Chapter 29 (in her side)

208 3 1
                                    

Chapter 29 (in her side)

Lili’s POV

Year of the horse na pero ang dameng ahas sa paligid, feeling ko year of the snake parin e. Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako kay Allyson, naiinis ako kay Drake, naiinis ako kay Renz, naiinis ako dahil wala na sa lugar ang lahat. Naiinis ako kasi tama si Allyson, oo asawa ako, pero hanggang doon lang yun, pagbaliktarin man ang mundo, siya at siya ang mahal ng asawa kong si Drake at hindi ako.

Buong akala ko sa apat na taon na magkasama kami ni Drake, akala ko nabalik yung pagmamahall niya sakin. Akala ko mahal niya na ulit ako. Akala ko akin na ulit ang puso niya. Pero hanggang akala lang pala ko. Dahil lahat ng akala ko ay mali. Lahat ng akala ko ay kabaligtaran sa katotohanan. Hindi niya parin ako nagawang mahalin muli. Hindi ako ang mahal niya. Hindi ako ang nag mamay-ari ng puso niya. Sobrang saklap man pero yun ang katotohanan.

Hindi ako ang nag mamay-ari ng puso ng asawa ko.

Tinawagan ko kanina si Renz, hindi ko alam kung paano, pero desperada na kong mabalik sakin ang asawa ko. Hindi pwedeng mabaliwala ang apat na taon na pinaghirapan ko. Hindi pwedeng mapunta sa iba ang lalaking mahal na mahal ko. Hindi pwede.

Alam kong mahal na mahal din ni Renz si Allyson, alam ko yun. Ramdam ko yun. At alam kong gusto niya ding makuhang muli ang taong mahal niya. Alam kong makakatulong siya sakin sa pagkuha sa asawa ko. Alam ko at nararamdaman kong gagawin niya ang lahat para mapasakanya si Allyson. Hindi man sing desperada ko, pero alam ko tutulungan niya ko.

Pagkatapos ng eksena namin nib Allyson sa may coffee shop ay dumaan muna ko sa clinic, iba kasi yung pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Parang lagi akong iritable, hindi lang parang sobrang mabilis akong mairita. Sobrang bilis uminit ng ulo ko. Hindi naman ako ganto dati, hindi ko alam kung side effect lang ba to ng pagdating ni Allyson sa buhay namin ni Drake sadyang may sakit ako o ano.

Pumunta ko sa OB ko, hindi ko alam kung bakit sakanya ko pumunta, pero feeling ko kasi siya lang ang tanging makaksagot sa mga katanungan ko. Ayoko namang pumunta sa psychologist nu, baka sabihin nila may sayad na ko sa utak.

“Lili, what took you here?” tanong niya sakin pagkapasok ko sa opisina niya. Mabuti nalang talaga pagdating ko walang tao, ako kagad yung pasyente, kundi baka mairita ko.

Huminga muna kong malalim bago ko umupo sa may harap niya

“Doc, I think I’m stressed” mahinahong sabi ko sabay buntong hininga

“pano mo nasabi?” tanging tanong niya, umayos ako ng upo at humarap sakanya

“lagi akong irita, tapos ang takaw ko pa, tapos a basta naiinis ako” tanging nasabi ko nalang

“kailan ko huling dinatnan?” yung tanong niya ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Teka? Kailan nga ba ko huling nagkaron?”

“hindi ko po alam doc” sagot ko sabay napayuko, ang tanga ko bakit nawala sa isip ko na babae ako’t dapat nagkakaron ako buwan buwan?

“I see, sige just use this” inabutan niya ko ng isang PT, medyo nagtaka naman ako kung bakit niya inabot sakin yun. Pero kahit nag-aalinlangan ako’y kinuha ko yun at dumercho ko sa banyo sa opisina niya.

Halos malaglag ko naman ang puso ko sa resulta ng PT ko. Inabot ko kagad kay Doc ang PT ko, inixamin niya naman ako kahit na kita sa result ng PT na buntis ako.

Oo buntis ako, ngayon may alas na ko para mapabalik si Drake sakin

“see you’re pregnant, hindi mo ba nakita ang signs Lili? Dapat aware ka na mhirap kang magbuntis. Kung hindi ka kagad nagpunta dito at hindi natin naconfirm baka may nangyari ng masama sa baby mo. You need to take a lot of rest. Tama ka you’re stressed. And so much stressed may cause harm sa baby mo. Naalala mo sa first baby mo? You have spotting right? Himala nalang talaga na nakabuo pa kayo ng asawa mo. Sabi ko naman sayo noon, may problema ka sa obaryo mo. But I think God is in your side, He give you another blessing. Congratulations Lili. Please take care of the baby” nakangiting sabi sakin ni Doc habang ginagawa niya ang reseta ko.

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon