Chapter 18 (comfort)

205 4 1
                                    

Chapter 18  (comfort)

Lili’s POV

ANG KAPAL NG MUKA NG BABENG YUN!! Grabeee hahigh bloodin ako sakanya. At tama daw bang hindi niya hintayin ang reply ko sakanya??

Ang kapal ng muka niya para sabihin lahat ng mga sinabi niya sakin kanina. Ang lakas ng loob niyas, bilib na talaga ko sakanya, siya yung kabit pero kung umasta akala mo ako yung kabit samin eee.

Threaten? Yes I am, super, sinong asawa ang hindi matatakot sa ganong klase ng kabit? She’s really something. She really gets into my nerves.

Ginawa ko na lahat makuha lang si Drake, nagpa-awa mode, naghabol, nagpabuntis at nagpakasal na ko’t lahat sakanya, pero ano? Anong napala ko sa mga yun? Eto pinagmamataasan ako ng kabit niya.

I really hate her guts.

“ma, okay ka lang po?” tanong ng anak kong si Damon. Tumango naman ako bilang sagot.

Bakit ko ba nakalimutan ang anak ko? Bakit ako nagpapadala sa inis sa babaeng yun? Ano naman kung mas mahal siya ni Drake kesa sakin? Bakit may laban ba siya sa anak ko? Hindi kami iiwan ni Drake alam ko yun, sobrang mahal niya ang anak namin. Tama, gagamitin ko si Damon para hindi ako iwan ni Drake. Alam ko napaka duwag ko at lagi ko nalang inaasa kay Damon ang lahat, pero tanging si Damon nalang ang pinanghahawakan ko. Hindi ko man na mapanghawakan ang pagmamahal ng sawa ko sakin, atleast yung pagmamahal niya sa anak namin man lang panghahawakan ko.

“baby, I’m not really okay”

“think so”

“bakit baby? Do you know something?”

Kahit na mag-aapat na taong gulang pa lamang ang anak kong si Damon he can speak straight na, ewan ko ba dyan sa batang yan. May pagka henyo ata.

“alam ko lang po, nahihirapn ka na mama” may lungkot na saad ni Damon sakin

Hindi ko alam, pero sa sinabing yun ng anak ko, bigla nalang akong napayakap sakanya at humagulgul.

“shhh, tahan ka na mama, hindi ko hahayaan na masaktan ka pa”

Iyak lang ako ng iyak habang inaalo ako ng anak ko. Muntanga lang, ako ang nanay niya, ako dapat ang nagpapatahan sakanya, eee ano tong nangyayari ngayon? Siyang anak ko ang nagpapatahan sakin. Siyang anak ko ang hinihingan ko ng lakas ng loob. Kung sino pa yung anak yun pang mas nakakapagisip ng tama, sana namana din yun ng magaling niyang tatay. Sana nagiisip din ng tama si Drake.

 . . . . . . . . . . 

Dennis’ POV

Well well well, look what we got here. Ang hipag kong mala anghel ee iyak lang naman ng iyak sa balikat ng kanyang anak.What a scene. Tsk!! Dapat lang sayo yan Lili, kung makapagsabi ka ng bitch sa ibang tao kala mo hindi ka din bitch. You are the mother of bitches Lili.

. . . . . . . . . . 

Narration:

Hindi naman kalayuan ay natanaw ni Drake ang mag-inang magkayakap, alam niyang nag-iiyak sa mga oras na yun ang asawang si Lili.

Gusto niyang lapitan ang asawa, pero may karapatan ba siyang lapitan eto? Alam niya sa sarili niya na siya ang dahilan ng pagbagsak ng mga luha ng asawa.

Napalingon naman siya sa kabilang sulok, nakita niya doon ang kapatid na pinapanood ang eksena ng mag-ina niya. Alam niyang hindi kasundo ng kapatid ang kanyang asawa, at alam na alam niya ang dahilan kung bakit.

Bakit nga ba? Bakit nga ba galit na galit ang kapatid niyang si Dennis sa kanyang asawang si Lili?

Sa kabilang dako naman, hindi parin tuluyang humuhulas ang pagkainis ni Alllyson. Bwisit na bwisit siya sa mga paratang ng asawa ni Drake sakanya.

Hindi niya matanggap na siya ang may mali sa nangyayari. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na tama ang lahat ng sinabi niya kay Lili. Hindi niya inaagaw si Drake, si Drake ang kusang lumapit sakanya. Hindi naman talaga mahal ni Drake ang kanyang asawa, siya lang ata wala ng iba pang mahal si Drake.

Ngunit ano bang mapapala niya sa ginagawa niya? Oo, makakasama niya ang pinaka mamahal niyang si Drake, magiging masaya siya, ang tanong, liligaya nga ba siya ng lubos kung kapalit ng kasiyahan niya ay isang pamilya ang magdudusa?

 . . . . . . . . . . . 

A.N: waaahhh!! comment lang po kayo dito kung anu pong palagay niyo sa story, at sa mga chracters na din po. Wag po kayong mahihiya, basta ipaalam niyo lang po sakin kung anu pong palagay niyo sa mga pangyayari.

Kaloka, anong meron kay Dennis at Lili??

Thanks for reading :))

- - - andreya03 - - - 

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon