Nightmare
Kapagod naman talaga.. Lalo pag kasama yung lokaloka kong kaibigan.
7:12 PM na kaya madilim dilim na ang paligid. Masyado kaming natagalan sa pamimili. Baka magalit na naman si mama. Lagot ako neto...
Naiisip ko palang yun naiiyak na 'ko...
Agad binuksan ng guard ang gate nang makita niyang papalapit na ang sasakyan sa bahay. Mukhang kanina pa siya nag-aabang sa pag-uwi ko.
Mabilis naman akong sinalubong ni manang para tulungan sa pagbuhat ng kung anu-ano.
"Manang I can do it" sabi ko
"Ako nalang po maam.. Trabaho ko po 'to." ani manang
"Manang tawagin niyo nalang po akong Chloe.." Sabi ko sabay baba sa mga iilang pinamili sa loob ng kotse ko.
"Sige po ma-- ay Chloe pala" aniya at binuhat ang mga gamit ko.
Ito talagang si manang ayaw magpaawat, kaya heto pinabayaan ko nalang siyang magbuhat. Syempre ako yung nagbuhat ng ilang gamit... Marami rami kaya..
Mag aapat na taon na siyang nagsisilbi sa amin, pero ganyan parin ang ugali niya. Palagi niya akong tinatawag na maam kahit ayaw ko.
Pagkapasok ko sa bahay nakita ko si mama na nanonood ng TV. Bihira ko nalang siyang nakikitang nagrerelax,nanonood o anuman jan kasi palagi nilang inaasikaso ang kumpanya.
"O Chloe you're home.." ani mama
Hay salamat hindi siya galit.
"Nalate ka ata ng uwi.."
Here goes nothing...
"Uhm.. Natagalan po kasing pumili si Nadine ng kanya." palusot ko kahit na sa totoo lang pareho lang naman yung gamit na pinamili namin.
"Is that so." ani mama at pinagmasdan akong mabuti "What happened to your shirt?"
"Nabuhusan lang po kanina ng float... Where's papa?" sabi ko para mawala ang usapan
"He's in the office, working on something important.." Ani mama sabay subo ng popcorn..
"Ahh" tumango-tango nalang ako dahil sa sinabi ni mama..
BINABASA MO ANG
Destiny
Teen FictionNaniniwala ka ba sa Destiny or in tagalog tadhana??yung tipong nagkatagpo yung dalawang tao nang hindi sinasadya.. Kaya pa kaya nilang takasan ang isat-isa kung silang dalawa naman talaga yung itinadhana ng puong maykapal Ipinanganak si Chloe sa is...