Chapter 20 (3P's: Plans. . . Preparation. . . Prevention)

209 4 0
                                    

Chapter 20 (3P’s: Plans. . .  Preparation. . . Prevention)

Narration:

Abalang abala ang magasawang Lili at Drake sa pagaasikaso para sa darating na kaarawan ni Damon. Hiniling kasi ng batang si Damon na magkaroon siya ng munting selebrasyon para sa kanyang nalalapit na kaarawan, syempre lahat ng yun ay plano ng ina niyang si Lili.

Wala namang magawa si Drake kundi ang pumayag nalamang sa gusto ng anak. Bihira din naman siya makarinig ng isang kahilingan mula sa anak, hindi kasi pala hingi ng kung anu-ano si Damon, okay na sakanya basta masaya sila.

Dahil nga abala silang mag-asawa sa pagaayus ng kaarawan ng anak, napapangiti nalang ng malapad si Lili. Sa buong preparasyon kasi nila ay hindi na niya nakita ang asawa na nakikipag-usap pa kay Allyson. Sa totoo lang simula ng magkasagutan sila ni Allyson ay hindi na niya nakitang nag-usap pa ang dalawa.

Sa kabilang dako naman ay ang kapatid ni Drake na si Dennis, hindi maipinta ang muka ng dalaga. Naiinis siya sa tuwing nakikitang masaya ang kanyang hipag. Ayaw na ayaw niyang nakikitang masaya ito, lalo na kong dahil lang sa pagkakaroon ng oras ng kanyang kuya dito.

Samantalang ang kanilang inang si Esperanza naman ay natutuwa sa nakikita niya. Nagtutulungan ang mag-asawa sa lahat ng bagay ukol sa kaarawan ng anak nilang si Damon. Nabibigyan na ng oras ni Drake ang asawang si Lili. Kahit papano pala ay may magandang naidulot sakanilang pamiya ang gastusing ito ukol sa kaarawan ng batang si Damon.

Ganun din naman si Damon, masaya siyang nakikitang nakangiti ang inang si Lili. Masaya siya na sinunod ng kanyang ama ang hiling na magkaroon ng isang handaan para sa kanyang kaarawan.  Masaya siyang nakikitang nagtutulungan ang mga magulang niya. Sana, sana lang naman, sana ay pangmatagalan na ang kasiyahang dinadanas ng kanilang pamilya sa ngayon.

. . .  . . . . . . . . . .  

Dennis’ POV

AHHHHH!! Bwisit na yan!! Panigurado ako kinausap ni Lili si Damon para doon sa lecheng party na yun. Napaka duwag mo talaga Lili!! Sa pangalawang pagkakataon ginamit mo na naman ang walang muwang mong anak para sa mga plano mo.

Sige, magpakasaya ka ngayon, dahil oras na kumilos ako paniguradong hindi mo na makukuhang ngumiti pa.Sisiguraduhin kong hindi ka na makakangiti pang babae ka.

Humanda ka Lili, dahil hindi ako papayag na maging maligaya ka.

. . . . . . . . . . . . . . 

Monique’s POV

Ho ho ho ho!! Ang galing ko talaga ever. Buti nalang may pagka shona at pagka pakelamera ng konti ang babaeng yun, edi ano? Magkasama sila ngayon ni Renz. Ho ho ho!!

“hoy baliw ka, ngingiti ngiti ka mag-isa dyan”

“ohhh shut up Nath, you know why I’m like this” sabay ngiti ng malapad

Yeah, I’m here with Nathallie, we’re gonna make some plan para naman magkalayo na ng tuluyan si Drake at Allyson, tas mapunta na siya kay Renz. Actually I really don’t like Renz’ attitude at first when we’re still in college, but when i was able to know him much nung mag break na sila ni Allyson, I seen him change kahit papano. And I’m so greatful dahil may isang taong handang tumanggap kay Allyson sa kabila ng kagagahan niya. Though Drake still accepts Allyson, Renz was the one who really understand and accepts her. Syempre ikaw ba papatol ka sa babaeng pilit kumakabit? Diba hindi? Pero si Renz, ayun, sumang-ayun siya sa plano namin na paghiwalayin si Drake at Allyson.

Though wala naman talagang nagaganap na something between Drake and Allyson, still ayaw namin na matuloy pa kung anu mang meron sakanila nu. Prevention is better than cure.

Mas maganda ng maprevent ang affair nila kesa naman magkaroon kami ng kaibigang kabit nu, hindi pede yun.

“hoy Monique!! Ano ng plano mo?” tanong ni Nathallie sabay inom ng tea niya.

“ewan pa, wala kong plano sa totoo lang”

“ayy gaga ka, pano mo nasabing we’re gonna make plans if you still don’t know the plan yet?”

“kaya nga gonna make diba? Kasi gagawa tayo ngayon, as in right now”

“ay ewan ko sayo, anyways ano bang naiisip mong plano ha?”

“honestly, wala talaga”

“ay potek na yan”

Yeah, i don’t have plans, ang lakas ng loob kong sabbihing we must make plans pero wlang pumapasok sa utak ko. Ever since kasi tamad kami ni Nath gamitin ang utak namin kagaya lang ni Ally, hahahahaha!!

“so pano na? Pano natin mapaghihiwalay sila Ally at Drake kung ganyang wala ka palang maisip na plano?”

“ee ikaw ba?”

“tanging naiisip ko lang, hayaan natin si Renz na gumawa ng paraan” sabay kagat niya sa donut niya.

“hmmm... mukang tama ka dyan bhe, hayaan natin sila, malay mo maki sang-ayun si pareng tadhana diba?”

‘yeah, kaya wag na natin gamitin pa ang ating utak para mag-isip”

Told yah so, tamad talaga kami gumamit ng utak. So goodluck naman ng bongga sa gonna make plan namin na ito ni Nath.

“anyways tee,I recieved an invitation from Drake para sa bday ni Damon, our we gonna come ba?”

“ayy poteks na yan, dame ko ng utang don sa bata, siyah tayo ay magpunta”

Nga pala kaming tatlo, ako, Nath at Ally ay mga ninang ni Damon. At matagal na kaming hindi nagpapakita sa bata, kahit nga nung binyag eee, si Xysi lang ang umatend samin. Kaya nga mukang no choice kami, we need to be there.

. . . . . . . . . 

A.N: ayun sinipag magUD, LOLS :))

Thanks for reading :))

- - - andreya03 - - - 

I Own His Heart *end*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon