FOUR

43.7K 1.3K 53
                                    

So Right


Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ko pinilit ang isang dalaga na hindi ko kilala na katagpuin ulit ako mamayang gabi. "Damn." Mura ko. Ayokong mandamay ng tao sa sitwasyong pinagdadaanan ko ngayon. Sino ba ang niloloko ko? Hindi ko maiiwasan ang problema ko ngayon sa pamamagitan ng pakikipag kwentuhan sa isang taong wala namang kinalaman sa problema ko. Sa isang babaeng walang kaalam-alam sa totoong ako. Sa kung ano ang totoong sitwasyon ko.

All I ever want is to be alone. I want to have my own world. Sa isang mundong malayo sa kinaroroonan ko na puno ng masasakim at makasarili. But what happened awhile ago was something I did not expect to happen. Sa ilang oras na kausap ko lamang ang babae na bagaman may katarayan ang boses, hindi maipagkakaila na malamig ito sa aking pandinig at isa sa mga dahilan kung bakit gumaan ang pakiramdam ko. But she must not take me for a fool. Alam kong nagsisinungaling lamang ito. She ain't ordinary. It doesn't take a rocket scientist to figure out what kind of a girl she is. She belongs there. Way up there.

But still, I couldn't help myself to talk to her again. Her smell was so good and intoxicating. Hindi ko mapigilang mapapikit sa tuwing tumatama ang buhok niya sa ilong ko. Ilang beses akong nakipag-talo sa aking sarili na hilahin ito palapit sa akin at samyuhin ang kanyang kakaibang bango. There was really something about her hair. At kahit hindi ko man iyon hawakan ay alam kong makintab at malambot iyon. Hindi ko talaga maipaliwanag pero may kakaiba talaga sa kanyang buhok. Kahit hibla lang nito ang dumikit sa aking balat ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa aking kaibuturan. I wanted to grab her shoulders and nuzzled in her hair endlessly. And just thinking about that makes my stomach somersaults. In a good way.

"Nica." I whispered the girl's name. Tumawa ako. Nababaliw na ata ako.

Ano bang mayroon sa kanyang buhok at bango at pinagpapawisan ako ng ganito? "Fuck that hair." Inis na bulong ko sa gitna ng kadiliman ng silid na ito. "And fuck that sweet scent of hers!" I feel like the girl just marked her territory. It's all over the four corners of this damn room! Inis na tumayo ako mula sa pagkakaupo. What the hell am I thinking! The girl is just minor! Makauwi na nga lang at maitulog ang lahat ng ito. Sana sa pagpasok ko sa kolehiyo mamayang tanghali ay makita ko si Rosalie. I missed her. And God, I need her more than anything now.

Pero buong maghapon kong hindi nakita si Rosalie. Alam kong seryoso ang ama nito sa pagpapaiwas sa anak niya mula sa akin. Pero sa kabila ng katotohanang iyon, ay umaasa akong gagawa ng paraan ang babae para makita ako. Dahil mahal niya ako. Mahal na mahal. At alam kong miss na miss na rin ako ni Rosalie. Hindi kami makakatagal na hindi nakikita ang isa't isa. Pero siguro nga ay kailangan ko pang maghintay ng konti. I know she'll do a way para magkita kami. Alam kong gagawa ang dalaga ng paraan.

"Toper, wala ka bang balak na magpagupit ng buhok ? Ang gulo tignan ng ayos mo at halos natabunan na yang mukha mo. Buti at hindi ka pinagbabawalan sa school mo." umiiling sa akin si Lola.

"Tinatali ko naman po, La." Maiksi kong sagot.

"Magaling na ba ang mga pasa mo, apo?" Huminahon na ang boses nito. Sinundan ko ito ng tingin habang naghahanda ng pagkain sa mesa. Ginisang sardinas at pritong talong ang aming hapunan ngayong gabi. Huminga ako ng malalim.

"Okay lang ako, La. Wag ho kayong mag-alala. Malakas ata itong apo nyo." ngiti ko sa kanya ngunit umiling lamang ito at naupo sa aking kaliwa.

"Toper, apo kita at alam mong wala kang maitatago na sikreto sa akin. Kahit hindi mo sabihin, apo, ay batid ko na kung ano ang nangyayari. Huwag mo na lamang ipilit pa ang gusto mo. Kung mapapahamak ka lang naman, tigilan mo na yan."

"Mahal ko siya, La." Maiksi kong tugon.

Humigit lamang ito ng malalim na hininga. "Hindi lahat ng nagmamahalan ay nakalaan sa isa't isa. Hindi lahat ng nagmahahalan ay nagkakatuluyan. Kung talagang ipipilit mo yan, wala akong magagawa, apo. Pero sana pag umabot ka na sa punto na alam mong wala na talagang pag-asa pa, sumuko ka na at bumitaw na. Hindi siguro siya para sa'yo at hindi kayo nakalaan sa isa't isa."

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon