Chapter 30 ( confused heart )

209 6 3
                                    

Chapter 30 ( confused heart )

NA: dedicate ko to kay Hannah, hahahahaha!!

Hannah!! akin nalang kasi sir!! wag mo na masyadong pag-isipan pa, hehe :)))

Drake’s POV

Kanina pa tunog ng tunog ang phone ko, si nanay kanina pa siya tawag ng tawag. Naiinis na ko, lagi siyang natawag, pinauuwi niya na ko samin. Kesyo ganyan ganun ganyan. Nakakainis na, ilang beses ko na ding sinabing hindi ako uuwi pero ang kulit kulit niya talaga.

“baka gusto mong sagutin yan? Masakit sa tenga” iritang sabi ni Allyson sakin, hindi ko alam dyan sa babaeng yan, kanina pa mainit ang ulo simula nung pagka-uwi ko. Mainit na ulo niya. Hindi ko alam kung bakit pero nakakairita ang pagiging iritable niya.

Sa inis ko ay sinagot ko nalang ang tawag ni nanay

“nay, sabi ko naman hindi ako uuwi” inis na bungad ko sakanya

(wala akong pake kung mas gusto mong kasama yang kabit mo!!! Kailangan ka ng asawa mo!! Andito kami sa ospital ngayon) sigaw ng tatay ko sakin

“ano na naman? Hindi na naman siya kumain? O nilason niya yung sarili niya? Ano naglaslas ba? Sabihin niyo wala akong pake kahit magpatiwakal siya ng paulit ulit kahit sa harap ko pa” matigas na sigaw ko sa tatay ko, nakita ko namang tumingin si Allyson sakin

(tarantado kang bata ka!!! Hindi kita pinalaki ng ganyang hayop ka!!! Pumunta ka na dito ngayon din!!!) sigaw ng tatay ko, naiinis ako sigaw siya ng siigaw. Mas kinakampihan nila yung babaeng yun. Kailan ba nila matatanggap na hindi ko namahal si Lili at mas masaya ako sa piling ni Allyson?

“wala akong pake pa” walang gang sagot ko sakanya, syempre pinagmumura na naman ako ng magaling kong ama

(pa, si mama) rinig kong sambit ng anak kong si Damon, biglang lumambot ang opuso ko ng mainig ko ang pag-iyak niya. Hindi ko dapat ginaganto ang anak ko

“baby hindi na ko uuwi dyan” mahinahong sabi ko

(pa si mama, yung kapatid ko) tila nabato ko sa kinauupuan ko sa natinig ko, kapatid? Anong pinagsasasabi ni Damon na kapatid?

“kapatid?” yun nalang ang tanging nasabi ko

(gago ka!! Matapos mong buntisin si Lili ano?!! Ha iiwan mo lang??!!! Tarantado kang bata ka!! Bumalik ka dito, kailangan ka ng mag-ina mo) galit na galit na sigaw ng tatay ko, hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi niya

“saan yan” agad naman siyang sumagot. Tumayo ako at nagbihis agad agad, hindi na ko nakapagpaalam pa kay Allyson, lumabas na ko at sumakay ng tricycle. Kailangan ako ng asawa ko ngayon.

Allyson’s POV

“kapatid” rinig kong sabi ni Drake, hindi ko naririnig ang usapan nila. Ayun sa pagkakarinig ko, nasa ospital na naman si Lili, napaka desperado niya talaga kahit kailan talaga. Pero sa itsura ni Drake parang mas malala pa ang nangyari, hindi ko siya makausap, ni hindi nga siya nagpa-alam sakin nung umalis siya. gusto ko siyang sundan, kaso natatakot ako sa pwede kong malaman.

Mangyayari nan naman ba ulit? Iiwan niya na naman ba ko para sa desperadang babaeng yun? Ganun nalang ba palagi ang mangyayari? Na kapag okay na kami, na kapag masaya na kami, na kapag magkasama kami, lagi bang eentra si Lili at siya ang laging pipiliin ni Drake? Lagi nalang bang ganun/

Minsan napapa-isip ako. Mahal ba talaga ko ni Drake o mahal in love lang siya sa idea na mahal niya ko? Hindi kaya nalilito lang siya sa totoong nararamdaman niya? Na si Lili talaga ang mahal niya at hindi ako?

Kasi kung hindi niya mahal si Lili hindi naman siya magiging ganun e. Kung hindi niya mahal si Lili dapat wala na siyang paki dito at hayaan niya nalang to. Gusto ko mang isiping nakokonsensya lang siya, pero di ko kaya, mas sasaktan ko lang ang sarili ko kung pilit kong sasabihin hindi niya mahal ang asawa niya.

Dennise’s POV

Ilang saglit lang matapos tawagan ni papa si kuya Drake ay dumating na si kuya

“pa!!!” sigaw ni Damon, nagulat ako sa bilis ng pangyayari, si kuya nakabagsak sa sahig matapos siyang sunutukin ni papa

“tarantado kang bata ka!!! Hayop ka!! Muntik na kong mawalan ng apo dahil sa kagaguhan mo!!!” sigaw ni papa kay kuya habang pinagsusuntok si kuya, si kuya naman hindi siya lumalaban habang si nanay ay pili nilalayo si papa kay kuya. S Damon wala siyang magawa, iyak lang siya ng iyak habang hinaharang ang sarili niya sa harap ng tatay niya.

Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko magawang ipagtanggol si kuya, samantalang ako naman talaga ang may kasalanan kun g bakit muntik ng mawalan ng apo si papa. Dahil sa kagagahan ko, ng dahil sakin muntik ng mamatay ang anak nila ni kuya.

“hon tama na” pagmamaka-awa ni nanay kay papa, kitang kita ko ang galit sa mata ni papa. Maya-maya pa’y tumigil na sila sa eksena nila. Si kuya Drake ang unang nagsalita

“how’s the baby?” walang imosyong sabi niya, muli siyang sinuntok ni papa

“gago ka, hindi mo man lang ba kakamustahin ang asawa mo ha!!” akmang susuntukin niya ulit si kuya ng pigilan siya ni nanay

“hon, tama na” dinala ni nanay si papa sa kabilang upuan, si kuya naman ay tumabi sakin

“kamusta?” tanong sakin ni kuya. Nakokonsensya ko, hindi ko alam kung pano haharapin ang kuya ko

“kuya sorry” tanging nasabi ko at humagulgol na ko, agad niya naman akong niyakap

“sorry for leaving you sis” hinimas himas niya ang likod ko habang patuloy parin ako sa pag-iyak

Kinwento ko kay kuya Drake ang lahat ng nangyari, akala ko magagalit siya sakin. Pero hindi, dahil buhay daw ang baby nila, yun daw ang mahalag. Lalo kong naguilty sa sinabi ni kuya sakin, kung alam niya lang ang lahat, kung nung una palang sana inalam na namin ang lahat, edi sana walang problema. Edi sana wala kami ngayon dito sa ospital at hinihintay na magising si Lili.

Okay na ang bata, muntik lang malaglag ito, pero buti nalang makapit ang bata. Natatawa ko, bata, yan ang laging sumasalba kay Lili, noon si Damon. Ngayon naman yung dindala niyang baby. Lahat ay naaayon sa gusto niya. Lahat ay naaayon sa plano niya.

Alam kong babalik si kuya Drake samin ngayong alam niyang may baby sila ni Lili. Alam kong iiwan niya for the second time around ang babaeng mahal niya para sa asawa’t anak niya. Naaawa ako sa kuya, kundi dahil sa pagiging desperada ni Lili, edi sana kasama ni kuya si Allyson ngayon, masaya sana sila. Kung sana lang talaga. Pero wala na kong magagawa pa, tadhana na ang nagdidikta, hindi maaaring magsama sina Drake at Allyson. Hindi sila maaraing magsama na dalawa bagaman nagmamahalan sila.

Ilang oras pa ang hinitay namin sa labas bago kami payagan ng doktor na makapasok, stable ni si Lili at gising na din siya. actually okay naman na talaga siya, pinagpahinga lang siya. bawal kasi siyang mastress

“ija ayos ka na ba?” puno ng pag-aalalang tanong ni nanay kay Lili

“Drake” mahinag sabi ni Lili, lumapit naman si kuya kay Lili

“Lili” inabot ni Lili ang muka ni kuya, nakita kong ngumiti siya ng hawakan ni kuya ang kanyang kamay

“magiging daddy ka na ulit” nakangiting sabi niya sa kuya ko, tumango naman si kuya, hinaplos niya ang mukha ni Lili at hinalikan ito sa noo

Sumenyas si papa na lumabas na kami ng silid at hinayaang mag-usap ang mag-asawa.

Naguguluhan ako, bakit ganun si kuya? Akala ko ba hindi niya mahal si Lili? Akala ko ba si Allyson ang mahal niya? Pero bakit ganun? Yung nakita kong care niya kay Lili iba, may spark e. Mahal niya si Lili in denial lang siya.

thanks for reading

- - - andreya03 - - -

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon