Chapter 32 (Renz to the rescue)

184 2 0
                                    

Chapter 32 (Renz to the rescue)

Allyson’s POV

Isang linggo, isang linggo ng hindi nagpapakita si Drake sakin, isang linggo na ang nakakalipas simula nung huli ko siyang nakita. Isang linggo na ang nakakalipas simula nung umalis siya ng walang paalam at pasabi.

Sinubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot, sinubukan kong tawagan si Lili pero hindi ko siya maconact. Nagbago na siguro siya ng numero.

Wala kong kaalam-alam sa kung ano man ang nangyari kay Drake sa isang linggong pagkawala niya. Ni hindi ko nga alam kung babalikan niya pa ba ako o hindi na. Ni hindi ko nga alam kung papano pa kami. Ni hindi ko nga alam kung dapat pa ba kong maghintay sa pagbabalik niya.

Gulong gulo ang isip ko, gulong gulo ako. Hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin. Hindi ko na alam kung dapat ko pa bang ipaglaban yung meron kami. Pero ang tanong, ano nga bang meron kami ni Drake?

Lili’s POV

Isang linggo, isang linggo na ang nakakalipas simula nung malaman kong buntis ako. Isang linggo na silmua nung nangyari samin ni Dennise. Isang linggo na din ang nakakalipas simula ng bumaliks si Drake sa bahay.

Kahir papano dapat din pala kong magpasalamt sa Dennise na yun, ng dahil sakanya, eto kasama ko na ulit si Drake. Nang dahil sa ginawa niya, umuwi na ulit sa Drake. Bonus nalang tong dinadala kong bata.

Alam kong walang alam ngayon si Allyson kung anong nangyayarri kay Drake. Inutusan ko kasi ang anak kong si Damon na wag na wag hihiwalay sa tabi ng tatay niya. Minsan naman ako ang gumagawa ng paraan para hindi siya makaalis. Lahat umaayon sa plano ko. Pero syempre naaawa rin naman ako kay Allyson.pero syempre hindi totoo yun. Ako maaawa sakanya? ASA naman siya don.

Gusto kong malaman niya na wala na siyang halaga pa kay Drake,. Gusto kong malaman niya na hinding hindi na siya babalikan pa ni Drake. Gusto kong malaman niya na buntis ako. Gustong gusto kong magdusa siya. kabat=yaran ng isang linggong paglayo niya sakin sa asawa ko.

Kayab naman nung lumabas ang mag-ama ko para maglaro ay agad kong tinawagan si Renz

(sino to?) bungad sakin ni Renz

“Just want to inform you that, he wont going back to her anymore”

(ano na naman to Lili?) iritang tanong ni Renz sakin

“kung ako sayo, sunduin mo na siya don sa bahay nila ni Drake, baka mamatay na siya’t lahat di pa rin siya binabalikan ng asawa ko. Kahit papano naman Renz may puso din ako di katulad niyang EX mo” hindi na siya sumagot sakin at  binagsakan ako, natatawa alang ako sa mga nangyayari. Hindi ko na kinakailangan pang kumilos, kusang babalik din sakin si Drake.

Renz’s POV

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Lili sa ngayon, hindi ko alam kung ano bang plano niya. Pero ang importante ngayon ay si Allyson.

Alam ko na mangyayari to, si Drake babalik at babalik siya kay Lili. At si Allyson, iiwan lang siya ni Drake.

Pagkakuha ko ng tawag ni Lili ay agad akong nagpunta sa bahay na inuupahan ni Allyson at Drake. Naabutan ko namang bukas ang pintuan nun kaya agad akong pumasok. Pero laking gulat ko ng makita ko si Allyson na nakabulagta sa sahig.

“ALLYSON!!!” agad akong lumapit sakanya at tinignan ang kalagayn niya

“Allyson gumising ka” tinapik tapik ko ang pisngi niya, maya-maya lang ay nagmulat siya ng kanyang mga mata

“D-Dra-ke” at muli’y nawalan siya ng malay

Tinignan ko ang pulso niya, okay pa naman siya, siguro’y pagod lamang siya o gutom. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makitang dinudugio siya.

“Sh*t Allyson” gusto kong maluha, gusto kong manapak ng tao. Gusto kong pumatay ng tao.

Hayop ka Drake!! Gago ka!!! Hindi ko kayo mapapatawad ni Lili kapag may nangyaring masama kay Allyson.

Agad kong sinakay si Allyson sa sasakyan ko at dinala sa pinaka malapit na ospital.

“Allyson magiging okay din ang lahat, maghintay ka lang”

3rd person’s POV

Habang masayang naglalaro ang mag-amang Drake at Damon ay wala silang kamalay malay na ang babaeng minsang kinasama ni Drake ngayon ay nasa ospital at nanganganib ang buhay. Wala silang kamalay malay sa bagay na pwedeng magbago ng buhay nilang lahat. Ni Drake, ni Lili at higit sa lahat nni Damon.

Wala silang kamalay malay na nagbunga ang isang linggong kataksilan ni Drake sakanyang pamilya. Wala silang kamalay malay na habang sila’y nagkakasiyahan ay may tao naman silang labis na nasasaktan at pinahihirapan ngayon. Habang lahat ay naayon sa gusto at plano ni Lili, may isang taong dinadalang mag-isa ang kaparusahang dapat ay dalawa silang humaharap.

Sa hindi inaasahang insedenteng ito, ano na nga banag mangyayari sakanilang lahat? Kay Lili at sa batang nasa kanyang sinapupunan? Kay Drake na walang kamalay malay na hindi lang si Lili ang pwepwedeng magsilang ng kanyang sariling dugot laman? Kay Damon na paniguradong madadawit sa pinasukang gulo ng kanyang mga magulan? Kay Renz na paniguradong aakuin ang lahat ng nangyari kay Allyson? At kay Allyson na ngayo’y lumalaban para sakanyang pangalawang buhay at buhay ng batang nasa sinpupunan niya?

A.N: malapit na talaga at matatapos na 'to, last 3 chpapters tas epilouge good bye na sa istoryang ito. Marameng salamat po sa mga nagbabasa!!! LOVE LOVE LOVE :*

THANK FOR READING

- - - andreya03 - - -

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon