Kabanata 8

116 15 1
                                    

Secret






Nadine's Point of View





"Chloe?" tanong ko habang tinutuyo yung buhok ko. Kakaligo ko nga kasi.





Walang sumagot






"Chloe?" ulit ko pero wala talaga siyang imik kaya liningon ko na.. at yun tulog na pala.






May nakapatong pang notebook sa niya. Todo review, e sa Lunes pa nga yung long test. Kanina nga nakalimutan pa niyang mag iisleep over siya ngayon sa bahay dahil sa kakareview niya.







Ewan ko ba dito. Siguro siya yung magiging valedictorian nito. Ang sipag e.





Lumapit ako sa kanya saka inalis yung notebook sa mukha niya. Saka ko siya tinitigan.




"Bakit wala kang boyfriend Chloe? Sa ganda mong yan?" tanong ko kahit na natutulog siya






Oo napakaganda niya. Kung magkakaroon ako ng girl crush si Chloe yun. 







Pag linilingon ko yung mga classmates namin, halos lahat ng lalaki nakatingin sa kanya. Pero as usual hindi napapansin ni Chloe, busy kasi ang lola niyo sa pag-aaral.






"Sino kaya?" tanong ko sa sarili ko habang nag-iisip ng mga lalaki na bagay sa maladiyosa kong kaibigan. She deserves the best of the best. Kaya nga ako gumagawa ng list e.






Hhmmm.. si Mr. Yabang kaya.. His real name is still unknown. 





Malakas ang kutob ko na bagay na bagay sila ni Chloe. Masungit ngalang, base sa sinabi ni Chloe nong pauwi kami galing sa mall.







A.. ewan ko ba ang sakit na ng ulo ko kakaisip.







"Haisstt" sabi ko at humiga sa tabi ng best friend ko. Napaka himbing ng tulog niya.






"Sino ba talaga yung gusto mo?" tanong ko kay Chloe as if naririnig niya ako.






Haisstt matulog na nga lang ako.





At bago pa ako makatulog narinig kong nagsalita si Chloe na siyang nagpaupo  sa pagkakahiga ko.






Sinagot niya yung tanong ko? All this time gising pala siya?





Pero nakita kong nakapikit siya. 





Nagsalita siya ng tulog? pero narinig ko yung sinabi niya, mas maliwanag pa sa araw na sinabi niya ang pangalan ni...





"Matthew"






"Si Matthew pala ang gusto mo Chloe a" nakangiti kong tinignan ang sleeping beauty. All this time gusto pala niya si Matthew.





Kaya pala hindi siya masyadong gumagalaw sa klase kasi nasa likuran niya lang si Matthew. Kaya pala namumula siya kung minsan. At kaya pala niya palaging linalapitan si Matthew, kung saan nagdrama ako, akala ko kasi papalitan na niya ako e. Yun pala may HD pala siya kay Matthew.







Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw niyang sabihin saakin. Kasi gagawa talaga ako ng paraan.






Now alam ko na ang secret mo Chloe.








"Humanda ka na Matthew, magiging kayo ng napakaganda kong kaibigan sa ayaw at sa gusto mo"






Gagawin ko lahat para maging kayo Chloe.










_______________________________________

Chloe's Point of view







Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. At wala na si Nadine sa tabi ko.





San kaya nagpunta yung lokalokang yun.






"Looking for me?" tanong niya habang nakasandal sa pintuan. Nakabihis siya.





"Where are you going?" tanong ko




"The question is... Where are WE going?" pagtatama niya. Binigyan niya pa talaga ng diin ang pagkakasabi niya ng 'WE'






Aba ewan ko. Wala naman siyang sinabi na may pupuntahan kami





"C'mon.. kumain ka na sa baba" sabi niya at hinatak niya ako papunta sa kusina nila.




Hatak queen talaga tong babaeng 'to





"Saan tayo pupunta?" tanong ko at kumain ng bread





"Sa mall"





"Anong gagawin natin don?"









"Magaling ka, pero ngayon ko lang alam na may pagkashunga ka din pala" panlalait saakin ni Nadine "Siyempre mag shoshoping"





Anong iniisip ng babaeng to. Ngayon lang siya magyayang magshoping a. At kinikilabutan ako sa evil smile niya.








Anong balak ng babaeng to?







DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon