Chapter 33 (Japan Japan)

197 3 0
                                    

Chapter 33 (Japan Japan)

Narration:

Isang buwan ang makalipas matapos magbalik si Drake sakanyang pamilya. Isang buwan ang makalipas buhat ng malaman ni Lili na siya’y nagdadalang tao. Isang buwan na ang nakakaraan simula ng makitang nakahandusay ni Renz si Allyson. Isang buwan na ang nakakalipas simula ng malaman ni Renz at Allyson na nagdadalang tao si Allyson.

Walang kaalam alam si Drake na hindi lang iisa ang babaeng ngayo’y nagdadala ng kanyang anak. Walang kaalam alam si Lili na hindi lang siya ang nagdadalang tao sa anak ni Drake. Wala silang kaalam alam na hindi lang iisa ang anak ni Drake ang dapat nilang asahang isisilang .

Pinilit ng mag-asawang Lili at Drake na ibalik ang samahang nawala alang alang sa anak na si Damon at sa dinadala ni Lili. Hindi man kasama ang babaeng mahal ay pinilit ni Drake na maging masaya kapiling ang kanyang sariling pamilya.

Sa kabilang banda naman ay inako ni Renz ang resposibilidad ng pagiging ama sa dinadala ni Allyson.

Renz’s POV

Isang buwan na simula ng akuhin ko ang pagiging ama ng dinadala ni Allyson, nung una akala ko talaga di siya papayag. Pero nung nalaman niyang bumalik na si Drake sa piling ni Lili ay agad din naman siyang pumayag at sinabi pa sakin na huwag na huwag sasabihin kahit kanino man na anak ni Drake ang pinagdadala niya.

Ngayon ay uuwi kami sakanila sa Japan, doon niya balak palakihin ang anak niya, doon kami magsisimulang ni Allyson. Kinausap ko na ang mga magulang ko tungkol sa mga plano namin ni Allyson. Masaya nga sila na ikakasal na daw ako sa wakas.

Oo plano naming magpakasal ni Allyson pagka uwi namin sakanila sa Japan. Aayusin muna namin lahat lahat ng tungkol sa pamilya niya doon bago namin asikasuhin yung samin. Hindi naman ako nagmamadali na ikasal kami, alam ko naman kasi na kahit ikasal kaming dalawa ni Allyson ay ‘di niya parin ako makukuhang mahalin gaya ng pagmamahal niya kay Drake. Basta ang mahalaga sa ngayon ay ang may karamay si Allyson sa pagpapalaki ng dinadala niya at syempre ang lumaki ang bata ng may ama at may apilyido.

“Allyson susunod nalang kami Nath don after a week or two, take care of yourself and yoour baby okay?” paalala ni Monique sakanya

“eto naman ginawa pa kong baby, opo ma’am mag-iingat po ko” natatwang sagot naman ni Allyson sa kaibigan, hindi na napigilan pa nung dalawa at yumakap na sila kay Allyson

“gaga ka talaga ever, basta text, call, chat whatever you want to . .ahh basta contakin mo kaming bruha ka. Ang gaga gaga mo talaga” pangaral naman sakanya ni Monique

“mahal mo naman” pabirong sagot naman sakanya ni Allyson, nagtawanan at nagmurahan pa silang tatlo bago tuluyang bumitaw sa pagkaka-akap nila

“hoy Alvarez!! Alagaan mo tong kaibigan namin ha, loko tatadtadin kita pag may masamang nangyari dito” natawa nalang kaming lahat sa banta ni Nathallie. Nagpa-ala na ulit kami ni Allyson sa dalawa bago tuluyang pumasok sa airport.

Alam ni Monique at Nathallie ang totoong nangyari, pero dahil nga kaibigan nila si Allyson ay hinayaan na nila eto sa desisyon niya, ang mahalga daw magkaron ng tatay ang bata. At syempre natuto na din si Allyson.

“let’s go” aya sakin ni Allyson na agad ko namang tinanguan, naglakad na kami papunta sa may gate

“sigurado ka ba dito Allyson? Hi-“

“ohh shut up Alvarez, will you? Sabi ko naman sayo diba? I’m fine with this set up. This baby in my womb is mine alone, wala siyang kahit na anong karapatan sa batang to” seryosong sabi niya habang hinihimas himas niya yung tiyan niya na hindi pa naman kalakihan

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon