Hopelessly
"Veronica dela Vega, you look pathetic." ang palaging bulong ko sa sarili. Ang mga kamay ko ay nakatukod sa sink habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin.
I cursed myself because my eyes were swelling and getting puffy from crying. Damn it. When was the last time I cried this much? I just couldn't stop the tears from rolling down my cheeks. I just wanted to crawl onto my bed and curl myself into a ball and let tomorrow takes its course. Kahit nakailang hilamos na ako, bakas pa rin ang pamamaga ng aking mga mata.
I sighed inwardly. I need to get myself together. This is not me. I can't keep on doing and feeling like shit every damn time Chris leaves me for Rosalie and Echo. I need to get hold of myself. Hindi ko rin naman masisisi si Chris. Kagustuhan ko rin na bigyan niya ako ng atensyon. It was me who beg from the start and I believe in him. Naniniwala ako na sinsero ito sa intensyon niya sa akin. He may not love me now, but I know he likes me. But I also know for a fact that Rosalie and Echo will always get in the way. They are part of him. Napakasama ko namang tao kung hihilingin ko sa lalake na sa akin lang niya ibuhos ang kanyang atensyon at huwag sa mag-ina niya. I tend to be selfish sometimes pero napagtanto kong pagdating kay Chris, kailangan ko ring magbigay at matutong umintindi sa kanyang sitwasyon. He wasn't aware of Echo's existence until recently. And as a father, he feels responsible for his kid's welfare. Marami na silang nasayang na oras na mag-ama. Both are parts of Chris' life now wether I like it or not. Ang tanong na lamang ngayon, makakaya ko bang ipagpatuloy ito? May lakas pa bang natititira sa akin para ignorahin ang mga panahong iiwan niya ako para sa mag-ina niya? Am I still capable to tolerate another hurtful moments with him?
Pagkatapos kong magretouch at i-ponytail ang buhok ko ay pumasok ako sa isang bakanteng cubicle. My legs were a bit shaky and I just wanted to sit for a minute of two to calm my nerves. Hustong pagkalock ko sa pintuan ay siya namang pagpasok ng ilang empleyado sa loob ng washroom. I felt relieve. Ayoko kasing maabutan nila ako at makita sa ganoong ayos.
"Alam mo ba ang chismis?" rinig kong sabi ng isang babaeng empleyado.
"Aong chismis ngayon?" tanong ng isa.
"Alam mo ba yung nangyari sa cafeteria? Isang himala na doon kumain si Sir Lawrence! At alam mo ba kung bakit? Mukhang pinopormahan ng boss natin ang intern sa front desk. Yung mestizang babae."
"Talaga? Seryoso? Yung magandang dalaga sa front desk? Aba'y ang bata pa nun ah? Corrupting minor yan. Nililigawan kaya ni Sir Lawrence o baka pampalipas oras lang? Ilang taon ang agwat nila kung sakali? Sampu o labing isa? Tsaka ang alam ko eh sila ni Ma'am Cathy ang magnobyo. Sigurado akong naintriga lang siguro ang boss natin dun sa intern. Pero kawawa naman ang babae kung paglalaruan lang ni Sir."
"Ang chismis ng taga front office, hinatid pa daw ni Sir ang babae sa reception at dumaan daw saglit sa ladies room."
"Talaga? May ginawa kayang milagro ang dalawa dun? Ano ba yan, kinikilabutan ako. Si Sir Lawrence ang klase ng taong hindi magseseryoso pagdating sa babae. Nacha-challenge lang siguro ang boss natin sa intern na yun."
"Panigurado. At kung sakali man na may mamagitan sa kanila, I already feel sorry towards the girl. Masasama lang siya sa mga listahan ni Sir Lawrence ng mga babaeng pinaglaruan lamang." Pumalatak ang isa.
"Pereho lang sila ng kapatid niyang si Miss Veronica, ang dami ring nalilink na lalake sa kanya. Halos buwan-buwan may issue na break-up o di kaya may pictures na may kasamang ibang lalake sa restaurant or sa ibang lugar. Nakakaloka. At may chika na mukhang type ni Miss Veronica si Atty. Chris. Parang may something daw sa dalawa."
"Wari? My god. Lahat nalang ba ng gwapo sa hotel na ito ay pag-iinteresan ni Miss Veronica? Magkapatid nga talaga sila noh? Pareho ang likaw ng bituka. Palibhasa mayayaman at talaga namang may maipagyayabang pagdating sa hitsura at katawan."
BINABASA MO ANG
The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)
RomanceChris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang pangarap. Aside from being a corporate lawyer, he is also known for being cold and snob. He hates girls that are rich and famous. Brats and impulsiv...