Found
Nagpakawala ako ng malalim na hininga habang yakap-yakap ang sarili. Wag kang matakot Veronica, wala silang gagawing masama sa'yo. Makakatakas ka sa mga kamay nila, magtiwala ka lang sa plano nang nasa taas.
Impit na umiiyak ako habang tiningala ang madilim na langit. Malakas na ang hangin at ano mang sandali ay dadanak na ang ulan. Sa unahan ay walang katapusang dagat. Wala man lang akong makitang kahit konting ilaw. Malayo na siguro kami sa isla dahil paliit ng paliit ito sa paningin ko.
Diyos ko, paano ako makakaligtas sa sitwasyong ito?
Nagsalita ang isang lalake pagkatapos nitong ibulsa ang cellphone nitong hawak. "Babae, sabi ni boss, tawagan mo daw yung Chris. Sabihin mo daw sa kanya na wag kang hahanapin. May cellphone ka di ba? Tawagan mo na dali!" Tinutukan ako nito ng baril.
Nanginginig ang kamay na kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng aking denim shorts. Humikbi ako. Siguradong ang lahat ng lakas na natitira sa akin ay tuluyang maglalaho kapag narinig ko ang boses ni Chris.
Napahumindig ako nang maramdaman ang lamig ng metal ng dulo ng baril sa noo ko. "Magkamali ka lang sa sasabihin sa kanya, sabog ang ulo mo." Banta pa nito.
I nodded as I trembled. Mabilis kong tinawagan si Chris. Hati ang nais ko. I wished he won't answer but at the same, I wished we would so that I could hear his voice, for the last time.
""Sweetheart. Why do you have to call? Malapit na ako sa guest house nyo." Bungad nito sa akin.
Ngumiti ako habang patuloy sa pagpatak ang mga luha sa aking mga mata. Masigla ang boses nito at halata ang kasabikan na makita ako.
Pumikit ako. "Chris." Kumagat-labi ako para sana tumigil sa pangangatal ang mga labi ko but I failed. My voice shook when I spoke. Chris would know something is wrong with me.
"Nica? Something's wrong, sweetheart?"
Mapapansin agad ang pag-iba ng timbre sa boses nito. Kung kanina ay masigla, ngayon ay may bahid na ng pag-aalala. Makakapagsinungaling ba ako sa kanya?
"Im leaving, Chris. Don't look for me." Namamaos na boses na sagot ko. I can't hide the sadness in my voice.
"Don't pull a prank on me, sweetie. Hindi po nakakatuwa."
Tinakpan ko ang speaker ng phone dahil tuluyan akong napahagulhol. Muntik na akong mabuwal sa pagkaka-upo nang pwersadong dinuro ng lalake ang baril sa noo ko.
"Chris...." I choked a sob. Help me, please. I wanted to add but I don't want him to get panic. Sigurado akong maghuhurumintado ito pag nalamang nawawala ako.
Nasa isla pa ang ama ni Rosalie. Ayokong mapahamak si Chris. Mas nanaisin kong umalis na lamang ito ng isla at wag na akong hanapin pa.
"Nica? Are you on a boat?"
Lalo akong napapikit ng mariin. Ramdam ko sa boses nito ang kaba at pagkataranta. And it only added to the anxiety that I am feeling right now.
"Where are you, Nica!" He shouted.
"I'm sorry, Chris. I am really sorry. Wag mo na akong hanapin, okay? Don't worry about me." Pag-aalo ko sa kanya.
"Are you fucking kidding me? You better tell me where you are and I am gonna fucking find you!"
He's mad. And he has all the reasons to be mad at me. Gusto kong sabihin sa kanya na kaya ko. Na lalaban ako. Na makakatakas ako. Na magiging maayos din ang lahat. Na babalik din ako sa piling niya.
Gusto kong isipin na sana panaginip nalang ang lahat ng ito.
"Chris.....thank you for everything.....I love you so much....."
BINABASA MO ANG
The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)
RomanceChris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang pangarap. Aside from being a corporate lawyer, he is also known for being cold and snob. He hates girls that are rich and famous. Brats and impulsiv...