Chapter 27 (bastat kasama kita)

189 3 0
                                    

Chapter 27 (bastat kasama kita)

A.N: dindedicate ko pala to sa author na nakaconvo ko nung nakaan :))) author wag mong istressen sarili mo :)))

Narrataion

Marameng nagsasabi na “kahit maghirap tayo basta magkasama tayo okay lang” parang si Allyson at Drake lang. Mahal na mahal nila ang isa’t isa na humantong pa sa pagsasama nila sa kabila ng pagiging pamilyadong tao ni Drake at sa kabila ng lahat ng pagpigil ng mga tao sa paligid nila.Masaya sila dahil magkasama sila, pero hindi maiiwasang malungkot at magsisi sakanilang desisyon.

Isang linggo ang makalipas simula ng magsama sa isang maliit na bahay ang dalawa. Sapat lamang ang lugar para sakanila. Isang linggo na din silang walang trabaho. Isang linggo ng puro ipon lang ang ginagamit nila sa panggastos.

Pano nga ba makakakuha ng trabaho ang isang lalaking walang diploma? Pano nga ba makakakuha ng trabaho ang isang lalaking sa gitna ng pag-aaral ng kolehiyo ay nakabuntis?

Masakit mang isipin, ngunit kahit kailan ay hindi nila matatakasan ang katutuhanan. Ang katutuhanang sa kabila ng pagsasama nila ay ang paghihirap nila para buhayin ang isa’t isa.

Marahil ito na ang “karma” nilang dalawa. Ni Drake na iniwan ang pamilya at sumama sa babaeng iniibig niya. Si Allyson sa pagsama sa lalaking kasal na. Sa pang-aagaw niya kay Drake sa pamilya niya. Karmang maiituring ito para sakanila, sa pag-abanduna sa walang muwang na si Damon.

Hindi mana aminin ng dalawa sa isa’ isa ay nahihirapan sila sa pangyayari sa buhay nila. Ano mang araw ay mauubos na ang perang hawak nila ngayon. Lalo na’t hindi magawang kumuha ni Allyson sa pera bangko sa takot na malaman ng kanyang mga kapatid ang ginawang pagsama sa lalaking may asawa na. Alam niyang hindi magiging maganda ang mangyayari sakaling malaman ng kanyang mga kapatid ang ginawa niyang iyon. Kaya naman minabuti niyang wag galawin ang kanyang pera, upang sa gayo’y hindi matuntun ng mga kapatid.

Samantalang si Drake naman ay walang maiambag para sa pamumuhay nilang dalawa. Ni wala nga itong trabaho at pera. Umaasa lamang ang pamilya niya sa sustentong ibinibigay ng kanyang mga magulang.

Sa kabilang dako naman ay ang asawang iniwan ni Drake, si Lili kasama ang kanilang anak na si Damon. Isang linggo na ang nakakalipas at sa bawat araw na lumilipas ay mas lumalaki ang galit sa puso ni Lili. Apat na taon, hanaggang apat na taon lamang ba talaga ang kaya ni Drake? Apat na taon lang ba ang pwede niyang ibigay sa asawa’t anak? Pano na ang sumpaang binitawan ng sila’y iksal? Lahat ba ay mabababaliwala nalang ng dahil lang sa pagdating ni Allyson sakanilang buhay?

Apat na taon pa lamang si Damon ngunit mulat na siya sa pangyayari sakanyang paligid. Alam niyang may posibilidad na hindi na bumalik ang kanyang ama sakanila ng ina. Ano bang magagawa ng batang apat na taong gulang lamang?

Sa pagsasama sa iisang bubong nila Drake at Allyson ay maramang katanungan na sa ngayo’y mahirap masagot, marameng problemang mas lumaki sa pagsasama ng dalawa.

Lili’s POV

One week, one week na simula ng iwan ako ng magaling kong asawa para sa babae niya. One week pero feeling ko isang taon na ang nakakalipas. Nakakinis, nakakaymot, wala man lang akong nagawa para pigilan sila, wala man lang akong nagawa para mapag-ingatan ko ang aking ego bilang asawang babae. Wala man lang akong nagawa para sa anak ko.

Apat na taon na kaming kasal at nagsasama, pero wala pa pala yun. Ganun niya ba talaga kamahal yung babaeng yun? Pano ko? Pano na si Damon? Pano na ang pamila namin? Ganun nalnag ba? Don na ba talaga siya sa Allyson na yun?

Oo desperada na ko, sobrang desperada kong babae, lahat gagawin ko para mabalik lang si Drake sakin, para lang mabalik siya samin ni Damon, lahat gagawin ko. Lahat para sa anak ko

Allyson’s POV

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Uknown number. Sino naman kayang matinong tao ang tatawag sa kalagitnaan ng gabi?

Kahit na badtrip ako ay sinagot ko parin ito

“hello?”

(let’s meet) si Lili, alam ko one of this days ay cocontakin niya ko. Pero kahit na alam kong tatawagan niya ko ay di ko parin magawang hindi mag-alala at kabahan sa tawag niya. Hindi ko alam kung pano kakausapin ang asawa ng lalaking kinakasama ko

“text me”

(kay) at binaba niya na ang tawag.

Agad naman niyang tinext sakin kung saan at kung kailan kami magkikita. Kailangan kong maghanda. Alam kong lahat ng paraan ay gagawin niya para mabawi si Drake sakin, peo hindi ako papayag. Sakin lng si Drake, ako naman ang mahal niya a at hindi ang Lili na yun. Ano bang panama ng obsession niya sa pagmamahalan namin ng asawa niya? Wala!! Sisiguraduhin kong hindi na siya babalikan pa ni Drake. Sinisigurado ko yun.

thanks for reading :)

- - - andreya03 - - -

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon