Chapter 22 (Away mag-asawa)

220 4 1
                                    

Chapter 22  (Away mag-asawa)

Narration:

Napalitan ng inis ang tuwa’ saya na nararamdaman ni Lili. Inis na inis siya sa babaeng yun, ang babaeng dahilan ng pagkawala ng atensyon ng asawa sakanya. Dumagdag pa sa inis niya ang mga nabasa niyang usapan ng dalawa sa facebook.

Kaarawan ng anak niya iyon, at ano? Magpupunta doon ang babaeng yun? Napapasapo na lamang siya sa kanyang noo at tila baliw na ginugulo ang sariling buhok sa tuwing maaalala niya na magkikita sila ng babaeng yun.

Alam niyang wala siyang karapatang [igilan ang asawa kung sino man ang nais imbitahin nito sa kaarawan ng anak, lalo na’t ninang ng kanilang anak ang babaeng yun. Tanging kinaiinis niya ay ang mga ngiting pagkalawak lawak sa labi ng asawa ng malaman nitong darating ang babaeng yun.

Sa kabilang dako naman ay ang magkaibigang sina Nathallie, Xysi at Monique na nag-iisip ng paraan upang walang mangyaring gulo sa kaarawan ng inaanak nila. Alam nila na kapag nagsimula ang isa man lang knia Allyson at Lili ay siguradong gulo ito. Sa ilang taong pagkakakilala nila sa kaibigang si Allyson, alam nila na hindi ito kagad kagad sumusuko, alam nila na lalaban at lalaban ito, alam nila na papatulan nito ang kahit sinong mangahas na labanan siya ay talagang papatulan niya.

Xysi’s POV

“ikaw naman kasi Xysi, bakit pinilit mo pa si Ally na sumama doon sa bday ni Damon?” singhal ni Monique sakin.

Actually, kanina pa nila ko pinapagalitan ni Nath, ako daw may kasalanan kaya sasama si Ally sa bday ng anak ni Drake.

“paulit ulit lang te? Unli? Kanina niyo pa ko sinisisi eee, kasalanan ko ba yun?”

“OO!!” sabay na sigaw nilang dalawa sakin. Ay naku!! Sila na kambal ang utak.

“sorry naman ha” sarcastic na sagot sakanila

“pano na yan ngayon? Paniguradong gulo to, hindi pedeng magkita si Ally at Lili” sabay kagat ni Nath sa donut niya matapos niyang magsalita.

Nga pala I’m Xysi Lee, isa sa mga kaibigan ni Allyson, at eto kasama ko tong mga bruhang sina Nath at Nique para mapigilan namin ang pagpunta ni Ally sa bday ni Damon.

“kala ko ba may naisip na kayong paraan para hindi na magkita ulit yung dalawa?” tanong ko sakanila sabay inom sa kape ko

“e gaga ka e!!okay na e, close na ulit sila ni Renz e, tas anu? Umepal ka pa!!!” sigaw ni Nique sakin

“oo na oo na, kasalanan ko na, edi ipasama niyo si Renz sa bday ni Damon”

“ayy gaga ka te!! Edi yung gulo naging gera na? Hello?!!?? Damon + Renz +Allyson +Lili = Gera!! AS IN GERA teee!!” singhal na naman ni Nique sakin

“alam mo Nique, nagsama lang kayo sa iisang tirahan ni Ally ng ilang buwan, parehas ka na niya na makasinghal wagas” sabi ko naman

“kaya nga” sang ayon naman ni Nath

“whatever!! Pero pano na? Edi no choice na talaga? Magkikita at magkikita na talaga yung dalawang yun”

“wala na tayong magagawa dyan te, hilingin mo nalang na makapagtimpi pa ang mga yun ng sa gayon walang gulong mangyari” sabay tango namin ni Nique sa sinabi ni Nath

Wala na namam kaming magagawa ee, magkikita at magkikita talga sila, hayaan na nga.

. . . . . . . . . . . . . . 

Dennis’ POV

“kuya” *poke

“kuyaaaaa” *poke ulit

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon