently pulled me close to his embrace.
"Bad dream, kuya." I hiccupped.
Bumuntong-hininga si kuya Lawrence. Panay ang haplos nito sa aking buhok. He planted a soft kiss on my forehead.
"Bumabalik na naman ba?" he asked sofly.
He was referring to the nightmares I have always had. Paulit-ulit ang eksena sa panaginip ko. Ang eksena kung saan binaril ang aming mga magulang sa mismong harapan namin. Hindi klaro ang ibang kaganapan since it happened ages ago. Pero sa tuwing napapanaginipan ko ang tagpong iyon, hindi ko maiwasang manginig sa takot.
Tanging tango lamang ang aking ginawa bilang sagot kay kuya Lawrence.
"It's okay, Vernonica. I'm just here. No one can harm you." Malambing na sambit nito. Hindi ako sumagot dahil masakit ang lalamunan ko sa pag-iyak. Yakap-yakap lamang ako nito.
"Thank you for always being here, kuya." I said after I calmed down. And me being thankful to him doesn't mean only this time. When I was living in France, I've had a few nightmares. And every time I woke up, tinatawagan ko si kuya kahit na alam kong magkaiba ang oras ng dalawang bansa. And he's always there, no matter how tired or sleepy he was, he's just there on the line, trying to calm the storm inside me.
Umayos ako ng higa at kinumutan ni kuya Lawrence hanggang sa aking beywang. "Ikukuha kita ng fresh milk."
Sa narinig ay ngumuso ako. "Kuya, ginagawa mo akong bata. Matanda na ako. I'm twenty-two." I pouted.
Nagtaas ito ng kilay ngunit nakangisi. "I know right. But you will always be my baby sister." He then sighed. "Kakabalik mo lang mula Europe, you need to take a lot of rest."
Mas lalo lamang akong ngumuso. "You spoiled me rotten, dear brother."
"I know. You always give me headache. That's the price I get." He chuckled lightly sabay tayo.
Sumilay ang ngiti sa aking labi. Kung mayroon mang mas pinaka-naapektuhan sa nangyaring trahedya noon, walang iba yun kundi si kuya Lawrence. He suffered more than I could imagine. Ngunit pilit pa rin itong nagpapakatatag at nililibang ang sarili para lamang matakasan ang isang madilim na kaganapan sa aming buhay.
Isa sa mga dasal ko ay sana makahanap na ng mamahalin si kuya Lawrence. At isang klaseng babae na magugustutuhan ko rin. Ang babaeng magdadala ng saya sa malungkot na buhay ni kuya. He may have all the riches in the world, pero alam kong hindi ito sapat para sa kanya. Indeed, money can't buy happiness. Sana lang ay may inilaan ang Diyos sa kanya upang tuluyan nitong makamtan ang tunay na ligaya.
"Kuya, payagan mo na ako sa paki-usap ko." I said out of nowhere. He was about to open the door to leave.
He sighed at umiling. "I'll think about it, baby girl."
Paglabas nito sa pinto ay lumawak agad ang aking ngisi. Pag ganun na ang sagot nito, otsenta porsyentong papayag na ito sa hinihingi kong bakasyon.
Kahit paano ay gumaan ang aking pakiramdam at hinihila na ako pabalik ng antok. Mukhang hindi ko na maiinom ang gatas na ipapanhik ng kuya.
**********************
BINABASA MO ANG
The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)
RomanceChris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang pangarap. Aside from being a corporate lawyer, he is also known for being cold and snob. He hates girls that are rich and famous. Brats and impulsiv...