Chapter 6 (The owner of his heart)

317 7 0
                                    

Chapter 6 (The owner of his heart)

Narration

Mag-isang nagtungo sa MOA si Drake para mag-isip isip. Hanggat maari ay gusto niyang iwasan ang asawa niyang ayun sakanya ay napaka bungangera.

Nag-away na naman kasi silang dalawa kagabi ng dahil sa pagpupuyat ni Drake para lang magcomputer.

Hindi niya din magawang harapin ang anak na si Damon, dahil alam naman niya na magsisinungaling na naman siya sa bata kapag nagtanong ito sakanya.

Noong nakaraang gabi kasi tinanaong siya ng anak niya "pa, mahal mo si mama ko diba?"

Hindi niya alam ang sasabihin niya ng mga oras na yun kaya naman tumango nalang siya. Ang simpleng pagtango niya ay nagbigay liwanag sa muka ng anak. Kaya naman iniiwasan niya na ang mag-ina niya.

 Ayaw niyang madawit sa away nilang mag-asawa ang kanilang anak.

Hindi niya din lubos maisip kung bakit bigla nalang siyang naging malamig sa asawa.

Habang nagmumuni muni siya ay napukaw ng isang pamilyar na babae ang kanyang atensyon.

Sinipat niyang mabuti ang babae bago eto tawagin.

Napaka ngiti naman siya ng malapad ng harapin siya ng dalagang tinawag niya.

Ang dalagang bumihag sa puso niya. Ang dalagang apat na taon niya ng inaasam na makitang muli. Ang dalagang tanging nagmamay-ari ng puso niya.

Si Allyson Grey. Isang dating kamag-aral sa unibersidad. Kaibigan, katropa. Kumare na nga din, dahil ninang ni Damon si Allyson.

Sobrang saya ni Drake ng makitang muli ang dalaga. Tila nawala ang lahat ng inis niya sa katawan ng makita eto.

Hindi niya naman maiwasang matawa sa ginagawang pagtataray sakanya ng dalaga.

Noon pa man ay natutuwa na siya sa pagtataray nito, iniinda niya lang lahat ng pagsusuplada at pagmamaldita ng dalaga. Sa katunayan niyan, mas gusto niyang nagtataray sakanya ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit, tila shabu ang pagtataray ng dalaga sakanya. Npapangiti nalang siya kapag nagtataray eto.

Isa pang bagay na nagpapangiti sakanya ay ang malakas at malulutong na tawa ng dalaga. Minsan nga kapag nag-aaway silang mag-asawa, iniisip niya na lang ang mga malulutong at malakas na tawa ng dalaga para maalis ang inis sa katawan niya. 

Apat na taong ganoon ang ginagawa ni Drake, sa tuwi tuwinang magbabangayan silang mag-asawa aalalahanin niya lang ang tawa ng dalaga at tuluyan ng maalis ang inis at galit niya.

Subalit sa kabila ng kasiyahan niya ng makita muli ang dalaga makalipas ang apat na taon, hindi maalis sakanya ang sakit na alam niya ay nararamdaman din ng dalaga.

Apat na taon na ang nakalipa mula ng mapagpasyahan nilang maghiwalay at magkanya-kanya. 

Tila baliwala naman ang apat na taon na yun upang lubos na kalimutan ang pagmamahal sa dalaga.

Imbes na ibaling niya ang pagmamahal niya sa asawang si Lili, galit lamang ang namumuong pakiramdam niya sa asawa.

Alam niya sa sarili niya na wala siyang karapatanag magalit sa asawa, ginusto nilang dalawa ang nangyari noon. Ngunit ni minsan ay hindi niya ninais na masaktan ng lubos ang babaeng nagmamay-ari ng puso niya. At yun ay si Allyson Grey.

. . . . . 

A.N: sorry po ng bonggang bongga, hindi ko po napansin wala palang DQ sa MOA, nisearch ko wala palang DQ doon, pasensya na po, 

Thanks for reading :))

- - - andreya03 - - -

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon