Excitement
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Pabulong ko na tanong. Pinatigas ko ang aking boses para hindi nito mahalata na sinasalakay ng kaba ang aking dibdib. I have no idea who this man is. I can't see him because the room is too dark and the worst part of this situation is kami lang dalawa sa loob ng stock room na ito. Ang pagkakakaalam ko ay dito tinatambak ang mga sirang gamit ng hotel bukod pa sa ibang kagamitang panlinis. Kaya laking pagtataka ko na may tao dito ngayon.
"I questioned you but you answered me with question too. Tsk. tsk."
And this is one more thing that I hate. His deep, husky, baritone voice makes my hair tingled with undescribable feeling. Kailangan ko pang humalukipkip dahil sa tuwing nagsasalita ito ay pakiwari ko'y giniginaw ako. Napasandal ako sa pinto dahil biglang nanginig ang aking tuhod. Malakas ang hinala ko na higit na matanda ito kaysa sa akin. Ang baritonong boses nito at sapat na para patunayan ang hinala ko.
"Masyado ka atang malapit sa akin. Can you stay a little bit farther away from me? Hindi ako komportable." Wika ko sabay kagat sa aking ibabang labi. Nangangatal kasi ito, kung sa kaba o takot ay hindi ko alam.
"Sagutin mo muna ako, Miss. Bakit ka nagtatago dito? Sino ang pinagtataguan mo?"
"Bakit mo tinatanong? Hindi mo ba ako---" I ubruptly stopped from talking. Hindi ko pala pwedeng sabihin kung sino ako dahil baka mamaya, kidnapin ako ng lalakeng to. Baka mamaya, masamang tao ito at manghihingi ng ransom. Baka pagkainteresan nito ang apelyido kong taglay! Malalagot ako kay kuya Lawrence pag nagkataon! Magkagayunman ay nilalagay ko sa panganib ang aking buhay!
"Naglalaro kami ng tagu-taguan." Ang nasabi kong dahilan na hindi na nagawa pang mag-isip ng matinong alibi.
Tumahimik sandali ang paligid at tanging paghinga ko lamang ang aking naririnig hanggang sa humalakhak nang malakas ang lalakeng nasa harap ko.
"Tagu-taguan? Ako ba'y pinagloloko mo? Ano ka, anim na taong gulang? Sweetie, I could tell you're a lady the moment I held your slender waist. I swear I could cup it with just one hand. I imagine you having a perfect body and I am guessing you're tall dahil tumatama ang hininga mo sa leeg ko. And besides, a child doesn't wear a sensual perfume like the one you are wearing now. Kahit ilang metro siguro ang layo ko sa'yo, malalanghap ko ang pabango mo. You must be in your teens." I could swear I could hear the mockery in his voice. He must be laughing at me at the back of his mind. Nababakas ko iyon sa paraan ng kanyang pananalita. Na para bang sinasabi nito na hindi ko ito mapagsisinungalingan.
"Did I say I'm a child? Bakit, bata lang ba ang may karapatang maglaro ng tagu-taguan? Ginagawa namin yun palagi ng mga kabarkada ko pag gusto namin." Depensa ko. Nayayabangan ako sa lalakeng ito. Ang irita ko ay unti-unting nabubuhay.
"And do you think this is the right place to play? The last time I checked, a hotel isn't a playground."
Nanliit ang mata ko at umuusok na ata ang ilong ko sa inis. "Mister-whatever-your-name-is, wala ka ng pakialam dun! Eh ikaw, bakit ka andito? Nagtatago ka rin di ba? May pinagtataguan ka rin siguro di ba? Kung guest ka sa hotel na ito, why are you hiding here of all places?"
"Guest ako ng hotel......" He trailed off. Hanggang sa malutong na humalakhak ito. "Yeah, I'm a guest here. Alam mo, since wala ka naman atang balak lumabas, maano bang umupo muna tayong dalawa? Alam kong nangangawit ka na dyan sa kakatayo."
"Okay lang ako dito. Lalabas na rin naman ako mayamaya." I am sure magsusumbong ang mga nakabantay sa akin kay kuya. At pag nalaman ni kuyang nakatakas ako, makakatikim na naman ako ng sermon.
BINABASA MO ANG
The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)
RomanceChris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang pangarap. Aside from being a corporate lawyer, he is also known for being cold and snob. He hates girls that are rich and famous. Brats and impulsiv...