Panimula

388 24 0
                                    

Ballpen






Nagdadrive ako ngayon kasama ang bestfriend kong si Nadine.





Ako lang nag-iisang anak nina Mom at Dad kaya siya ang nagsilbing kapatid sa akin. Naging business partners ang mga magulang namin kaya mas naging malapit kami sa isat-isa.




Patungo kami ngayon sa mall para bumili ng gamit para sa papalapit na pasukan.





"Buti naman at pinayagan ka nina tito at tita na gamitin natin tong kotse mo" sabi niya habang nakatingin sa kalsada.





"Palagi naman silang busy sa opisina,at palaging nag aatend ng mga meeting" sabi ko at agad siyang bumaling sa akin




"Chloe... don't tell me na itinakas mo na naman tong sasakyan mo.. last time muntik ka nang hulihin ng pulis"




"Huwag ka ngang OA..FYI nagpaalam ako na pupunta tayo sa mall kaya kakaylanganin natin tong kotse ko, at huwag mo ngang husgahan yung driving skills ko"






"Anong driving skills yang pinagsasabi mo? Ang dapat tawag don drive, walang yung skills" at sabay kaming tumawa




Malapit na kami sa mall nang bigla siyang tumili




"OMG!!! Malapit na ang pasukan..excited na ako!!"





"I know right. Sa tono palang ng boses mo alam na alam ko na... excited ka lang naman dahil makikita mo na naman yung payatot mong boyfriend" sabi ko sabay sulyap sa kanya





"Grabe kung makapanlait to. Macho kaya si Mark, palibhasa wala ka kasing boyfriend" sabi niya at saka siya humalukipkip





"If I know. Sila lang yung nagbibigay sayo ng stress at sila pa ang dahilan kung bakit mababa ang grades"





"Anong mababa,eh mas tataas pa ang grades ko kasi siya yung inspiration ko" pagmamayabang pa nito




"Ah basta, wala munang boyfriend boyfriend"




"Balang araw magkakaroon ka rin ng boyfriend" sabi ni Nadine at nagtaas ng isang kilay





Agad akong bumaba sa kotse nang matapos ko itong ipark. Sumunod na rin si Nadine na panay parin ang salita tungkol sa boyfriend.. sige push mo yan.





Pumunta muna kami sa Mcdo at umorder ako ng fries. Mukhang nagutom si Nadine dahil sa rami ng inorder niya. Sino ba naman kasi ang hindi magugutom kung daldal lang ng daldal ang inatupag sa buong biyahe... haayyy







Pagkatapos naming kumain naglibot libot kami at tumitigil kapag may natitipuhang gamit. Maramirami na rin ang nabilili namin pero napansin kong ginagaya niya lahat ng binibili ko kaya wag na kayong magtaka kung parehas kami ng bag at iba pa.







"Anong ginagawa mo? Ginagaya mo ba ako?" sabi ko at pinagtaasan ko siya ng kilay





"Tinatamad kasi akong pumili, kaya kung ano ang bilhin mo yun na lang din ang bibilhin ko. May tiwala naman ako sa taste mo, best friends tayo.. kaya dapat pareho" sabi niya at tumango na lang ako dahil nakontento na ako sa sagot niya. Sa rami ba naman ng dahilan niya






Nasa pilahan na kami nang bigla kong naalala na wala pa pala akong ballpen. Nakakuha na si Nadine ng sa kanya, yun yung pilot pero hindi ko mahanap yung faber. Nagaganahan pa naman akong magsulat pag yun ang ginagamit ko. Napansin kong medyo mahaba haba pa yung pilang nasa harapan namin kaya napagdesisyonan kong hanapin muna yung ballpen.





"Uh.. Nadine may nakalimutan akong bilhin kukunin ko muna saglit"



"Hay naku Chloe kilala kita, umaabot ng isang oras yang saglit mo" tumawa na lang ako dahil sinabi niya at umalis nang patakbo.







Nang narating ako sa parte kung saan naroroon yung mga ibat-ibang klase ng balpen ay nahagip ng mata ko yung faber na kanina ko pa hinahanap...




tumigil ako sa pagtakbo kaya lang na out balance ako.





Laking pasasalamat ko nang may nasandalan akong lalaki na sa aking palagay ay kasing edad ko rin, na may hawak hawak na coke float kaya bahagyang nabuhusan yung polo niya..





Medyo nabasa rin ako pero hindi ganon kagrabe tulad niya..





Agad dumalo sa kanya yung kasama niyang lalaki...Naka uniform ito at nakashades.. body guard niya ata.








Buti na lang at wala masyadong tao kaya walang nakakita na muntik na akong madapa...








Pero lagot ako ngayon sa lalaking to..
May pa float float pa kasing nalalaman...haaisst..







DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon