Chapter 34 ( son and daughter)

223 2 0
                                    

Chapter 34 ( son and daughter)

~ ~ Months After ~ ~

Drake’s POV

“Congratulations” bati samin ng mga nurse at doctor ng maayos na mailabas ni Lili ang second baby namin

Binuhat ko ang baby namin “ano ng ipapangalan natin sakanya Lili?” nakangiting sabi ko habang hawak hawaka ng maigi ang anak namin ni Lili

“ikaw, may naisip ka na ba?” pagbabalik niya sakin ng tanong. Ano bang magandang pangalan? Dapat yung astig at kakaiba

“kuya don’t you dare give him a weird name” malditang singit ni Dennise, inignan ko naman siya ng nakakaloko bago ngumiti

“don’t give me that look kuya, ikaw naman ate ikaw nalang magbiay ng pangalan sa bata, please lang ayoko magkaron ng pamangkin na weirdo ang pangalan” sa ilang buwan na nakalipas ay naging okay na ang pakikitungo ni Dennise sa asawa ko. masaya ko at unti-unti ng bumabalik sa ayos ang pamilyang muntik ko ng sirain.

Pero syempre minsan di maalis sa isip si Allyson, minsan ko na ding sinubukang tawagan siya pero iba na yung number niya. Nung kinausap ko naman sina Monique ang sabi nila kahit sila ay walang balita sa best friend nila. Hindi ko an din makita sa kahit anong social site yung accounts nila ni Renz.

Siguro tama na din na hindi na kami magkita pa at magkaroon ng komunikasyon pa. Mas okay na to. Pero gusto kong humingi ng tawad sakanya sa ginawa kong pag-iwan sakanya sa ere. At sa pagdamay ko sakanya sa problema ko sa pamilya.

“Dwayne” napatingin naman kami ni Dennise kay Lili

“Dwayne will be his name” nakangiting sabi niya, inabot ko naman sakanya si baby Dwayne

Nanatili akog bantay ni Lili hanggan sa pwede na silang lumabas ni baby Dwayne ng ospital. Wala na kong hihilingin pa, masaya na ulit ang pamilya ko.

Renz’s POV

“kuya ano pong nangyari?” agad kong tanong kay kuya Paolo ni Allyson, bigla kasi nilang sinugod sa ospital si Allyson, manganganak na daw siya, e wala pang 9 month yung baby tas manganganak na kagad?

Mula sa trabaho ko ay agad akong tumakbo papunta dito sa ospital na pinagdalhan nila kay Allyson, buti na nga lang at sobrang lapit lang nung pinagtatrabahuhan ko dito.

Maya-maya pa ay lumabas na yung doctor ni Allyson

Nag-usap muna sa salitang Hapon yung doktor at si kuya Paolo, sa totoo lang wala akong maintindihan, kahit matagal na ko dito sa Japan hindi ko parin ganun kagamay yung salita nila. Nahihirapan parin ako, lalo na kung mabilis sila mag-usap. Maya-maya lang ay lumapit na sakin si kuya Paolo

“pre mature daw ang bata, pero okay naman na daw” sa haba ng sinabi niya yan lang ang nagets ko, ano ba namang malay ko sa medicne na yan at lalo na sa pagbubuntis at kung anu pa?

“pasok ka na sa kwarto niya, mamaya lang magigising na siya, aayusin ko lang lahat ng papeles” tumango ako bilang sagot, tinapik niya ko sa balikat bago umalis. Agad naman akong pumasok sa kwarto at nakita kong natutulog siya na mahimbing. Wala ako nung oras na ipinanganak niya ang anak niya. Hindi pa aman kasi niya kabwanan, pre-mature nga daw kasi ang baby.

Lumapit ako sa kama niya at umupo sa may gilid nito. Hinawi ko ang buhok niyang nakaharang sakanyang mukha. It’s been months and we haven’t heard anything about Drake and Lili. Napagdesisyunan namin noon ni Allyson na ideactivate ang lahat ng social networking accts namin. Nagpalit na din kami ng mga cellphone numbers namin. Aminado ko na natatakot parin ako na bumalik siya kay Drake at sabihin niya doon ang tungkol sa anak nila. Hindi malabong mangyari yun lalo na’t she’s very impulsive. She does what she wants too ng hindi nagdadalawang isip.

Pinagmasdan ko siyang matulog habang hinihimas himas ang kanyang buhok. She cut her hair weeks after naming makarating dito. She always make sure her hair was long, pero nung araw na nagdesisyon siyang kalimutan si Drake she cut it. Sabi nga sakin ni Monique, “girls cut their hair when they are broken hearted, buhok ang pinagtitripan naming mga babae. Wag ka ng magtaka kapag nagpakalbo yang si Allyson”. Yan ang sinabi niya sakin nung araw bago kami umalis ng Pilipinas, at tama nga siya, nagpagupit si Allyson. From straight black hair, e nagpagupit siya ng hanggang sa may kili-kili niya tas pinalagyan niya ng bangs, pinakulot at pinakulayan. Sabi niya noon na never niyang ipapaayos ang buhok niyang natural ang ganda, pagkabagsak at pagkaitim.

Maya-maya lang ay nagising na siya, ngumiti ako na sinuklian niya din ng ngiti. Matik na napahaw siya sa tiyan niya habang inaayos niya ang pagkaka-upo niya

“congratulations Allyson, you just gave birth” nakangiting bati ko sakanya

“I want to see my baby” sagot niya sakin, tumwag ako ng nurse para alalayan si Allyson sa pagpunta sa may nursery.

Nakita namin ang baby ni Allyson, nasa loob ng incubator ang baby niya. Pinayagan naman siyang lapitan ang baby niya at pinahawakan ito sa pamamagitan ng maliit na butas doon, nakita ko ang saya sa mukha niya habang hinihimas ang napaka liit na daliri ng kanyang anak

“Princess Aisha Alvarez” napatingin ako ng banggitin niya ang apilyido ko karugtong ng pangalan niya sa baby niya

“asawa mo naman na ko diba? Okay lang na gamitin ng baby ko ang apilyido mo?” nakangiting tanong niya sakin na hindi parin nabitaw sa kamay ng anak, tumango naman ako bilang sagot.

Dahil hindi kami pwedeng magtagal sa loob ay pinalabas na kami ng nurse, bago lumabas ay hinalikan niya muna sa kamay ang anak niya.

Pincess Aisha Alvarez” ang sarap pakinggan, hindi ko man anak si Aisha, I’ll love her and protect her as my own.

A week after ay pinayan na din ng ospital na makalabs si Allyson at ang baby niya, buti na nga lang at walang komplikasyon sa bata kaya naman agad namin siyang nailabas. Dahil nga kasal na kami ni Allyson ay nakabukod na kami sa mga kuya’t kapatid niya.

Kinasal kami ni Allyson sa isang simbahan dito a month after ng pagdating namin dito sa Japan. Iilang malalapit na kaibigan at kamag-anak lamang namin ni Allyson ang dumating nung kasal namin. The sad thing is, hindi pa din namin nakikita ang mama niya. Hindi nga namin alam kung buhay pa ba ito o ano.

Ang sabi naman sakin ng kuya Paolo niya ay hindi nalang nila hahanapin ang inang nagtatago. Kaya nga nagtatago e, kasi ayaw magpahanap. Kusa naman daw yung lalpit sakanila kung kinakailoangan.

Ngayon dito sa Japan, kasama ang mag-inang Allyson at Aisha ay maninirahan kami at gagawing isang masayang pamilya ang pamilyang ito

A.N: Chapter 35 tas Epilogue at matatapos na ang kwentong ito. Alam kong marameng nagalit at nabwisit sa mga characters ko, at talaga namang nagpapasalamat ako dahil kahit ganu yung nararamdaman niyo para sa mga characters ko, I feel loved kapag may nakikita kong nagcocomment nagbabasa at ngpiPM sakin, salamat ng madame. pasensya na at naiinis kayo sakanila :)))

Thanks for Reading

- - - andreya03 - - - 

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon