SEVENTEEN

31.4K 1K 102
                                    

Happiness

While looking at the view of the city from the top floor of the hotel, I couldn't help but be proud of the things our parents did to us. Walang dela Vega Suites kung wala ang aking mga magulang. Wala kami ngayon kung hindi nila pinaghirapang palaguin ang negosyo na'to. They've sacrificed too much for this, gave up everything even their own lives. They died protecting this company. Protecting the company means protecting the future of their children. At sa murang edad ay naiintindihan namin ni kuya Lawrence ang bagay na iyon. Kaya naman mula nang mamatay sila mula sa masalimuot na trahedya, si kuya na ang umako sa lahat ng responsibilidad upang maipagpatuloy ang naumpisahang tagumpay ng aming mga magulang.

I smiled. I couldn't feel prouder than I already am for him. He has accomplished everything at a very young age. Kaya naman pinapangako kong tutulungan ko si kuya na palawakin pa ang aming kompanya nang buong lakas ko. We want to continue the legacy our parents established for us, na ipapasa namin sa mga susunod na henerasyon ng pamilyang ito.

I sighed as I looked at the clear sky. It's been a month since I left that place. Mula nang makabalik ako, sinubsob ko na ang sarili ko sa trabaho. Kung ano-anong conferences, meetings, parties and seminars ang pinupuntahan ko para lang makalimutan ang lalakeng yun. Ofcourse, I will forget him eventually. Ang hindi ko lang alam ay kung kailan at paano.

But I will surely find the answers soon. I have to or else, baka matagpuan ko na lang sarili kong bumabalik sa teritoryo niya. Pero ayokong umabot pa ganoong punto kaya pagsisikapan kong makalimutan siya. Veronica dela Vega isn't the type who will bend her knees and ask a guy to love her back.

It will always be the other way around.

Napapitlag ako sa pagkatok ng sekretarya sa aking pinto. "Miss, dumating na po sila. Nasa conference room na rin po si Sir Lawrence."

I nodded. "Susunod na ako."

Dumako muna ako sa aking mesa para kunin ang ilang folders na maayos na nakapatong doon bago ako lumabas sa aking opisina. My office is just beside Kuya's pero nauna kasi akong bumaba mula sa penthouse namin dahil may mga kailangan pa akong i-review na mga files. Kuya probably went straight to the conference room.

Nagtaas agad ako ng kilay nang sa pagbukas ko ng conference room eh parang mga bubuyog kung magkamustahan ang mga tao sa loob.

"Sis!" Ian exclaimed. I rolled my eyes upward. Sis huh. This jerk again. "So ano na, when are you going to sign the contract I offered to you?"

"Shut up, Ian." I hissed and he just wiggled those damn naughty eyebrows of his.

"Bakit ba lagi mo nalang ako tinatanggihan? Just one show, Veron. Mahirap ba yun? Para namang hindi tayo magkaibigan niyan. Tuwing tumatanggi ka, para mo na ring inapakan ang pagkalalake ko. It hurts, you know." Tutop nito ang sa kanyang dibdib at nag-iinarte na inaatake sa puso.

Matuluyan ka sana.

"Wag mo nga akong ginugulo. Why don't you go to America and beg your girl to come back para naman magtino ka. Stop being an ass every time we meet." ani ko.

His funny face suddenly turned serious. "Tss."

"Sit down, Ian." salita ni James.

Ngumiti ako at niyakap si Ian. I patted him on his back. "My poor boy. Everything will be alright." Sunod kong niyakap at hinalikan sa pisngi si James. "How's your businesses?"

"Good. How about you? How are you feeling? You look exceptional, by the way." he grinned as he surveyed his eyes on my whole body. I was wearing a white tube top na pinatungan ko lang ng black blazer. Black pencil cut skirt naman ang tinerno ko with black stilettos as my foot ware.

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon