ONE

68.9K 1.4K 81
                                    

Nobody

Niligid ko ang paningin sa malawak na bulwagan ng hotel. Punong-puno ang gitna ng malawak na silid na iyon ng mga taong sumasayaw sa mabilis na tugtugin.

Sa kabilang gilid ay nakita ko ang mga kaklase kong nagtatawanan. Obviously, they are enjoying the night. Sa kabilang banda, kumakaway ang isang grupo ng kabinataan nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila.

I smirked as I waved back at them. Kalahati ng mga estudyante sa okasyong ito ay hindi ko kilala. Kung paano sila nakapasok ay hindi ko alam.

I sighed deeply. Bakit ganun? Bakit sa kabila ng lahat ng ito, sa kasiyahan at katuwaan ay hindi ko pa rin magawang mag-enjoy? In fact, I feel so bored na parang gusto ko na lang umakyat sa penthouse at iwanan ang lahat ng bisita. Even the loud, upbest songs that are playing right now failed to hype me up even a bit.

Well, I know this feeling. This feeling of emptiness never fails to make me sad. Ang kahungkagan na hindi na ata pa mapupunuan ng kahit na ano mang bagay sa mundo. Ilang okasyon na ba ang nagdaan sa buhay ko? This party, everything about this will never be enough for me. It never will. I can't be happy completely. There's something missing in my life. At ang kulang na iyon, masakit man tanggapin, ay hindi na babalik magpakailanman.

"You okay, pet? You look bored." Nilingon ko si kuya Lawrence sa aking tabi. May hawak itong kopeta. Sumdandal ito sa bar counter at tinutok ang tingin sa dancefloor.

Sinandal ko ang aking ulo sa balikat nito at bumuntong-hininga. "I'm okay, kuya. I'm happy."

"Are you? You don't seem happy to me. I've arranged this party for you, young lady. Tapos hindi ka naman pala nag-eenjoy." may bakas na tampo sa boses nito.

Malapad na napangiti ako. I looked up to him and tiptoed to kiss his cheek. "I'll forever be grateful to God na ikaw ang naging kuya ko, kuya Lawrence. I'm lucky to have you."

His eyes became soft as he crouched to kiss my forehead. "I'm luckier. Even if you are a pain in the ass, you always make my day, sweetheart. You're the only one that I have."

I smiled again. "Ditto. Pero magiging ganap na masaya lang ako kung kapiling natin ang ating mga magulang kuya."

Ang ngiting naka-plaster sa gwapong mukha nito ay unti-unting nawala. "Veron, let's not dwell on the past. We cannot find happiness if we keep on reminiscing the darkest times of our life. Let's move on. We have to."

"Have you? I don't think so. I know you, kuya. Alam kong malaki ang naging epekto ng pangyayari sa buhay mo. You have totally changed. Kahit anong pakita mo sa akin na okay ka, na malakas ka, alam ko, deep inside your heart, you're broken. I am more worried of you, kuya. "

"Veron, ano man ang naging epekto ng nangyaring trahedya sa buhay natin ay hindi na mahalaga. Mas mahalaga ang ngayon. Ang negosyong iniwan ng ating magulang. We have thousands of employees in our shoulders. They are our responsibility. We can't afford to be weak. We must not fail. We need to study and work harder for our future. For everyone's sake. Yan ang mahalaga sa akin ngayon."

I nodded. "I know, kuya. I promise I will study very well in abroad para may katuwang ka sa pagpapatakbo ng negosyong iniwan ng mga magulang natin someday. It's just that, hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong tanggapin na wala na sila. It's been what, six years since that tragedy? Pero sariwa pa rin ang sakit. Pakiramdam ko pa nga ay hindi pa naghihilom. I always have nightmares."

Yumuko si kuya Lawrence at kahit medyo may kadiliman ang paligid, hindi nakaligtas sa aking paningin ang mumunting kislap sa mga mata nito. My heart broke again. Niyakap ko si kuya. He's showing to me that he is brave and strong and I know he is. Pero alam ko rin kung gaano ito nalulungkot tuwing mapag-isa.

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon