Eyes
I flickered my eyes open. Nasumpungan ko kaagad ang lola ni Chris na nagpipiga ng bimpo sa plangganita na nakapatong sa side table. Naningkit pa ang mata ko nang tumama sa bintana. Maliwanag na pala pero umuulan pa rin. I jerked my head to my side. Siguro ay umalis din si Chris nang tuluyan akong makatulog kagabi. Huminga ako ng malalim. Biglang naging hungkag ang pakiramdam ko o dala lang ito ng aking pagkakasakit?
Hindi na ako dapat pang magtaka kung hindi ito nakakatagal sa presensya ko. He hates my type. He was kind to me last night just because he pitied me. That was all to it. But I know he doesn't like me. Kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya. He's very judgmental sa isang babaeng kagaya ko. Dahil ba mula ako sa may-kayang pamilya? Inano ko ba siya? Hindi ko naman inaapakan ang kanyang pagkatao. He hardly knows me. At kung ang basehan niya sa paghusga sa akin ay mula sa mga nababasa niyang magazines or tabloids, o sa mga napapanood niya sa entertainment news, puwes, ang babaw niyang tao kung ganun.
Sinubukan kong bumangon at agad na sinalakay ng pananakit ang ulo ko. Mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Nananakit din ang aking mga kasu-kasuan. Pati ang aking mga braso ay wari ko'y namamanhid. Mas malala pa ito sa body pain na napagdaanan ko after I had long, strenuous exercise in the gym.
"Hija, wag mong piliting bumangon. Teka, nagugutom ka na ba? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" Agad na nilapitan ako nito at sinalat ang aking noo at pisngi. "Bumaba na lagnat mo pero may sinat ka pa rin."
"Masakit lang ang ulo ko, La. Pero hindi na po kasing sama ang pakiramdam ko kompara kagabi." Namamalat pa ako. Inabot ko ang isang baso ng tubig sa aking gilid at uminom doon. Gusto ko sanang tanungin ito kung saan ang kanyang apo ngunit nakakahiyaan ko naman.
"Tumungo si Topher sa bayan para ibili ka ng gamot."
Nilingon ko ang matanda. May sumilay na ngiti sa labi nito na tila ba nabasa ang katanungan sa utak ko. "Po? Pero bumabagyo pa, La. Hindi ko naman na kailangan siguro ng gamot, La." Pahinga lang talaga ang kulang sa akin because I was so exhausted yesterday.
"Si Topher ang klase ng taong hindi magpapapigil, Veronica. Tsaka nag-aalala yun sa'yo, apo. Kahit naman ganun yun, eh mabait ang batang yun. Kaya kung sinusungitan ka niya ay pagpasensyahan mo na lang. Kasalanan din naman niya. Kow, pinagalitan ko nga kanina nang malaman kong pinag-igib ka niya at pinaghugas ng pinggan. Salbaheng bata. Nasapok ko nga." Umiiling iling ito na natatawa pagkatapos ay huminga ng malalim. "Humiga ka muna at ilagay natin tong bimpo sa noo mo. Baka bumalik ang lagnat mo kapag hindi ka nakainom ng gamot. Ang hindi ko lang tiyak ay kung may bukas ba kaya na botika ngayon sa bayan."
"La, baka naman po....Mapahamak ang apo ninyo sa daan. Sabi nyo po eh bahain ang lugar kapag malakas ang ulan."
She smiled sweetly at me. "Huwag kang mag-alala. Maparaan na tao ang apo ko na yun. Alam kong kayang kaya niyang suungin ang sama ng panahon para lamang sa'yo. Ewan ko ba, ngayon lang ba talaga kayo nagkakilala ng apo ko, hija? Pakiwari ko kasi eh may nakaraan kayo at ganun na lamang ang kanyang pag-aaala sa'yo. Hindi pa nga ata natutulog ang batang iyon. Hinintay lang ata magbukang-liwayway bago tumulak sa bayan." pumalatak ito ngunit nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot.
Umiling ako sa kanya. Siguradong sigurado ako na ngayon lang kami nagkaharap ni Chris. Although, his name reminded me of someone in the past......Pero maraming Chris sa buong mundo.
"Ibababa ko lang ito at mag-aakyat ako ng sopas. Mainam ang sopas sa'yo para naman mainitan ang tiyan mo. Tska kailangan malamnan ang tiyan mo bago ikaw uminom ng gamot. Pauwi na rin tiyak si Topher kaya wag ka nang mag-alala." banayad na saad nito.
Tanging ngiti lamang ang kaya kong isukli sa kanya. Pero tinitiyak ko na gagantihan ko ang kanyang kabaitan pagkaalis ko sa bahay na ito. I heaved a sigh. Just thinking of leaving this place made me sad. Hindi ko maipaliwang kung bakit sa ilang oras na pananatili ko sa bahay na ito ay tila ba nagkaroon na ako koneksyon dito. And Chris, there something about him that I just can't seem to understand. Why just his presence alone makes my every fibre alive.
BINABASA MO ANG
The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)
RomantizmChris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang pangarap. Aside from being a corporate lawyer, he is also known for being cold and snob. He hates girls that are rich and famous. Brats and impulsiv...