TWENTY

30.6K 1K 59
                                    

Met


Hindi ako mapakali habang kinakagat-kagat ko ang kuko sa aking hintuturo. "Chris, paano ako lalabas na nakaganito? At paano ako papasok sa lobby ng hotel na ganito lang ang suot ko?" puno ng pag-alala ang nasa tinig ko.

Tapos na kaming kumain at nakapagligpit na rin kami sa aming pinagkainan. Ang problema ko na lamang ngayon ay ang aking suot.  I can't go out in the open wearing a man's shirt and boxers, can I? At paano naman ang sapin ko sa paa gayong VS pumps ang sinuot ko kagabi?

Hinihimas ni Chris ang kanyang baba at taimtim na tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "You look good with my shirt. I don't see any problem with that sweetheart." he smirked.

I rolled my eyes. "I'm serious Chris."

He chuckled lightly at may kung anong hinalungkat sa kanyang plastic na cabinet. Mula doon ay may hinugot itong isang bestida na kulay asul. Inabot nito iyon sa akin. Nanliit agad ang mata ko at humalukipkip. Hindi inalintana ang paninikip ng aking dibdib. "Kanino naman galing yan?" hindi pa man ay mukhang alam ko na agad ang isasagot nito.

He took a sharp breath. Tila hirap itong sagutin ang tanong ko. Hindi ito tumingin sa akin nang magsalita ito. "That's for her. Natapon ko na lahat ng mga gamit na naiwan niya dito sa bahay mula noong pinaayos ko ito. Yan nalang ang natira. Nasama sa mga damitan ko."

What a lame excuse he got there. "Talaga lang ha? Nasama o sinadya mong isama? Bakit hindi mo tinapon nang nakita mong may naiwan pa palang gamit niya dito?"

"Hindi pa niya yan naisuot. That's supposed to be my birthday gift for her." he answered me drily. His face impassive but I could see fear in his brown eyes.

"Oh okay. So bakit mo ipapasuot sa akin ngayon? Regalo mo pala sa kanya yan eh. Now that she has returned, why don't you hand that to her? It's been long over due." Sabi ko at nagtungo sa pandalawahang sofa at naupo doon. Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng TV. Siya naman ay nakamata lamang sa akin. Isang buntong-hininga pa ulit ang pinakawalan nito bago ito lumapit sa akin.

He swiftly pulled and hugged me tightly I couldn't even breathe. He buried his face on my neck. "Nagseselos ka ba?" malambing na tanong nito.

"Ah hindi. Ang saya saya ko nga eh." I said mockingly. What do you expect me to feel, Chris?"

"I'm sorry. Hindi ko intensyong pagselosin ka. Ang tanging naisip ko lang ay kung paano masolusyunan ang problema mo. Kung ayaw mo sa damit na yun, I will throw it, sweetheart. I just couldn't throw it away before because I was trapped with her memories. But things are different now. You've completely changed my life, Veronica. The first time I looked at you, I knew that I have got you under my skin. You physically and emotionally altered me and I have never been like this before, not even with Rosalie." he said huskily while looking at me with eyes full of emotions I couldn't name.

Okay. Maybe I overacted. But I just can't help it. I was jealous, alright. "Isusuot ko ang damit, Chris. Isipin na lang natin na kaya nakatabi pa ang bestida na yan ay dahil sa pagkakataong ito. Maybe, it was meant for me, after all."

Chris held my cheeks and gave me a lingering kiss. "Right. Baka nga para sa'yo talaga ang damit na yan." he smiled.

Kahit mabigat pa rin sa kalooban ko ay pinagwalang bahala ko na lamang. Kinuha ko ang bestida na nakapatong sa itaas ng drawer at nagtuloy na ako sa banyo. I changed my clothes. The dress fitted me. Kahit na medyo may kaiksian ito pero tamang tama lamang ang hapit nito sa aking katawan. Ang tela ay halatang mumurahin at ang pagkakatahi ay hindi gaanong pulido. But then again, the effort he put to buy a dress is enough to make my heart swells with love for him. Kahit ba hindi ito talaga nakalaan sa akin. Still, I appreciated it. I think I will wear this all day.

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon