Kabanata 24

48 4 0
                                    

I miss you





My Florence:
See you soon baby ;)





What the....Haissssstttt.. For the nth time!!! Walang araw ang lumipas na hindi ako nakakatanggap ng 'see you soon' sa kanya..



"Hoy babae.. bat nakabusangot ka na naman?" tanong ni Nadine habang umiinom ng juice..




FBI na naman ang peg ng best friend ko.. pero sanay na 'ko..





"Wala 'to" sabi ko at linigpit ang mga pagkain na nasa harapan ko.. nawalan na ako ng gana.. okay na yung dalawang kagat sa cupcake..





"San ka pupunta?" tanong nito nang nagsimula na akong maglakad kaya niya ako sinundan hawak ang sandwich na kinakain niya..





"Magrereview na tayo" sagot ko at patuloy na naglakad papunta sa library...




Pagpasok ko.. Walang pang tao sa loob..  malamang nagmemeryenda pa si Matthew... palagi kase siyang nauuna sa pagpunta dito... palaging may ginagawa.. nagbabasa, nagsusulat at kung ano ano man.. siya na ang pinakabusy na tao, kaya di kami masyadong nag uusap..





Feeling ko nga he's back to his usual self.. yung malamig ang trato sakin..  but on the other side.. siguro assuming lang talaga ako..






Nabaling ang tingin namin nang pumasok si Matthew at padabog na linagay ang bag sa mesa..  bat nakabusangot si my loves?? Kasunod nito ay si sir Duke hawak ang maraming papel..




"Good news..  our problem is solved" ani Sir at hinarap kaming tatlo.. "Nakahanap na ako ng kapalit ni Feb.. at makakasama niyo na siya this Monday"





Pumalakpak si Nadine at napangiti naman ako.. that's indeed a good news..  ilang araw na ang lumipas at papalapit na ang contest.. at mas lalo kaming kinabahan kase hindi kami makakasali pag kaming tatlo lang.. at ngayong nalahanap na si sir..makakahinga na kami ng malalim..




"Uh.. sir gaano po siya kagaling?" tanong ni Nadine




"Actually malapit na niyang lampasan yung score ni Chloe.. but mas lamang ka ng 2 points" ani sir saakin




"Wow.. ang galing naman" aniya





"Yes he is.. diba Matthew?" ani sir kaya napatingin kami sa kanya






Nakasimangot ito at di sinagot ang tanong ni sir.. Abala siya sa pagbabasa at parang di niya ito narinig..





"Teka.. Friday na ngayon diba?"




"Oo Nadine..  at makakasama niyo na siya sa pagrereview sa Lunes" ani sir at binigyan kami ng mga dala niyang module







"Sleep over tayo sa bahay niyo" ani Nadine habang abala si Sir sa pagdidistribute..




"Okay" sagot ko kaya napaakap siya saakin..  miss ko na kasi yung bonding namin..  naging busy kasi kami sa kakareview this past days..







"Movie marathon tayo" bulong niya at napatango ako..  at dahil dun nanggigigil na naman ang loka loka.. kitang kita ang pagkislap ng kanyang mga mata






"Kayong dalawa.. siguraduhin niyong makakareview kayo" ani sir kaya kami napatango ni Nadine.. nakakagulat si sir..  bigla nalang sumasabat "Sige maiwan ko muna kayo.. tinatapos ko pa yung ibang reviewer"






Agad umalis si sir at saka ko tinignan ang mga iniwan niya..  ilan sa mga ito ay nabasa ko na.. nag aadvance reading kasi ako noon..



"Chloe" ani Nadine at saka bumulong "Bat ganyan si Matthew?"






Unti unti kong tinignan si Matthew at nakitang nagsusulat ito.. mabigat ang pagkakahawak nito sa lapis, to the point na mababali na ito..  ngayon ko lang siya nakitang ganito..  mukhang may kinaiinisan..







"Matthew.. okay ka lang??" di ko maiwasang itanong nang tinignan niya ako





Umiling ito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.. 




"Hayaan muna natin" bulong ni Nadine kaya di na ulit ako nagsalita.. halatang di siya okay..




Nag vibrate an cellphone ko..

My Florence:
Baby :*

Ako:
Bakit?? >:(



My Florence:
I miss you... ;(





"Hoy babae..  anong kinain mo?" biglang tanong ni Nadine





"Bat mo tinananong?"




"Namumula ka na naman" aniya kaya napatingin ako sa salamin.. Damn I'm blushing.. 





Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya napatingin rin ako..







Then I saw Matthew with his eyebrows crossed...








DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon