Chapter 7 (their feelings)

290 4 0
                                    

Chapter 7 (their feelings)

Allyson's POV

FB FB din pag may time. 

1 month na ang nakalipas ng magkita kami ni Drake sa MOA. Chinat niya ko days after that incident. Okay na kami, matitiis ko bang kagalit siya? And in the fist place ako ata ang may kasalanan, I reminded him of our past.

Phillis Jake Flores: hi Pres, pareunion ka naman :)

Allyson Grey: gulay ka Phill kakagrad lang natin last year reunion agad agad??

Phillis Jake Flores: para masaya :)

Allyson Grey: sabihin mo lang kung namiss mo na siya hindi yung ganyan papaReunion ka pang nalalaman dyan

Phillis Jake Flores: ba naman pres, issue ka, dali na reunion tayo

Allyson Grey: tinatamad ako, wag kang magulo

Phillis Jake Flores: kelan ka ba sinipag?

Allyson Grey: never, kaya never akong sisipagin asikasuhin yang reunion na yan

Phillis Jake Flores: grabee ka naman pres, hindi mo ba kami namiss?

Allyson Grey: bakit ko naman kayo mamiss aber?

Phillis Jake Flores: KJ ka talaga pres, basta pareunion ka ha

Allyson Grey: after 5 years dude, wag kang excited much

Phillis Jake Flores: ok

[A.N: Phillis Jake Flores character ko po sa Hearts in Contract :)) promote promote din pag may time]

Drake Mendez: psssst

Allyson Grey: poblema mo?

Drake Mendez; sunget

Allyson Grey: buti alam mo

Drake Mendez: paGift sa *** (insert name ng laro sa FB dito)

Allyson Grey: siyah, magrequest ka

Ganto kami palagi ni Drake simula ng magka-ayus kami. Magkachat kami tuwing madaling araw. Nag-aaway na nga sila minsan ni Lili dahil sa kakapuyat niya. 

Natatawa nalang ako kapag naaalala ko ang set up naming tatlo. Alam ko mali ang makipagusap pa sakanya. Pero wala naman kaming ginagawang masama diba? Naguusap lang kami bilang magkaibigan. No more no less.

Narration:

Hindi na maitago pa ni Lili ang nararamdamang selos, at galit sa babaeng binibigyang atensyon ngayon ng asawa. Alam niya lahat  ng namagitan sa babaeng iyon at sa kanyang asawa. Ngunit pinanatili niya ang sarili na tikom ang bibig.

Marame mang tao ang magsabing desperada na siya, ay wala siyaang pakelam. Mahal niya si Drake, hindi niya kayang mawala eto sakanya. Minabuti niyang magpabunttis dito upang matali na ito sa kanya habang buhay.

Bakit ba siya matatakot sa biglang pagsulpot ng babaeng yun? Siya parin ang asawa ni Drake, kasal sila, may anak sila na dahilan ng pagsasama nila. Hindi siya magagawang iwan ng asawa. Yan ang nasa isip niya sa tuwing makikita ang asawa na masayuang nakikipagusap sa babaeng sumira ng relasyon nilang mag-asawa.

Sa kabilang dako naman ay ang hindi magkamayaw na si Drake. Hindi niya alam kung anung nararamdaman niya sa ngayon, Ang tanging alam niya lang ay masaya siya sa tuwing magkausp sila ng dalagang si Allyson.

Iba ang sayang naibibigay sakanya ng paguusap nila ni Allyson. Hindi niya 'to naramdaman sa tuwing naguusap silang mag-asawa. Kahit pa hindi sila nagkikita ng dalaga ay sobrang saya niya parin na tila ba sasabog ang puso niya sa saya.

Pano nga ba sila nauwi sa gantong sitwasyo ni Lili? Ang kasintahan niya ng halos dalawang taon bago siya pumasok sa unibersidad at makilala doon si Allyson. Pano nga bang nawala ng parang bula ang pagmamahal niya sa asawa? Hindi niya lubos maisip kung paano nga ba sila humantong sa ganoong sitwasyon.

Tanging alam niya lang sa ngayon ay mahal niya si Allyson, mahal niya eto ng higit pa sa pagmamahal na nararamdaman niya asawa, higit pa sa pagmamahal niya noon sa asawa. Tanging si Allyson lamang ang babaeng minahal niya ng lubos.

Sa kabilang banda naman ay ang kilig na kilig na si Allyson. Hindi niya mawari kung bakit sa kabila ng apat na taon na walang komunikasyon kay Drake ay ganto parin ang nararamdaman niya sa tuwing kausap ito. Para siyang teenager na nkikipagligawan sa kilig na nararamdaman niya. 

Bakit nga ba ganto nalang ang reaksyon ng katawan niya sa tuwing maguusap sila ni Drake? Napaka liit na bagay ang paguusap nila sa pamamagitan ng chat kung tutuusin, pero sobrang kilig ang nadarama niya sa tuwi tuwina. Napak liit na bagay lamang ngunit ibang saya ang naidudulot sakanya.

Marahil ay mahal niya parin 'to. Sa kabila ng mga nangyari noon, si Drake lang ang natatanging lalaking iniibig niya.

Galit, Selos, Pagkamuhi, Inggit at higit sa lahat Pighati yan ang nararamdaman ngayon ni Lili.

Tuwa, at hind maubos na kilig at pagkasabik ang nararamdaman ngfayon ng dalagang si Allyson ganun din si Drake. Wala na silang pake sa iniisip pa ng iba, ang tanging mahalaga lamang para sakanila ay manatili ang komunikasyon nila sa isa't isa.

. . . . . . . . .

Thanks for reading :))

- - - andreya03 - - -

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon