Chapter 19 (together with my EX)

200 4 1
                                    

Chapter 19 (together with my EX)

Allyson’s POV

Kapag ka nga naman siniswerte kang bata ka ooh, nasiraan pa ko ng kotse. Ano ba naman tong sasakyan ni Monique bulok.

Calling Pakelamerang Monique . . . . . . .

[problema mo?]

“ikaw problema ko!!!”

[makasigaw naman tee, ano nga?]

‘lanjo mo, di mo sinabi sira kotse mo!!!”

[ayy kaya ko nga iniwan diba?? Shonga bells lang?]

“waaahhh!! Pano ko uuwi nito?”

[aba!! Malay ko sayo, pakelaman daw ba kasi kotse ko?]

“wow!! Miss pakelamera sayo ko pa talaga narinig yan ha?”

[ayy naku Grey, wala akong panahon makipagtalo sayo, may trabaho ko ohhh]

“pano ko?”

[aba!! Kasalanan mo yan, gawan mo ng paraan yan]

“bhe naman eeeee”

[tsk!!! Asan ka ba?]

At ayun, nisabi ko sakanya kung nasaan ako, well, andito lang naman ako sa SLEX, uuwi kasi ko sa bahay ng lola ko, miss ko na siya. Eeee malay ko ba namang sira pala tong kinuha kong kotse kay Monique.

May dumating naman na mga tao galing mates, nikuha nila yung kotse, pero hindi ako sumama kasi uuwi nga kong Laguna. Kaya pinapick up ko nalang yung bulok na sasakyan ni Monique sakanila. Bahala na si Monique kumuha nun kung balak niya pang kunin yung bulok na kotse niya na yun.

Inihatid naman nila ko sa pinaka malapit na gasoline station at doon ko hinintay yung susundo sakin.

Sa totoo lang wala kong ideya kung may susundo man sakin, pero sa pakiramdam ko naman may susundo sakin, kasi nga nitanung ni Monique kung nasaan ako, sigurado ko susunduin ako nun.

Umupo muna ko sa may labas ng coffee shop pagkatapos kong umorder ng makakain at maiinom.

Makalipas ang halos isang oras, ayun may humintong kotse sa harap ko. Kampaii!! Makakauwi na ko.

O_______O

 Am I dreaming or what??!?!!

“yow!! Kung itatanong mo kung anung ginagawa ko dito, obviously andito ko para ihatid ka sa pupuntahan mo, at obviously tinawagan ako ni Monique to pick you up”

“. . . . . . . . . .”

Hindi na ko nagsalita pa, ano bang sasabihin ko? Dumerecho na kami sa sasakyan niya.

Maya-maya lang ay umalis na kami sa gasoline station, at bumyahe na papuntang Laguna.

Narration:

Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa sasakyan ni Renz. Tahimik lang silang dalawa ni Allyson buong byahe. Walang ni isa sakanila ang ninanais magsalita.

Paano mo nga ba pakikitunguhan ang babaeng gumamit sayo? Ang babaeng sa kabila ng pagmamahal na ibinigay at ipinakita mo ay pawang panloloko lamang ang isinukli sa’yo?

Paano mo pakikitunguhan ang lalaking nagmahal sayo ng lubos ngunit niloko mo lamang? Ang lalaking handang gawin ang lahat para sayo ngunit binaliwala mo lamang?

Hindi malaman ni Allyson kung pano niya kakausapin si Renz, oo, kahit papano ay naging okay ang muling pagkikita nila noon sa Market. Pero ang makasama siya ngayon ay ibang usapan na para sakanya. Baliktarin man natin ang mundo, alam niya sa sarili niya na malaki ang pagkakamaling ginawa niya noon kay Renz. Kahit papano naman ay nahihiya siya dito.

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon