Kabanata 9

103 17 2
                                    

Polo






"Ang ganda mo talaga Chloe" ani Nadine sa paglabas ko sa fitting room. Nambobola pa.




"Seriously... anong nakain mo?" nagtataka kong tanong.






Ngayon lang siya nagyayang magshopping, at ang alam kong ayaw na ayaw niya pag nagyayaya ako, nababagot pumili e, kaya ginagaya ako.






Pero ngayon siya pa yung nagalit, tumanggi kasi ako kanina.. Nakadrugs ba siya?





"Ganyan dapat yung sinusuot mo" aniya at tinuro yung damit na sinukat ko.





Naka crop top saka colored pants ako with matching doll shoes. Siya yung pumili nito, nakadrugs ata talaga siya. Kanina pa niya ako pinipilian. Yung mga bagong style. Maganda pala taste ng babaeng 'to.






"Uhm.. napakarami mo namang pinapasuot.. Hindi ka ba pipili ng sayo?"







"Chloe, alam mo naman na ayaw kong magshoping pero alam kong gusto mo, kaya pasalamat ka hindi ako nagrereklamo" aniya at tinulak na naman niya ako sa fitting room. 








Pang pito na to a. Baka maubos ko yung allowance ko nito.







Woaah.. parang gusto ko 'to. Isa siyang simpleng pink floral dress..








"Woooowww!" Literal na napanganga si Nadine paglabas ko. "Ang ganda mo talaga bes" aniya





"Thank you"




"Dapat ganyan palagi yung suotin mo pag free day" aniya






"Huh?"





"Mas gusto ko yang mga pinili ko kesa sa mga sinusuot mo pag wednesday, iisa nanga lang araw na hindi ka magsuot ng uniform ganyan pa isusuot mo?" aniya sabay turo sa damit ko kanina






DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon