Unusual
Nagngingit-ngit ang kalooban ko habang nagbabanlaw ng aking mga pinaghugasan. Nakailang balik ako sa pag-iigib para lamang may tubig akong magamit. Muntik pa akong madulas sa labas dahil maputik na rin ang lupa dahil sa pag-ulan. Hindi naman kalayuan ang poso pero dahil pinupuno ko ang timba kaya mas nahirapan ako sa pag-alsa nito. Kasi kung hindi ko naman pupunuin ito ay aabutin ako ng siyam-siyam sa ginagawa ko. I'd never thought that I could do this in my life. Never did I imagine na mararanasan ko pala ang ganito na napapanood ko lang sa mga bidang mahihirap mula sa local movies o teleserye ng bansa. Speaking of which, hindi ko na maalala kong kailan ako huling nakapanood ng pelikulang Pilipino. I don't even feel star-stuck whenever I rub shoulders with local celebrities.
Bumuntong-hininga ako. Ito na ata ang pinakamabigat na gawaing bahay na naranasan ko in my twenty one years of existence. Napigtas pa ang kaliwang tisnelas na gamit-gamit ko. Nakakabanas talaga. Hindi man lang ako tinulungan ng lalakeng yun at ewan ko ba kung saan na yun. Iniwan lang akong mag-isa dito sa kusina. Huwag siyang magpapakita sa akin at baka makalmot ko lang ang kanyang mukha.
"Hindi ka pa ba tapos dyan?"
Muntikan ko ng mabitawan ang huling platong binabanlawan ko. At talagang sumulpot pa talaga ang aroganteng lalakeng ito. Speaking of the devil. Magpapasuntok siguro.
"As you can see, I am not done yet." Pabalang kong sagot dito na hindi nililingon. Huwag na lang, baka mamaya niyan patulan pa nito ang binabalak kong pagsuntok ko sa kanya.
"Okay na yan, iwanan mo na ang mga yan. Ako na ang bahala sa mga yan mamaya." He said in a light, friendly tone.
I rolled my eyes. "Okay lang, nakakahiya naman sa'yo. Baka isipin mong masyado kong inaabuso ang pagpapatira mo sa akin dito kahit pansamantala lang. At isa pa, hindi mo naman ako bisita so kailangan ko ring kumilos dito sa bahay mo, di ba."
"Yes but as the owner of this house, sinasabihan na kitang tigilan mo na yan at umakyat ka na sa silid mo." Matigas nitong salita sa akin.
"Hindi. Okay lang talaga." Ngayon mo pa ako sinaway kung kailan patapos na ako. Ganda rin ng timing mo eh, noh.
"Kokonti lang naman ang mga yan pero isang oras ka na ata dyan. Buong buhay mo ba ay hindi mo naranasan maghugas ng pinggan?"
Miss ka dyan. May pangalan ako, Mister. Buwisit na'to. "Nag-igib pa po ako at nakailang balik ako. Akala mo naman ang daling gawin nun. Ang bigat naman kaya. Kung sana'y ipinag-igib mo ako ay kanina pa dapat ako tapos."
"Tss. Naghihintay lang naman ako na hingin mo ang tulong ko, pero hindi mo naman ginawa." I pictured him grinning at me.
"Wag na. Baka madagdagan lang ang utang na loob ko sa'yo. At hindi naman ito mabigat na trabaho, kayang kaya ko to. Pero alam mo kasi, pag gusto mong tumulong sa tao, hindi mo na kailangan pang hintayin na hihingi siya ng saklolo. Mag magandang-loob ka nalang dapat." Nakakainis lang ha. Kailangan pa ba talaga na hingin ko ang tulong niya? Wala ba siyang kusang loob? How ungentlemanly!
"Alam mo kasi Miss Veronica, ikaw yung tipo ng taong hindi nanghihingi ng tulong kahit alam mong hindi mo naman kayang mag-isa. You think that you are too good in everything and that you don't need anybody to help you. You are too conceited and too confident that asking help is like an insult to your ego. Kaya nakakahiyaan ko tuloy mag-alok ng tulong kasi baka tanggihan mo lang din naman."
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig mula sa kanya. Did he really just say that? Did he just.....insult me? Ganun ba kasama ang ugali ko sa kanya? He just knew me today tapos ganito na agad siya makapaghusga sa akin?
BINABASA MO ANG
The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)
RomansaChris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang pangarap. Aside from being a corporate lawyer, he is also known for being cold and snob. He hates girls that are rich and famous. Brats and impulsiv...