Disgusting(present time)
Nakanguso akong sumunod sa antipatikong lalake dala dala ang aking hand carry bag na namimigat na dahil basang-basa sa ulan.
Tama bang pagkamalan niya akong katulong? Sa porma kong ito? Sa mukha ko na ito? Alright, I am not pulling my own chair and I have nothing against helpers, pero naman kasi! Nakakainsulto sa parte ko na pagkamalan niya akong katulong? Kahit nagtatakbo ako kanina at kahit puro putik na ang sapatos ko, at kahit basang basa na ang aking mukha at katawan, malayo naman siguro ang hitsura ko sa pagiging helper, di ba? Or do I really look like one now?
Kasalanan talaga ng kundoktor na iyon eh! Oo na kasalanan ko rin na dahil nakatulog din ako!
Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang hinarap ako ng lalake habang ang dalawang kamay ay nasa baywang nito. His eyebrows furrowed. There was a faint smirk on his lips. And just like that sight in front of me, hindi ko maiwasang mapalunok. This man is strikingly handsome. Kahit ba may bakas ng putik ang suot nito. Kahit basa na rin ito ng ulan, hindi iyon naging kabawasan sa kanyang taglay na kagwapuhan. And I've seen the handsomest men in all walks of life on this planet but this man is certainly not the typical one. He is.......exceptional.
"May problema ka? I think I heard you murmuring something?" He wiped his brow with his hand.
Wow ha! May powers kaya si kuya? May kakayahan ba siya na basahin o pakinggan ang sinasabi ko? "Wala kaya akong sinasabi. Sumusunod lang ako sa'yo."
Mas lalong lumalim ang kunot sa noo nito and he looked at me with scrutiny. Pinasadahan niya ulit ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I almost rolled my eyes. Nababastusan ako sa paninitig niya. Sanay akong tinitignan ng maraming tao dahil sa propesyon ko ngunit hindi ko mawari kung bakit hindi ako komportable sa kinatatayuan ko ngayon. There is something in the way he looks at me.
"It's really rude to stare, Mister, especially if we are in the middle of the rain." Hindi ko maiwasang lakipan ng panunuya ang boses ko. His eyes, damn those deep brown eyes.
He smirked. "Ang bagal mo kasing maglakad, Miss."
An amount of air escaped from my nose. Huh! Talaga lang ha! Eh siya nga itong parang nagbibilang ng hakbang! At para bang nasa kanya lahat ng oras sa mundo! Nakakaasar!
Nasa porch na kami ng bahay nang lumabas ang isang matandang babae mula sa malaking pinto.
"Mareyosep! Basang basa kayo! Sandali lang at ikukuha ko kayo ng tuwalya at nang makapagpatuyo man lang kayo." Kahit may katandaan na ito ay pansin ko pa rin ang liksi ng kanyang kilos.
Umupo ako sa isang monoblock na nasa patio at tinignan ang lalakeng naghuhubad ng kanyang boots. At dahil basang-basa na rin ang sapatos ko ay hinubad ko na rin ang mga ito kasama ng medyas. Iniisip ko kung paano ko ito malalabhan at ilang araw naman kaya bago matuyo? I don't think it will dry over night. Unless, this house has humidifier machine to help dry my wet stuffs.
"Ito apo, magpunas ka ng katawan at magpatuyo ka ng buhok. At ito naman sa'yo hija, nako basang basa ka rin. Magkakasakit kayo niyan." Sambit nito ng makabalik mula sa loob.
Inabot nito sa akin ang kulay puting towel. "Salamat po." Ngumiti ako sa matanda na magiliw na gumanti din sa akin ng ngiti.
"La, dumating ba yung mga papeles na pinakuha ko mula sa munisipyo?"
"Oo Toper, hinatid ng tauhan ni Mayor Gascon kanina. Inakyat ko na sa kwarto mo. Tawagan mo nalang daw ito bukas."
Tumango lamang ang lalake sa kanyang lola. Sumulyap muna ito sa gawi ko bago walang sabi na naghubad ng kanyang pang-itaas. Napatuwid ako sa aking pagkakaupo. I was gaping at him. Umangat ang gilid ng labi nito sa akin bago umikot at nilagay sa sandalan ng kaharap na upuan ang pinaghubaran nito.
BINABASA MO ANG
The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)
RomanceChris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang pangarap. Aside from being a corporate lawyer, he is also known for being cold and snob. He hates girls that are rich and famous. Brats and impulsiv...