Retreating Back
"Chris! Let me go!" I hissed. Nakalabas na kami ng hall kaya nagawa ko nang magreklamo sa kanya. I don't care kung may ibang guests kaming nakakasalubong at pinagtitinginan kaming dalawa.
"Shut up, Nica." He answered in monotone. But I know better. Alam kong galit din ito, but here's the news, I am lot angrier than him! Ang lakas ng loob na kaladkarin ako! Mabilis ang mga hakbang nito kaya wala akong magawa kundi ang lakihan din ang mga hakbang ko. My feet are now aching because I am wearing a five-inch heels at pinaglalakad niya ako ng ganito!
Hello naman! Gentleman ka pa ba? I swear I will scratch his damn pretty face!
Lumabas kami ng hotel at umikot sa likurang bahagi ng gusali. Tumigil kami sa paborito kong tambayan sa madilim na parte ng hardin.
He heaved a sigh. Umupo siya sa bench na pandalawahan at tinapik ang espasyo sa gilid nito. Nakasimangot na umupo ako sa tabi nito. Agad kong niyuko ang mga paa ko at nagtanggal ng heels. Minasahe ko ang mga iyon.
Umusog ako palayo sa kanya kahit na ba mahuhulog na ako sa pagkakaupo. Ayokong magtama ang mga siko namin. Dama ko pa rin kasi ang kuryente sa tuwing nagdadantay ang balat naming dalawa.
Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Nica." He uttered breathlessly. "What am I going to do with you..."
I made a tsk sound. "Set me free, jerk." I answered straightly, without looking at him. Sa gilid ng aking mata ay tanaw ko itong taimtim na tumititig sa akin. Nakaawang ang mga labi.
"I just did. I gave you two weeks of freedom without me."
Mabilis akong lumingon sa kanya. May galit sa aking mga mata. "I mean permanently, Chris. Ang relasyon natin ay walang label. We are not committed to each other. Wala tayong pinanghahawakan sa isa't isa. Sino ka para diktahan ako sa mga nais kong gawin?"
"Let me ask you that question then. Who am I to you? Sino at ano ako sa buhay mo, Veronica Rose? " namungay ang mga mata nito. Pakiwari ko'y pagod na pagod ito. At ngayon ko lang napansing mabuti na tila yumupyak ang magkabila nitong pisngi. Medyo mahaba na rin ang buhok at hindi na ata pinagkaabalahan man lang suklayin. But he still looks handsome to me. Ruggedly handsome.
God, why am I so marupok?
"You.....you......you broke my heart." Nabasag ng tuluyan ang boses ko. I don't want to be vulnerable in front of him pero hindi ko mapigilang maging mahina.
Pumikit ito ng mariin. "Did I now?" malambing na bigkas nito. There was a little faint smile on his lips. "Nahihirapan ka na ba talagang unawain ako? Sumusuko ka na bang talaga?"
Sumakit ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil na humagulhol. Hindi ako makasagot sa tanong niya. Ang simple lang naman ng tanong, di ba Veronica? Bakit hirap kang sagutin ito? Dahil ba may pakiramdam kang pag sinabi mong 'oo' ay lalayuan ka na niya ng tuluyan? Kakalimutan ng tuluyan? Kaya mo naman di ba? Ito naman ang gusto mo di ba? Di ba?
I nodded at hinayaang pumatak ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Tuluyan akong humikbi kahit anong kagat ko sa aking labi. Sumubsob ako sa aking palad. Nadudurog ang puso ko. Ang sakit sakit.
Chris came near me at niyakap ako. Walang lakas na sumandal ako sa kanyang dibdib. Kumapit ang kamay ko sa kanyang damit. My face buried on his chest. I felt him kissing my forehead. He held me closer and tighter. May pananabik sa yakap nito sa akin.
"I am sorry if I am hurting you, sweetheart. But please know that it's only you who I want. It's you who I need. It always has been you."
Ilang sandali pa ang lumipas na ganoon lamang ang posisyon namin. Nang mahimasmasan ako ay umayos ako sa pagkakaupo. Ang mga mata ni Chris ay nanatili lamang sa akin.
BINABASA MO ANG
The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)
RomansaChris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang pangarap. Aside from being a corporate lawyer, he is also known for being cold and snob. He hates girls that are rich and famous. Brats and impulsiv...