Chapter 8 (Past)

282 4 0
                                    

Chapter 8 (Past)

Narration:

June 2009

Unang araw ng pasukan sa kolehiyo ni Allyson, kabado siya ng sobra, eto ang kauna-unahang pagkakataon niyang papasok sa paaralan ng wala sa tabi ang kanyang kuya. Mula ng magsimulang mag-aral si Allyson ay parehas sila ng eskwela ng kuya niya, tanging ngayong kolehiyo lang sila naghiwalay.

Naging maayus naman ang unang araw niya sa kolehiyo, nakilala niya doon sina Nathallie at Monique pati na din ang iba pang babae sa kurso nila. Mangilan ngilan lang sila na babae sa silid na naging dahilan upang makasundo niya agad ang mga babaeng kaklase.

Ikalawang araw ng klase ng ipakilala ni Monique sakanila ni Nath ang grupo nila Drake. 

Drake having Mendez as his surname makes her curious sa pagkatao ng binata. Sa isip niya "baka pinsan ko siya". 

Allyson Mendez Grey, Allyson's whole name. Her mother left them without saying a word or leaving any clues behind to what the reason she leave her family behind. Kaya naman wala siyang kilalang kamag-anak mula sa side ng ina niya. Nagbabakasakali siyang kamag-anak niya si Drake. At kung kamag-anak man niya si Drake marahil ay malalaman niya na ang dahilan ng pag-iwan sakanila ng ina. Sa kamalasan nga lang ayon sa mga kwento ng binata, walang ugnayan ang pamilya nilang dalawa. Napaka common ng apilyidong Mendez, paano niya ba mahahanap ang inang nangiwan sakanila?

Madalas siyang nagpapakwento kay Drake tungkol sa pamilya ng binata. Doon nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Kahit na hindi talaga sila magpinsan o kahit malayong magkamag-anak lang, "pinsan" ang tawag nila sa isa't isa.

Naging malapit sa isa't isa sina Drake at Allyson, naging tampulan sila ng tukso ng grupo. Kesyo bagay sila, at kung anu-ano pa. Ipinagkibit balikat nalamang ng dalawa iyon. Alam kasi nila sa sarili nila wala naman talagang namamagitan sakanila.

Pero wala e, tadhana na ang nagudyok sakanila na mas higit pa sa pagkakaibigan ang ituring sa isa't isa. Parehas nilang inilihim ang nararamdaman para sa isa't isa. Ayaw nilang umamin, ayaw nilang masira ang relasyong meron sila, ang pagkakaibigan nila. At higit sa lahat may nobya si Drake, si Lili, matagal niya na itong nobya, dalawang taon na din. Mahal niya ang nobya niya. Pero hindi siya masaya dito. Mas masaya siya sa piling ni Allyson.

Hindi naglaon nagkaaminan silang dalawa ng mga nararamdaman nila para sa isa't isa, dahilan upang mas higit pa sa pagkakaibigan ang ituring nila sa isa't isa.

Maling mali ang ginagawa nila. Una sa lahat ay may nobya si Drake, lalabas na inagaw ni Allyson si Drake kay Lili. Ano bang proweba ng nakakarame na inagaw niya nga ang binata? Hindi pa naman sila kasal, at hindi niya din inagaw si Drake. Wala siyang inaagaw, kusang lumapit sakanya ang binata.

Hinayaan nalamang ng dalawa ang sabi-sabi ng mga tao sa paligid. Tuloy lang sila sakanilang ginagawa. Higit sa pagkakaibigan ngunit hindi hihigit sa magkasintahan ang relasyon ng dalawa. Napaka gulo, napaka labo. Sabi nga nila Malanding Ugnayan lang meron sa pagitan ng dalawa.

Kaarawan ni Alyson ng bigyan niya ng taning si Drake, pinapapili niya eto kung sino ba ang mas mahal ng binata. Siya ba, o ang kasitahang si Lili?

. . . . . . . 

Thanks forreading :))

- - - andreya03 - - -

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon